SOUND 2: SNOB

1K 32 8
                                    

SOUND 2: SNOB

AALIYAH's POV

Ang hirap ng pagiging Student Assistant. Kailangan kong laging tumulong sa mga teachers, paminsan-minsan na magduty sa library, at minsan nga pati sa canteen. Pero ano bang magagawa ko? Kailangan kong magsipag para makapagtapos. Malamang baka ganito din ang gawin ko para makapagcollege.

"Isang rice at menudo." gaya ngayon, heto ako at nakaduty sa canteen.

"Ito na ang order mo." sabay abot ko nung inorder tsaka naman ibinigay ang 50 pesos na bayad

"Isang matamis na halik at mahigpit na yakap nga." napalingon naman ako sa nagsalita na yun

"Puro ka talaga kalokohan Spencer." sabi ko sa kanya habang nagaayos ng plato na gagamitin

"Hindi ako nagloloko. Yun nga ang gusto kong order." sabi niya habang todong nakangiti sa akin

"Bro ha! Lakas mo talaga makabanat dito kay Aaliyah. Mamaya dumating nanaman yung pinsan mo at malamang mabatukan ka nanaman." sabi naman nitong kaklase niya

"Manahimik ka nga diyan Jonathan! Hindi naman ako natatakot sa pins--Aray!" hindi niya pa nga natatapos yung sinasabi niya tsaka naman dumating si Liana

"Hindi pala takot ha? Hahaha." malakas na pagtawa ni Jonathan na sige pa sa pangaasar sa kaibigang si Spencer

"Tss! Puro ka kayabangan diyan, wag mong ginugulo ang bestfriend ko." sita sa kanya ni Liana

"Ang brutal mo naman talaga! Hoy Jonathan! Ligawan mo na nga tong pinsan ko ng maging sweet naman--Aray ko!" nakatikim ulit siya ng batok. Lokohin ba naman kasi si Liana? Yan napapala niya, isa siyang buttered cousin.

"Manahimik ka ha?!" sigaw ni Liana

"Bro, hindi ko type yang pinsan mo. Masyadong brutal. Hahaha." sabi naman ni Jonathan

"As if naman type kita! Asa!" sabi naman ni Liana na tumingin na rin sa akin "Tinatawa-tawa mo?!"

"Masama bang matawa sa inyo? Haha" sabi ko naman sa kanya

"Aaliyah, ibreak mo na itong si Liana. Wag na siya ang bestfriend mo." sabi nanaman ni Spencer

"Alis na nga diyan!" sigaw ulit ni Liana sa kanila

"Paorder nalang kami." sabi ni Jonathan na natatawa pa rin

Nagorder na sila ni Spencer tsaka na umalis. Hinila pa nga ni Spencer ang buhok ni Liana kaya naasar nanaman itong bestfriend ko.

"Kairita talaga yung dalawa na yun!" reklamo ni Liana

"Brutal ka naman kasi talaga. Haha"

"Isa ka pa! Tse! Paorder na nga lang ako, nagugutom na kaya ako. Ikaw ba hindi pa kakain?"

"Mamaya na, pagkatapos ko dito. Anung order mo?" ibinigay niya naman na ang order niya tapos ay nagpunta na sa table kung saan siya kakain

Kahit papaano, nakakatanggal ng pagod yung matawa sa pagbabangayan nilang magpinsan, napasali pa diyan itong kaklase ni Spencer na si Jonathan. 20 minutes nalang at may pasok na ulit kami, kaya naman kakain na sana ako nang maalala ko yung mysterious guy na yun sa may garden. Kumain na kaya yun? Hindi kaya uso sa kanya ang salitang magutom o mauhaw? Teka! Bakit ko ba siya inaaalala? Pagkatapos niyang hindi ako tulungang tumayo? Tama lang na magutom siya!

Pagkatapos kong kumain, ewan ko ba pero parang tinubuan ako ng konsyensya. Napabili pa tuloy ako ng sandwhich at mineral water sa canteen. Bakit ko ba naisipan na bigyan siya nito? E ako nga itong naghihirap? Sigh.

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon