SOUND 9: IMPORTANT

815 18 3
                                    

SOUND 9: IMPORTANT

AALIYAH's POV

Imbis na mainis ako, napalitan ang mga luha ko ng ngiti nang dahil sa nabasa kong sinulat niya. Para na rin siyang nagsalita nang dahil dun.

Pagtingin ko sa kanya ay inaayos niya na ang bike niya. Itinatayo niya na ito at mukhang nagbabalak na siyang umalis.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Mas lalo akong napangiti ng makita kong nakasabit ang bag ko sa manibela ng bike niya.

Bigla naman nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya bigla sa akin, kaya napangiti nalang ako. Ayoko namang sabihan niya nanaman ako ng panget.

"Oo na. Hindi na ako iiyak. Ayoko ng masabihan ng panget." natatawa kong sabi sa kanya

"Huh? Bakit?" tanong ko nang biglang ilahad niya ang kanang kamay niya na parang may hinihingi sa akin

Itinuro niya iyong notebook ko na hawak ko bilang sagot. Nagtataka man ako ay iniabot ko pa rin sa kanya iyong notebook. Aba't nasa bulsa niya pa talaga ang ballpen ko.

Naaamazed naman akong makitang nagsusulat siya. Wala naman espesyal tungkol sa pagsusulat, pero iyong si Kiye, siya mismo ang nagsusulat ngayon. Nakakatuwa dahil para na rin kaming naguusap nito.

Natapos na siyang magsulat at iniabot na ulit sa akin ang notebook at ballpen ko.

~ Kahit na nakakairita ka talaga. Ihahatid na rin kita sa bahay niyo. Baka kasi mamaya matuluyan ka pang masagasaan. Mukha ka na kasing lutang. ~

Parang sira itong si Kiye! Pagtingin ko, ayun at naglakad na nga habang buhat niya ang bike niya at mga gulong nito.

"Teka lang Kiye." agad akong tumakbo palapit sa kanya para pahintuin siya saglit. Huminto naman ito at tumingin sa akin.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin. Maraming salamat talaga." nakangiti kong sabi sa kanya. Maglalakad na sana siya ulit nang pigilan ko dahil hinawakan ko ang braso niya.

"Sandali ulit." muli naman siyang tumingin sa akin

"May pupuntahan muna tayo." nakangiti kong turan sa kanya

Nagtataka man siya ay sumama na rin siya sa akin. Hindi ko naman hahayaan na hanggang pag-uwe niya ay bitbit niya itong bike at gulong.

"Lolo Tino!" pagtawag ko sa lolo na may-ari nitong pagawaan ng mga bisikleta

"Oh ikaw pala Aaliyah. Kamusta at napadaan ka dito?" sabi ni Lolo Tino na lumapit sa amin habang pinupunasan ang mga kamay niyang puno ng grasa

"Maayos naman po ako. Ikaw Lolo?" nakangiti kong sabi sa kanya. "Oo nga po pala, nandito pala ako para ipaayos itong bike ng kaibigan ko."

Paglingon ko kay Kiye, heto siya at nagmamasid-masid dito sa tindahan at pagawan ng mga bisikleta. Mukhang mahilig talaga siya sa mga bike.

"Ang daming maganda noh?" sabi ko habang nakangiting nakatingin din sa mga bike

"Akin na iyang bike mo para mapagawa na natin." sabi ko tsaka siya humarap sa akin. Tinignan niya muna ang bike niyang hawak niya tsaka ibinalik ang tingin sa akin. Mukha siyang nagdadalawang isip na ibigay ito sa akin.

"Don't worry, papaayos lang naman natin." nakangiti kong sabi sa kanya

"Lahat ng bisekleta dito ay mahalaga sa akin. Kaya naman huwag kang mag-alala iho." napatingin naman kami pareho kay Lolo Tino nang bigla siyang magsalita

Napansin ko namang napabuntong hininga si Kiye. Imbis na iabot sa akin iyong bike niya at gulong ay kinuha niya nalang ang nakasabit kong bag sa manibela nito, pagkatapos ay iyon ang iniabot niya sa akin. Naglakad naman siya palapit kay Lolo Tino at ibinaba na ang bike na animo'y pinapaubaya niya na ang pag-ayos nito kay Lolo Tino.

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon