[A/N: I will dedicate this chapter to Ms. AnatheaLouiseReyes... Thank you sa pag vote :)) So, here's Chapter 4... Hindi ko pa po alam kung kelan magkakaron ng POV si Sam..hehehe]
***
[Devon's POV]
Hindi na nga namin naituloy ang paglabas sa c.r dahil tinawag kami ni Medusa or pwede ring Valentina o 'di kaya Galema! Ah basta, lahat ng may ahas! Bagay naman kasi sa kanya 'yun dahil isa syang ahas.
"Oyy... Galema, ikaw pala 'yan?!" kumunot ang noo nya si couz naman ay nagpipigil ng tawa. Gets nya na eh. Hahaha.
"Excuse me?" tumabi ako.
"Dadaan ka? Daan na!" I smirked. Sya naman ay nag chuckle. Psh!
"You're so funny!" aba't gawin pa akong clown. Psh! 'Di naman ako nagpapatawa. At excuse me lang ha, mas mukha pa syang clown sa akin sa kapal ng make-up na nakalagay sa mukha nya! "Kamusta na kayo? Long time no see ah!" naks! Feeling close naman si Medusa! Psh!
"Okay na okay kami!" ngumiti ako ng pilit. Haay... ano ba naman 'yan, hindi ko na kering makipag plastican sa kanya.
"I see. By the way, it's nice to see you again Fretz," pero inirapan lang sya ni couz. Hahaha. "Uhm... about what happened to the three of us before, sana kalimutan na natin 'yun."
"Kalimutan? Kalimutan mong neknek mo! Alam mo bruha, hindi bagay sa'yo ang magbait baitan! Kaya 'wag kang feeling mabait, okay? Dahil kapag hindi ako nakapagtimpi sa'yo eh baka maingudngod ko 'yang nagmumura mong nguso dyan sa lababo!" hangtaray ni pinsan! Hindi pa rin talaga 'to nagbabago.
"Haay... Sige na nga, sabi mo eh. Well, you're still the old Fretzie that I've known many years ago! Tsk! Girl, try mo ring mag move on 'pag may time 'no? Threaten ka pa rin ba sa akin because of Quen? Don't worry, I'm over with him and besides I'd never been inlove with that nerd! Like duh! I just used him, that's all! And he's all yours, bitch!" pagkasabi nun ni Medusa ay saka naman nagpanting ang precious ears ko! Hindi lang AHAS, USER pa! Sarap talagang bangasan neto!
"What did you say????" susugurin sana ni couz si hitad pero pinigilan ko sya. Tumawa lang naman ang malanding 'to.
"Are you deaf???? Or you're just so STUPID?! Ginamit ko lang sya para naman may mapala ako sa kanya. Oh! Tagalog na 'yan para maintindihan mo!" dahil sa sinabi nyang 'yun ay hindi na ako nakapagpigil. I slapped her.
"Opps! Sorry, nagulat kasi ako. Eh automatic pa naman akong nananampal kapag nagugulat," I smirked again. Psh! Kulang pa nga 'yang sampal na 'yan sa ginawa nyang pang-aahas sa boyfriend ko!
"Wow! I didn't know na you changed a lot na pala. You're so palaban na my dear and I can't wait for our banggaan in the next few days," she chuckle. "And I can't wait to see Quen after so many years. Is he still inlove with me? Or tuluyan mo na syang naakit Devon?"
"What?! Naakit? Oh, come one! Hindi ba't gawain mo 'yun?! So, please, 'wag mong ipasa sa akin 'yang mga kalandian mo!" ang gagang 'to! Inakit ko raw si Quen. Eh loka-loka na pala 'tong babaitang 'to eh! Naku!
"Deny, deny din 'pag may time? Haay... ano pa bang aasahan ko, eh matagal ka naman ng denial sa kung ano ang tunay na estado ng relasyon nyo ni Quen. Best friend daw? Pwe! Lokohin nyo na ang kahit na sino but not me! Kunwari mabait pero ang totoo malandi," pigilan nyo ako dahil kapag hindi ako nakapagtimpi ay ako na ang magngudngod sa kanya sa lababong 'to.
"Napaka malisyosa mo rin naman talaga 'no?! 'Wag mo nga akong itulad sa'yo Coleen! Hindi tayo magkapareho, na lahat ng lalaki ay gustong mapunta sa'yo. Hindi ako katulad mo na parang mauubusan ng lalaki!"
"Hah! But he did not believe in you, right? Dahil kahit sya hindi naniniwala sa kung anong relasyon ang meron kayo ng 'best friend kuno' mo! That's why he left you!" natigilan ako. "Natigilan ka 'no? Dahil totoo ang sinasabi ko. You and Quen has a secret relationsh..."
"TUMIGIL KA NA! Wala kang alam, hindi mo alam ang totoo! Sadyang malisyosa ka lang! 'Wag mo kaming itulad sa inyo ni Quen. Hindi kami ang nanloko kundi kayong dalawa!" pakiramdam ko bumalik na naman ang lahat ng sakit na naramdam ko noong niloko nila akong dalawa.
Feeling ko in any minute eh tutulo na ang mga luha ko pero kailangan kong pigilan 'to, hindi nya pwedeng makita na pagdating sa lalaking 'yun ay nasasaktan pa rin ako. Hindi ko na hahayaan na sa pagkakataong 'to eh nagawa na naman nya akong talunin. Hinding hindi na ako magpapatalo sa hitad na 'to!
"I-explain mo 'yan sa maniniwala sa'yo. Anyway, I have to go! Medyo hindi na rin kasi maganda ang ambiance dito," she raised her right eyebrow and she walk-out. Hahabulin pa sana ni couz pero piniglan ko sya.
"Hayaan mo na."
"Anong hayaan? Potek na bruhang 'yun, kanina pa ako nanggigigil sa kanya. Gustung gusto ko na syang bigyan ng upper punch ko at sabunot sabunutan tulad ng ginawa ko noon sa kanya," napangiti tuloy ako dahil sa kanyang sinabi. Nakakatawa kasi 'yung itsura noon nung babaeng ahas na 'yun nung binugbog sya ni couz.
"Wag na natin syang pansinin. Papansin lang kasi 'yung Medusa na 'yun! Tsk! Pumasok ka na nga dyan at magbawas, ako naman eh maghuhugas ng kamay. Baka mahawaan pa ako ng kakatihan nung hitad na 'yun," napailing naman si couz sa sinabi ko.
"Mabuti pa nga. Bilisan na rin natin baka naghihintay na sa atin 'yung mga kaibigan mo."
Pagkatapos naming mag c.r ay dumiretso na kami sa cafeteria kung saan naghihintay ang barkada. Mabuti na lang at hindi pa break time kaya siguradong nasa klase pa nya si best friend. Nakita ko sila Keiz na nakabusangot na. Hahaha. Hindi kasi sila makakain hangga't wala pa kami.
"What took you so long?? Kanina pa kami naghihintay dito," nakasimangot nyang tanong sa akin.
"Sorry naman. Leggo na! Tomguts na rin me!"
"Leggo!" sabay-sabay nilang sabi.
BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
FanfictionAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...