SOUND 6: STARTING
AALIYAH's POV
Maaga akong gumising ngayon para mamalengke. Linggo kasi ngayon at isa sa bonding namin ni Mama ang magluto.
"Magkano po ito?" tanong ko sa tindera habang hawak ang sayote. Kanina pa ako nag-iikot para makahanap ng magandang gulay.
"15pesos." sagot ng tinderang sinulyapan lang ako saglit pagkatapos ay nagpatuloy sa pag-aayos ng mga panindang gulay
"15pesos? Hindi po ba pwedeng 10pesos nalang? Dalawa naman po bibilhin ko." mahal na kasi para sa akin ang 15 pesos, mas maganda kung makatawad ako kahit magkano para naman makatipid pa rin
"Hindi. Iyan na iyan." sagot ulit ng tinderang mukhang imbyerna na yata. Akala ko pa naman makakatawad ako, mukhang mahirap kausap ang tinderang ito.
"Okay po. Bibili ako ng dalawa." sabi ko tsaka na nagbayad
Namili na ako ng iba pang kailangan para sa lulutuin naming tinola. Excited na akong makauwi para maumpisahan na namin ang pagluluto ni Mama.
"Siguradong mapaparami ang kain ko nito." sabi ko sa sarili habang naglalakad pauwi. Nilalakad ko lang kasi mula sa palengke hanggang sa bahay namin para makatipid, kung tutuusin nakasanayan ko na rin kasi ito kaya naman mukhang malapit na para sa akin sa tuwing nilalakad ko.
"Teka!" sabi ko habang nakatitig sa isang pamilyar na mukha
Parang si Kiye kasi iyong lalaking nakaupo sa may tapat ng nakatayong batang babae, inaabutan niya ito ng lollipop. Mukhang kakagaling lang nung bata sa pag-iyak.
"Pinaiyak ka siguro ng lalaking iyan noh?" nakangiting sabi ko sa kanila. Todo ngiti naman ako nang lumingon silang dalawa sa akin.
"Kilala mo po siya kuya?" tanong nung batang babae na nakatitig kay Kiye
Nakatingin sa akin si Kiye, kaya naman kinawayan ko pa sabay sabing "Hello Kiye!"
Seryoso lang siyang tumingin ulit sa batang babae sabay umiling. Buti pa itong batang babae nakatanggap ng iling mula kay Kiye. Sabagay, ngumiti nga pala sa akin itong si Kiye kahapon.
"Kuya, baliw ba siya? Ngumingiti mag-isa eh." natauhan naman ako ng marinig iyon
Nakita ko namang tumango si Kiye. Ibig niya bang sabihin, oo? Tingin niya ba baliw ako?
"Hoy hindi noh." sabi ko na nagpatawa dun sa bata
Lumapit naman iyong bata sa akin na agad humawak sa kanang kamay ko "Ate, alam mo ba kung bakit hindi nagsasalita si Kuya?"
Napatingin ako kay Kiye at alam kong narinig niya iyon. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at nakatingin sa amin.
"Hmmm paano ko ba sasabihin ito?" pakiramdam ko napakahirap ng tanong na ito. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ko.
"Ay ate! Aalis na po ako. Hindi pa pala ako nag-aalmusal baka hinahanap na ako ni nanay." sabi bigla nung bata na bumitaw na mula sa pagkakahawak sa kamay ko
Tumakbo siya ulit palapit kay Kiye "Kuya, uuwi na po ako. Salamat po dito sa lollipop."
Hinawakan lang ni Kiye ang ulo nung batang babaeng naka ngiti sa kanya tsaka na ito nagbye sa amin at umalis na.
Lumapit naman ako kay Kiye na inaayos na ang pagsakay niya sa bike.
"Hoy!" sabi ko sabay tapik sa balikat niya
Seryoso lang siyang tinignan ako saglit tapos ay sumakay na sa bike niya.
"Teka nga!" sabi ko sabay harang sa harapan ng bike niya
BINABASA MO ANG
Sounds of Silence
ChickLitWhat are you going to do if all you hear is the Sounds of Silence? Tagalog || Romance || Teenfiction
