Chapter 42
Quen’s POV:
Pasakay ako sa aking kotse nang may isang babae ang nakaagaw ng atensyon ko.
Tumingin ako sa direksyon nya. Umiiyak sya. Parang pamilyar sya.
Is that Devon? Teka, eh bakit naman sya pupunta dito? Pero hindi ako pwedeng magkamali. I know Devon. Likod pa lang nya alam ko ng sya yun.
Nilapitan ko yung babae.
Hinawakan ko sya sa kanyang braso. Pagharap nya, nagulat sya.
“Q-quen?” gulat na gulat nyang sabi.
“Why are you here? And why are you crying?” nag-aalala kong tanong.
Bigla syang yumakap sa akin. Saka humagulhol.
“Sssshhhh… don’t cry.” Pag-aalo ko.
“Quen… gusto kong lumayo. Gusto kong pumunta sa tahimik na lugar. Nakikiusap ako dalhin mo ako sa lugar na malayo sa problema.” Umiiyak nyang sabi.
Hindi na ako nagtanong pa. Pinasakay ko sya sa kotse ko.
Hindi man nya sabihin sa akin but I know how she hurts. Nakikita ko yun sa kanyang mga mata.
“We’re here.” Sabi ko.
Bumaba sya. Sumunod lang ako sa kanya.
Tiningnan ko syang mabuti.
“Iba talaga sa pakiramdam kapag nasa isang tahimik na lugar ka. Sobrang malayo ka sa mga problema. Makakapag-isip ka pa ng mabuti. Hingang malalim. Quen?” tumingin ako sa kanya.
“Bakit?” tanong ko.
“Baka bumalik na ako sa Paris. Wala na rin naman kasi akong gagawin dito. Maayos naman yung branch ng boutique ko rito. At saka marami pang trabaho ang naghihintay sa akin doon.” She leans to my shoulder.
“Isasama mo na si Kath?” umiling sya.
“She can stay here as long as she wants. Hindi ko naman sya pipiliting sumama sa akin kung ayaw pa nya.” Tumango ako.
“Ok. Gusto mo bang sumama ako sa’yo sa Paris?” tumingin sya sa akin.
“Ano ka ba, hindi na kailangan. May trabaho ka rito. Saka hindi naman na tayo mga bata na dapat mong ihatid. That’s so high school, you know?” she laughs.
Pero makikita mo sa mata nya ang lungkot kahit nakangiti pa sya.
“Wala namang masama dun ah. Eh di ibalik ang high school days. Isipin mo na lang na high school pa rin tayo at ihahatid kita sa bahay nyo. Saka ako naman ang magbabakasyon ngayon. Okay?” hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.
Nagkatitigan kaming dalawa. Pakiramdam ko kami lang dalawa ang naririto. Parang sa amin lang dalawa umiikot ang mundo.
Unti-unting nagkakalapit ang aming mga labi hanggang sa….. naglapat ito. We closed our eyes. Walang gumagalaw basta magkalapat lang ang aming mga labi.
When I about to open my lips bigla syang bumitaw sa halik na ‘yun. Saka ako natauhan.
“S-sorry.” Sabi nya.
“No! Ako, ako ang dapat humingi ng sorry. Hindi ko sinasadya. I’m so sorry Devon.”
Potek! Bakit ba kasi hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko. Tsk! Ano ba naman yan, Quen! Ang laki mong TANGA!
“Let’s go. Pagod na ako.” Sumakay na sya sa kotse.
Natapik ko naman ang aking noo dahil doon.
Nag drive ako pabalik sa Manila. Parehong walang nagsasalita. Sobrang awkward.
Hanggang sa makarating kami sa bahay wala pa ring nagsasalita. Hindi nya na ako hinintay na lumabas para pagbuksan sya.
“Devon?” nag-aalala kong tawag sa kanya.
“Kung iniisip mo pa rin yung nangyari kanina, wag mo ng alalahanin pa yun. It’s okay. Don’t worry, nothing will change. Besides, hindi naman natin sinasadya yun diba? Hindi mo sinasadya. Tumango ako. Sige na, tutulog na ako. Good night!”
“Good night!” yun na lang ang nasabi ko.
Napahinga ako ng malalim.
Sana sa nangyari kanina, wala ngang magbago. Tsk! Sana kasi pinigilan ko ang sarili ko na halikan sya. haaay…. Bakit kasi hanggang ngayon sya pa rin ang mahal mo? Sana ako na lang. Ako na lang dapat!
“Kuya?” lumingon ako.
Si Kath. Hindi ko na napigilan yung sarili ko kung kaya’t yinakap ko sya saka umiyak.
Hinayaan nya lang akong umiyak ng umiyak. Hindi na sya nagtanong pa dahil alam nya naman kung ano ang dahilan.
Tippy’s POV:
Nandito ako sa harap ng elevator papunta sa unit ni Sam nang may isang familiar na babae akong nakita na lumabas sa kabilang elevator.
Hindi ako pwedeng magkamali, sya yun! Sinundan ko sya hanggang parking lot. Napansin ko na parang umiiyak sya. Mayroong lalaki na papalapit sa kanya. Si Enrique yun! Tama nga ang hinala ko, si Devon ang babaeng yun. Pero anong ginagawa nya sa Condo na ‘to kung saan nandito si Sam? Medyo kinabahan ako.
Sana mali ang iniisip ko. Sana talaga!
Kaya lakad takbo ang aking ginawa papunta sa unit ni Sam. It’s impossible na coincident lang ito. Hinanap ko sa aking bag yung spare key ng unit nya.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng ma-realize ko na hindi ito naka lock! Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto nya. I opened the door and I saw him lying on his bed. Yung lower part of his body lang ang merong takip. Wala syang suot na pantaas but I’m sure na fully naked sya.
May naiwan pang amoy ng perfume ng babae at ngayon ako nakakasiguro na nanggaling sya rito. Kung kaya’t lalo pang bumuhos ang luha ko.
Tumalikod ako. Nagmadali akong umalis. Gusto kong lumayo.
All this time, si Devon pa rin talaga ang mahal nya. Kaya ko namang tanggapin yun eh, na kahit kelan hindi nya ako mamahalin ng tulad ng pagmamahal na meron sya para kay Devon. Pero bakit kailangan pang mangyari ito. Bakit?! Is this my karma?
Lahat ginawa ko para makuha ka kay Devon. Para maging akin ka lang. Kaya kahit ang magmukhang SLUT sa mata ng ibang tao at sa pamilya mo, tinanggap ko. Kaya hindi ko hahayaan na makuha ka pa ulit sa akin ni Devon. Hinding hindi ko yun hahayaan. You’re mine, Samuel! You’re only MINE!
A/N: Sa mga nagbabasa po ng "The Sisters", pasensya na po kung hindi ko ma-update. Papalitan ko po kasi yung plot ng story nun but still the same characters pa rin naman po. Tatapusin ko lang po muna itong 100 Days then gora na sa story kong yun. Maraming salamat po!
follow me on twitter: @yenEstudillo
BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
FanfictionAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...
