SOUND 4: MISSION

839 22 3
                                    

SOUND 4: MISSION

AALIYAH's POV

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Kaya pala lagi siyang nandito. Kaya pala hindi siya nagsasalita. Kaya pala napakalungkot niya. Ngayon, alam ko na kung bakit.

* flashback *

"Marahil napapansin mo siya sa may garden." sabi ni Ma'am Principal na busy sa pagsusulat, habang hindi ko pa rin maalis-alis ang titig ko sa family picture

"Sino po siya? Anu niyo siya? Bakit siya may picture dito?" sunod-sunod kong tanong kay Ma'am Principal, pakiramdam ko nga ay hindi ako nakahinga sa bawat tanong kong iyan

Napansin ko namang napangiti si Ma'am Principal at ibinaling sa akin ang tingin niya "Anung meron? Bakit napaka interesado mo sa kanya?"

Napapilit na ngiti nalang ako "Napaka misteryoso niya po kasi." sabi ko tsaka naman ako napayuko

"Sila ang owner ng school natin at iyong misteryosong lalaking sinasabi mo ay ang anak nila." napatanga ako lalo nang marinig ang sinabi ni Ma'am Principal "Kaisa-isahang anak nila. Siya si Kiye Xander Imperial."

Ang kapal talaga ng mukha ko para awayin iyong anak ng may-ari ng school. Paano nalang kung tanggalin nila ang scholarship ko dahil dun? Pero teka, naging mabait din naman ako sa lalaking iyon, sadyang nakakapang-init lang talaga siya ng ulo. Kiye Xander Imperial, iyon pala ang pangalan niya. Hindi ko na siya dapat tawagin ng kung anu-anong weirdong pangalan ngayon.

"Ms. Sanchez, ayos ka lang? Parang bigla ka yatang namutla." tanong ni Ma'am na nakapagpabalik sa akin sa katinuan

Ngiting pilit ulit sabay dahan-dahang inangat ang kanang kamay ko para sa okay sign "O-okay lang po. Sige po Ma'am mauuna na po ako." tsaka na ako tumalikod para maglakad palabas

"Sandali lang Ms. Sanchez." 

agad naman akong napalingon ulit kay Ma'am Principal. Nakatayo na siya at laking gulat ko nang lumapit siya sa akin at hinawakan gamit ng dalawang kamay niya ang dalawang kamay ko rin na pinagtabi niya. "Help him recover. Help him surpass the sadness."

"Po? Paano ko naman po siya matutulungan? Hindi ko po alam kung bakit siya nagkaganyan at kung anung dapat kong gawin." nagpapanic kong tanong. Pakiramdam ko nga ay lumalabas ang puso ko dahil sa kaba.

"He's in trauma." hindi ko agad naproseso sa utak ko ang sinabi niya. Alam kong para akong nagmukhang ewan dahil sa naging reaksyon ko. "Hindi naman talaga siya ganyan. Masayahing bata siya at napakalapit niya sa mga magulang niya. Madalas din ang pagpunta niya dito sa eskuwelahan ng mga magulang niya kahit hindi siya dito nag-aaral. Sadyang napakasaya nilang pamilya."

"Kung ganun, bakit po siya nagkaganyan?" sa wakas at nakuha ko na ulit na magtanong

"Pinatay ang parents niya." napatakip ako ng bibig nang marinig ang nakakalungkot na balitang iyon "At sa harapan niya mismo."

Akala ko, iyon na ang pinakamasama at pinakamalungkot na balitang narinig ko, pero hindi pa pala. Kaya pala siya natrauma dahil sa harapan niya pa mismo pinatay ang mga magulang niya. Nakakalungkot isipin na bakit kailangang mangyari pa ang ganung bagay.

"Kaya kung pwede sana matulungan mo siya, Ms. Sanchez."

* end of flashback *

Paano ko naman magagawang tulungan ang gaya niyang dumadaan sa isang depresyon?

"Nakakasakit ng ulo." sabi ko sabay hawak ng ulo ko

"Ayos ka lang ba Aaliyah?" napalingon naman ako agad sa humawak sa akin sa braso at tama nga akong si Spencer ito

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon