Chapter 44
Quen’s POV:
Maaga akong umuwi dahil gusto kong maiayos itong mga dadalhin ni Devon pabalik sa Paris. Pinag grocery ko sya kasi siguradong mami-miss nya yung mga pagkaing pinoy.
“Kuya, ang dami nyang pinamili mo ah? Anong meron?” tanong ni Kath.
“Ah…. Mga dadalhin ni best pabalik sa Paris. Kumunot ang noo nya. Malamang hindi pa nya alam. Oo, babalik na sya at sa isang araw na ‘yun. Hindi pa ba nya sinasabi sa’yo? Umiling ito. Sabagay, sabi nya naman kasi nung isang gabi okay lang daw kung ayaw mo pang umuwi.”
Lumapit sya sa akin saka ako hinawakan sa noo pati na rin sa leeg.
“Kuya, okay ka lang ba?”
“Oo naman! Bakit naman ako hindi magiging okay?” nakangiti kong sabi sa kanya.
Alam ko naman kasi kung ano ang ibig nyang sabihin. Tungkol ito sa nangyari nung isang gabi.
“Mukha kang tanga, kuya! Iiyak-iyak ka dyan tapos ngayon parang walang nangyari? Umiling-iling ito. Nakakatanga ba talaga ang pag-ibig?” tanong nya. Ewan, hindi ko alam. Pero kung katangahan tong ginagawa ko, siguro nga, nakakatanga talaga ang pag-ibig.
Oo, aaminin ko sobra akong nasaktan dahil alam ko na kahit anong gawin ko hinding hindi ko mapapalitan si Sam sa puso nya. At kahit na sino pang lalaki ang dumating sa buhay nya, si Sam pa rin ang laman nito. Hanggang kaibigan lang talaga ako at tanggap ko na ‘yun.
Pagkatapos ng naging confession ko kina Kazel at Joe feeling ko gumaan na yung pakiramdam ko. Doon ko rin napag-isip-isip na siguro kaya ako ibinigay ng Dyos sa kanya upang maging isang protector nya. Maaaring yun ang papel ko sa buhay nya, ang maging isang mabuting kaibigan. Pero hindi pa rin mababago nun na si Devon lang ang tanging nilalaman ng puso ko. Sya ang babaeng mahal ko at wala ng iba pa.
“Kuya, wala ka pa bang balak aminin kay Athena kung anong nararamdaman mo para sa kanya? Diba sabi mo nun, hindi mo malalaman ang mga sagot sa mga katanungan mo sa iyong sarili kung hindi mo tatanungin yung taong mahal mo?” ginulo ko ang buhok nya.
“Oo, sinabi ko nga yun. Kath, kahit hindi ko naman na itanong pa kay Devon alam ko na rin naman yung sagot eh. Si Sam pa rin ang mahal nya at nakikita yun sa mga mata nya. Mahal nya ako pero bilang isang kaibigan lang, bilang isang kuya. Hanggang doon lang ang pagmamahal na meron si Devon para sa akin. Alam ko na kahit kelan hindi nya masusuklian yung pagmamahal na meron ako para sa kanya. At tanggap ko na ‘yun. Matagal ko ng tinanggap yun. Saka mas pinili ko lang panatilihin yung friendship naming dalawa. Pero kung minsan hindi mo lang talaga maiiwasang masaktan kasi hindi naman bato yung puson natin. She sniffed. Ohh….. bakit?”
“Kuya, nakakaiyak kasi sana may mga lalaking katulad mo pa. Yung kayang magmahal ng sobra-sobra. At yung kayang suklian yung pagmamahal na meron ka para sa kanya.”
“Halika nga rito! Hinila ko sya. Kath, alam ko na nakikita mo yung sarili mo sa amin ni Devon ang sitwasyon nyo ni Dj. Ito ang sasabihin ko sa’yo, iba ang sa amin at iba ang sa inyo. Wag kang matakot sa maaaring mangyari sa inyo ni Dj. Hindi man sabihin ni Dj pero nakikita ko na gusto ka rin nya, na mahal ka nya pero maaaring natatakot syang mawala ka sa kanya. Kung minsan kasi mas mabuting panatilihin na lang ang pagiging magkaibigan kesa ang magkaibigan (o magkagustuhan) kasi ang pagkakaibigan pang habang buhay na ‘yun. Kahit kelan hinding hindi mawawala yun. Kapag naman naging kayo maaaring mawala ang friendship or pwedeng maibalik pa rin pero tulad nga ng sabi ko, mababawasan ang friendship. Hindi na kayo magiging tulad ng dati. At yun ang magiging pinakamalaking hamon sa pagkakaibigan nyo. Siguro, yun ang tumatakbo sa isipan nya kaya pilit nyang itinutuon yung atensyon nya sa ibang babae o kaya nasa denial stage pa rin ang loko.” Lalo pa syang umiyak.
BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
FanfictionAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...
