Chapter 36 ~ Going Down

214 5 5
                                        

[A/N: Eehhh….. Inlove naman na pala itong si Quen kay Devon… Yieee… HAHAHA.]

Pakibasa po ng The Sisters…

Chapter 36

Devon’s POV:

“I’m sorry, I’m late. Kanina ka  pa ba?”

“No, Ms. Athena. Halos magkasunod lang naman po tayong dumating.” Si Liza, my assistant. Nandito kami ngayon sa Starbucks-MOA.

“Then good! So, how is it going? Ilang percent na ang nakukuha mo?” sumenyas sya. Ipapa-serve nya na siguro ang in-order nya.

“40 percent pa lang po Ms. Athena but you don’t have to worry. Konting konti na lang magiging sa’yo na ang company na ‘yun.” –Liza. Napangiti ako sa magandang balita na narinig ko. Pero kulang pa yun para ako na ang maging owner ng company nya.

Ohh…. Yes! You heard her right. Si Liza ay isang professional businesswoman, not to mention isa syang professional prostitute. Since halos matatandang lalaki rin naman ang may shares sa company ni Sam kaya I hired Liza dahil mas mapapadali ang pagkuha ko sa company nya. Inaakit lang naman nya ang mga matatandang maniac na yun. Oh diba? Effective! I owned 40 percent of shares in his company. Konti na lang akin na ang company na ‘yun. 

And obviously, mayayaman sila kaya balewala lang naman sa kanila kung ibenta nila ang shares nila sa company ni Sam dahil hindi ito kawalan sa kanila. Well, kung itatanong nyo, anong gagawin ko roon? Wala! Gusto ko lang bilhin yun. Gusto ko lang naman na makitang naghihirap si Samuel. Yun lang! Masaya na ako roon. Sooobrang saya!

“Mabuti kung ganon. Pagbutihin mo pa Liza ang trabaho mo. Dapat na mas maging malaki ang share of stocks ko sa owner at kung kailangang bayaran ng triple gawin mo. Ikaw na ang bahala, okay? Tumango sya. At dahil dyan bibigyan kita ng bonus. Nilabas ko ang isang envelope. Una pa lang yan, Liza. Kapag nakuha mo na ang malaking share sa company na ‘yun mas malaki ang magiging bonus mo.”

“Of course, Ms. Athena. I will assure you. Salamat po sa bonus.” –Liza. Tumango ako.

“Wala yun. Napakaliit na bagay lang yan. Hindi talaga ako nagkamali na sya ang napili kong gawing kanang kamay habang wala ako rito sa Pilipinas. Sya ang dahilan kung bakit alam ko pa rin ang nangyayari rito kahit na wala ako. Maybe we should go somewhere to celebrate this victory. Let’s go!”

Palabas kami ng Starbucks ng may makabunggo sa akin. Ang tanga! Fvck!

“Hey! Are you blind?!” Tiningnan ko yung nakabunggo sa akin. Nagulat ako dahil si Karen ang nabunggo ko.

“Ate Devon?” Umiwas ako ng tingin. Hindi nga pala nya alam na dumating na ako. Tiningnan ko si Liza na gets naman agad nya.

“Excuse me Miss, pero nagkakamali ka yata. She is Miss Athena Lozano not Devon.” –Liza. Athena Lozano nga ang ginamit kong pangalan simula ng maging isa akong sikat na fashion designer sa Paris. Wala lang, gusto ko lang magpa mysterious effect sa mga tao. Ang totoo wala talagang nakakakilala kay Athena Lozano, bukod sa pangalan wala na silang ibang alam.

“Ha? Pero imposible ata yun. Si ate Devon talaga yan ee.” –Karen. Pagpipilit ni Karen. Gusto ko syang lapitan, yakapin pero hindi pa nya pwedeng malaman na nandito na ako. Ayaw kong mabulilyaso ang plano ko.

“Miss, pwede ba wag ka ng mapilit. Nagkakamali ka lang, okay? Maybe she looks like me but I’m not her. We have to go now! Let’s go Liza!” putol ko sa kanila. Kung hindi ko gagawin yun, baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at mapaamin ako sa kanya.

Monday:

Nagising ako sa tunog ng phone ko, si Liza ang nagtext. Inaantok pa ako pero binasa ko pa rin yung text nya baka good news to ee.

At hindi nga ako nagkamali kaya naman napasigaw ako sa nabasa ko. Finally! Ako na ang may pinakamalaking share sa company ni Samuel Iniego. And sooner or later mapapasaakin na ang company nya. What a beautiful morning for a beautiful lady like me. Hahahaha.

You're going down Samuel Iniego...

100 Days With Her *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon