SOUND 3: YIKES

1K 28 13
                                    

SOUND 3: YIKES

AALIYAH's POV

"Ate! You know what, I'm very much hungry na! Tagal mo naman magluto." kanina pa ako naiinis dito sa kapatid ko. Pasaway na Amber! Sobrang antok pa nga ako dahil hindi kulang ang tulog ko kagabi dahil sa dami ng assignments.

Nauna ng umalis si Mama, hindi na nga yata kumain ng almusal yun dahil sa late na nga akong nagising.

"Ate! Faster naman!" sigaw ni Amber na kanina pa talaga pangasar

"Here! Tapusin mo agad pagkain mo para makapasok na tayo." sabi ko sa kanya tsaka na ako pumasok sa banyo para maligo

Wala na akong oras para kumain pa ng almusal dahil baka malate pa itong si Amber at ako pa ang sisihin niya. Ayaw na ayaw niya pa namang nalalate siya dahil ayaw niyang pinagtitinginan na parang kriminal pagpasok sa room nila.

"Hindi ka na kakain?" tanong ni Amber sa akin habang inaayos ko itong mga gamit ko

"Hindi na, baka malate na tayo." sabi ko sabay bitbit na nga gamit niya at gamit ko tsaka na lumabas ng bahay

Naihatid ko na si Amber at nagmadali na rin ako sa pagpunta sa school namin. 5 minutes nalang kasi at malalate na ako.

"Okay!" sabi ko ng mabilisan sabay okay sign tapos takbo na papasok sa school

Nginitian ko na nga lang si Manong guard dahil sa pagmamadali ko.

Pagpasok ko sa room, todo hingal na ako. Salamat naman at wala pa ang teacher namin.

"Aaliyah." papasok na sana ako kaso tinawag naman ako nitong teacher namin na palapit na pala sa room namin

"Yes Ma'am?" sabay pilit na ngiti ko sa kanya

"Nakalimutan ko kasi yung papers niyo sa faculty, pakikuha naman." sabi niya tsaka na siya pumasok sa room namin

Hinihingal pa nga ako tapos utos nanaman? Sigh! Kung pwede lang sana akong kumontra. Pumunta na ako sa faculty room at kinuha ang mga papers namin. Binagalan ko nalang ang paglalakad dahil nakakapagod naman talaga. Umagang umaga tapos haggard na agad.

Pagbalik sa room, naguumpisa na siyang magdiscuss. Umupo na rin ako sa pwesto ko sabay buntong hininga.

"Kawawa naman ang beauty mo bestfriend." bulong sa akin ni Liana pero dahil sa kapaguran ko, nginitian ko nalang siya at pilit ng nakinig sa teacher.

Ganito pala ang pakiramdam ng hindi nakatulog na maayos. Ang sakit sa ulo! Dapat yata nagbaon ako ng toothpick para hindi bumababa ang talukap ng mga mata ko. Naririnig ko pa ang tiyan ko na kumukulo dahil sa gutom.

9am na, break time na namin pero wala akong energy para pumunta sa canteen. Parang mas gusto kong matulog nalang dito.

"Aaliyah, kain na tayo. Nagugutom ako." pag-aya sa akin ni Liana

"Ikaw nalang, inaantok kasi ako." sabi ko sa kanya sabay patong ng ulo ko sa desk ko

"Sure ka? Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya ulit sa akin. Tinaas ko nalang ang kanang kamay ko sabay okay sign sa kanya.

"O sige, pupunta na ako sa canteen. Ayaw mo bang magpabili?" nag okay sign ulit ako sa kanya tapos ayun at umalis na siya

Hindi pa nga ako nakakaidlip nang bigla namang may tumabi sa akin.

"Aaliyah." sabay tusok sa tagiliran ko

"Bakit?" sabi ko sabay ayos ng upo tingin kay Spencer

"Nakita ko kasi si Liana, nasabi niyang ayaw mong pumunta sa canteen. Kaya heto ang pagkain, dinalhan kita." nakangiting sabi sa akin ni Spencer

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon