SOUND 11

742 19 5
                                    

SOUND 11

AALIYAH's POV

"Aaliyah." iyong yakap na iyon ang mas nagpaiyak sa akin. Naramdaman ko ang matinding lungkot at ganun din ang pagkamiss kay Papa. Bakit kinailangan niya pang mawala sa piling namin? Bakit ganito? Sobrang sakit pa rin.

"Aaliyah tama na." malumanay na pagkakasabi ni Spencer habang nakayakap sa akin "Hindi ko gustong nakikitang umiiyak ka."

Bumitiw na siya mula sa pagkakayakap sa akin at iniangat ko ang ulo ko para ipakita sa kanya ang isang pilit na ngiti. Ayokong pinagaalala ang mga tao sa paligid ko.

"Iyan, dapat lagi ka lang nakangiti." nakangiting sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na nakaupo na siya sa damuhan gaya ko.

"Salamat Spencer." nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya ulit sa akin at tumayo na. Inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin biglang pag-aalalay sa pagtayo ko.

Iniabot ko naman ang kamay ko sa kanang kamay niya upang matulungan ako sa pagtayo. Next thing I know, nanlalaki na ang mga mata ko nang makitang may dinampot siya at inilagay ito sa kaliwang kamay ko.

"Anung--" tatanungin ko sana kung anung gagawin ko dun sa baseball bat na pinahawak niya sa akin, pero hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay inilabas niya naman mula sa bulsa ng uniporme niya ang bola na pangbaseball.

"Maglalaro tayo!" masayang sabi niya na nakapagpangiti sa akin ng totoo

"Sa wakas naman! Akala ko ay magngingitian nalang kayong dalawa diyan eh." nakangiting napalingon ako sa direksyon na iyon ni Liana kung saan ay nakaupo siya sa bench sa may ilalim ng punong mangga.

"Salamat Liana!" masayang sabi ko sa kanya

Ngumiti naman siya sa akin at nagsign ng okay tsaka sinabing "Game na! Kukuhanan ko kayo ng video!"

Lumayo naman si Spencer sa akin. Siya ang magiging tagahagis ng bola at ako naman ang masayang nakaabang at titira nito.

"Ready na?" masayang tanong ni Spencer

"Ready!" sabi ko sabay okay sign sa kanya. Umayos na ako ng posisyon at diretsyong nakatingin sa titirahing bola na nasa mga kamay ngayon ni Spencer.

Ibinato na ni Spencer ang bola. Tamang lakas at pwersa. Kasabay ng pagsalubong ko sa bola ay malapad na ngiti. Isang malakad na tira ang ginawa ko na nagpalipad sa bola. Binitawan ko ang bat at masayang tumakbo sa mga base. Kasabay ng aking pagtakbo ang pagbabalik ng masasayang alaala kasama si Papa. Thank you Spencer. Thank you sa pagpapasaya sa akin ngayon.

"Nice one Aaliyah! Ang galing mo pala!" narinig kong sigaw ni Spencer habang patuloy ako sa pagtakbo

Isang tira lang, pero umaapaw ang kaligayahan na nararamdaman ko.

* flashback *

"Magaling Destiny! Homerun nanaman!" sigaw ni Papa habang masaya akong tumatakbo.

Tumatakbo ako palapit sa kanya at isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin.

"Sabi ko na nga ba at madali mong matututunan iyan." masayang sabi ni Papa sa akin

"Magaling din kasi ang coach ko, kaya siguradong magaling din ako." nakangiting sabi ko sa kanya na mas nakapagpangiti kay Papa

* end of flashback *

Paghinto ko sa pagtakbo ay napabuntong hininga ako. Namimiss na kita ng husto Papa.

"Kaloka ka Aaliyah! Hindi ko alam na magaling ka pala talaga diyan sa baseball." sabi ni Liana na lumapit na sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkaamaze

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon