SOUND 10: WHO CARES
AALIYAH's POV
Isang magandang araw nanaman at isa sa ikinaganda na ang araw na ito ay ang aming Physical Education subject. Hindi naman ako ganung kasporty, pero gustong gusto ko kasi ang sport na gagawin namin ngayon. Anung sports iyon? Walang iba kundi Baseball! Kulang nalang ay itaas ko ang dalawang kamay ko dahil sa sobrang excitement.
Ang baseball kasi ang paborito kong sports. Sa totoo lang, iyon lang talaga ang nilalaro ko dahil kay Dad. Siya ang nagturo sa akin ng baseball. Naging mahalaga iyon sa akin dahil sa kanya.
"Hindi ako dapat nalulungkot ngayon. Dapat masaya ako dahil maglalaro ako ng baseball." sabi ko sa sarili habang naglalakad papasok sa school. Todo taas pa ako ng kanang kamay na naka okay sign nang biglang may tamaan akong mukha. "Oops! Sorry po."
Kung maka po naman ako. Si Kiye lang naman pala itong natamaan ko.
"Ang aga mo yata ngayon." sabi ko sabay tingin sa relo ko na nakapatak sa 7am palang "7am? Waaaahhh! Late na ako!"
Tumakbo na ako papasok sa school tsaka ko nalang nilingon si Kiye na chill lang sa paglalakad. "Uy! Una na ako. Mamaya nalang kita kukulitin."
Pagdating sa room, agad-agad akong napansin ng mga kaklase ko. Masyado talagang halata ang excitement ko. Buti nalang wala pa ang teacher namin para sa unang subject.
"Tinatamad ako. Kung bakit naman kasi maglalaro tayo ngayon." mukhang tamad na tamad nga itong si Liana. Ang sarap ng dukmo sa mesa niya.
"Kailangan mo ba ng good vibes?" bulong ko sa kanya
"Shut up Aaliyah. Wala ako sa mood. Lazy day ngayon." bulong na nga lang ang sinabi ko sa kanya nagtakip pa ng tenga
Oh well! Basta ako ganadong ganado talaga. Umupo na ako sa seat ko at pagsilip ko sa may garden, ayun nanaman si Kiye at mapayapang natutulog sa may tabi ng punong acacia. Ang sarap pa ng higa niya.
Dumating na ang aming late teacher para sa subject na English. Kahit na gusto ko rin naman ang subject na ito, hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa relo ko na gusto ko ng hatakin ang mga daliri para pumatak na sa 1pm, iyon kasi ang oras ng P.E subject namin.
Pagkatapos ng tatlong subject. Sa wakas naman at lunch break na rin.
"Aaliyah, bakit ba ang ganado mo ngayon? Hindi ka naman ganyan ka ganado everyday." sabi ni Liana na parang ang bigat ng katawan habang tumatayo
"Kailangan mo ba ng tulong? Papabuhat kita kay Jonathan." napangiting-aso naman siya nang binanggit ko iyong pangalan ng kaklase ni Spencer
"Hayy naku Aaliyah! Tigil-tigilan mo ko sa mga nakakaloko mong suggestions." sa wakas naman at nakatayo na siya. Akala ko kailangan ko pang ipabuhat talaga ito.
"Okay po. Mananahimik na Miss Tamad." natatawa kong sabi sa kanya habang inaayos na ang wallet ko para bilangin ang natitira kong pera na pambili ng lunch
"Buti nalang at inabutan kita dito Aaliyah." paglingon ko naman kay Spencer ayan at ang ganda ng ngiti habang palapit sa amin ng pinsan niya "Namimiss ko na kasing makasabay kang kumain ng lunch."
"Nagugutom na ako! Kain na tayo!" biglang sigaw nitong si Liana na nakapagpalingon sa amin sa kanya. Mukhang siyang badtrip slash tamad slash badtrip slash tamad, yes, tamad at badtrip siya ngayong araw.
"Woah! Problema mo? Mas lalo kang nagiging panget." natatawang sabi ni Spencer habang umakbay kay Liana
"Tigil-tigilan mo ako Spencer." natatawa nalang din talaga ako dito kay Liana
BINABASA MO ANG
Sounds of Silence
ChickLitWhat are you going to do if all you hear is the Sounds of Silence? Tagalog || Romance || Teenfiction