SOUND 1: MYSTERIOUS

1.7K 38 10
                                    

SOUND 1: MYSTERIOUS

Ang mabuhay sa maingay na mundo ng syudad ay isa na sa mga nakasanayan ko, ang magpunta sa mga socialites' parties at events, makipagkamay sa lahat ng mga business partners ng pamilya namin, at kahit nga ang walang sawang pagngiti tuwing kinakausap ka. Daig ko pa yata ang artista, noon.

Noon yun, dahil ibang iba na ngayon. Wala ng parties at events, at wala na rin business partners. Nasa syudad pa rin naman kami dahil sa work ni Mama dito.

Pinagkaiba lang ngayon, hindi na siya ang asawa ng owner ng company, kundi si Mrs. Laila Sanchez ay isang butihing company secretary. Nakapagtapos naman si Mama ng kursong business management kaya kahit papaano ay nakapatrabaho pa rin siya.

"Anak, mauuna na ako sa inyo. Ikaw ng bahalang maghatid dyan sa kapatid mo." sabi ni Mama na nagmamadali ng umalis dahil makikipagsapalaran pa yan sa mga jeep dito na ubod ng kupad

"Sige po Mama. Ingat po kayo." sagot ko habang naghuhugas ng pinagkainan namin ng almusal

Pagkatapos ko dito ay agad na akong humarap sa salamin para tingnan at sarili dahil papasok din ako sa school pagkahatid ko sa kapatid ko sa school niya.

"Ate, let's go na! Baka malate ako sa school, I don't wanna be late you know." yan ang aking sosyalerang bunsong kapatid, nasanay kasi sa yaman yan kaya nahihirapan magadjust. Siya si Amber Delilah Sanchez, nasa grade 3 na yan sa isang private school dito sa bagong nilipatan namin.

Nakaka isang buwan palang kami dito sa bagong apartment na nirentahan namin at kakalipat lang din ng school, sana panghuling lipat na namin ito dahil mahirap na magadjust lalo at nasa 4th year highschool na rin ako.

"Tara na Amber, ihahatid ka na ni Ate." sabay bitbit ko ng mga gamit ko at gamit niya

"That's what I'm saying a while ago pa."

Naglakad na kami papunta sa school nila, malapit lang naman kasi yung dito sa tinitirhan namin.

Nakarating na kami sa tapat ng gate ng school niya at siguradong maririnig ko nanaman ang famous reklamo line nito.

"Sweats all over my body. Yucky!" sabi ni Amber kaya lumuhod ako sa may harapan niya at pinunasan siya

"Magpolbos ka pagpasok sa school mo."

"Okay Ate."

"Magingat ka sa paguwi mamaya ha. May inihanda na akong meryenda sa ref."

"Okay. Pasok na ako, magpopolbos pa ako sa c.r." sabi niya sabay kiss na sa pisngi ko "Ingat ate."

Nginitian ko nalang siya tsaka na nagumpisang maglakad ulit papunta naman sa school na pinapasukan ko. Private din ang school na yun, sinuwerteng nakapasok ako dahil sa scholar ako. Kaya heto at ang dami kong bitbit na papel na pinaxerox ko kahapon para ibigay sa mga kaklase ko.

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon