Chapter 32.5 ~ Surprise! Part 2

242 4 3
                                    

iChapter 32.5

Ayan! Tapos na tayo sa first part ng birthday party ni Miss Devon. Ngayon naman dumako tayo sa 2nd part ito ang 16 gifts na magmumula sa mga malalapit sa puso ng ating celebrant. Pero bago yan panoorin muna natin itong isang skit na inihanda ni Ryan, Karen, Joj, at Kit!”     Ano naman kayang gagawin ng mga ito. Si Joj kaibigan ni Karen na parang kaibigan na rin namin. Si Kit naman yan yung isa pang manliligaw na kababata ni Ka na nakalimutan ko ang pangalan nung nagkukwento ako sa inyo.

Tawa ng tawa ang lahat. Ang ginawa nilang skit ay yung unang pagkikita namin ni Sam at yun ay sa heaven’s café. Pati na rin yung mga sumunod na awayan namin pati na rin ni Quen at Fretzie. Hahaha hanggang sa mabuo ang love story namin ni Sam. Si Karen ang gumanap bilang ako, si Ryan as Sam, Joj as Fretzie at Kit as Quen. Ang kukulit nila.

Wow! Amazing! Nakakakilig naman yun. Salamat sa apat na performer. Napasaya nyo ang lahat. After ng tawanan at kilig ee dumako na tayo sa 16 gifts na pangungunahan ng isa sa malapit na puso ni Miss Devon ang kanyang yaya na si Miss Rose Ilagan.

Ayan.. anak, 16 ka na. Sabi nga nila sweet sixteen pero para sa akin forever sweet ka. Masaya ako dahil sa’yo ako napunta bilang tagapag alaga mo. Anak, ang gift ko sa’yo ay isang doll. Sa mga hindi po kasi nakakaalam itong batang ito ee takot na takot dati sa manika kasi pag manika tingin nya raw pang mangkukulam.     natawa ako. si yaya talaga. Nakakahiya.      Pero syempre, iba na ngayon. Ngayon kasi sya nagbabawi noong mga panahon na dapat naglalaro nito. Anak, sobrang mahalaga sa akin itong doll na ito dahil ito dapat ang regalo ko sa’yo noon. Tingnan mo, ang tagal ko ring naghintay para maibigay ito mabuti nga at style debut itong ginawa ni Samuel so kahit papano napaaga ng dalawang taon. Anak, happy happy 16th birthday! Mahal na mahal kita.” –yaya      nag flying kiss ako sa kanya then I whispered ‘mahal na mahal ko rin sya’

Nakakatuwa naman yun. Susunod naman si Miss Joj Apostol.

Hi, ate Devon! Hihihi. Nakakatuwa dahil sa maikling panahon ee naging close ko po kayo na dati rati tinitingnan ko lang kayo sa malayo. So, yung gift ko ay isang dress na inspired sa’yo. Ang lola ko po ang nag design at tumahi neto na para lang po talaga sa’yo. Sana po ee magustuhan mo, happy birthday po!” –Joj     aww… such a sweet girl. Super love ko yung dress.

Next Miss GracielaMonta. Sya ang isa sa maswerteng fan ni Devon na maka attent sa kanyang birthday party.

Gift ko kay Devs ay isang relo/watch para palagi nya itong masusuot ... wish for her sana maging successful sya someday sa career nya ngayon.

Next si Miss iamkaren07 na isa rin sa maswerteng napili.

Ang regalong ibibigay ko sa kanya ay isang doll house. Pero hindi yung normal na doll house na nabibili kundi ako mismo ang gagawa na ang laman ng doll house na yun at mga picture nya with her barkada. Hihihi.

Next naman ay ang isa malapit sa puso ni Miss Devon si Miss Karen Montello.

Ate Devon..   Lumapit sya sa akin at nagbeso.      Happy birthday! Yes, 16 ka na. Ang gift ko sa’yo ay plane ticket na trip to Singapore.     Kinantyawan sya ng barkada.      Wala kasi akong maisip. Hahaha ayan. Pero sure naman ako na mag-e-enjoy ka dyan. At isang Devon miniature na ginawa nung friend ng tita ko. Happy birthday ate Devon and I’m happy to have a friend and ate like you. I love you!” –Karen

100 Days With Her *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon