SOUND 5: NEW FRIEND

826 23 1
                                    

SOUND 5: NEW FRIEND

AALIYAH's POV

Walang pasok ngayon kaya naman tahimik dito sa eskuwela. Oo, nandito ako sa eskuwela kahit walang pasok. May kailangan kasi akong kunin. Tama ba naman kasing makalimutan ko kahapon ang libro namin sa physics kung saan may assignment pa kami. Kasalanan iyon ng lalaking suplado na saksakan ng sungit. Sigh.

Bago pa man ako makapunta sa building kung nasaan ang room namin, nadaanan ko ang garden. Pumunta na rin ako dito.

"Anu bang espesyal dito?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang buong paligid ng garden

Simple at maganda ang garden na ito. Sa totoo lang, iilan lang ang tumatambay dito dahil sa ayaw nilang kasama iyong si Kiye. Weirdo nga raw kasi. Puno ng magagandang gumamela ang garden. Ito talaga ang sadyang nagpapaganda dito.

"Hindi rin pala pumupunta dito iyong isang iyon pag walang pasok." sabi ko tsaka na tumalikod

Alam kong nagulat ako nang makita kong parating siya. Palapit na siya dito sa garden. Nakabike siya gaya ng araw-araw niyang gawain.

"Kakasabi ko lang na hindi siya pumupunta dito. Iyon pala pumupunta naman." nasabi ko habang tinitingnan siyang tinatabi ang bike niya

Naglalakad na siya palapit dito sa may puno ng acacia nang mapansin niya ako, dahil napahinto siya saglit nang makita ako.

"Siguro gusto mong itanong sa akin kung bakit ako nandito ngayon. Tama ba ako?" tanong ko sa kanya

Hindi niya naman ako pinansin at umupo nalang siya sa bench. Lumapit naman ako at umupo rin sa tabi niya, pero hindi naman iyong dikit na dikit, syempre may space pa rin sa pagitan namin. Napatingin naman siya sa akin nang makaupo ako.

"Gusto mong itanong kung bakit ako umupo dito sa tabi mo? Diba?" tanong ko ulit sa kanya

Napansin ko namang sumalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko. Napangiti nalang ako at ibinaling ang tingin sa malaking field ng school na nasa tapat lang nitong garden.

"Ang lawak din nitong school noh? Sa sobrang lawak ng private school na ito, hindi ko na nga halos kilala ang ibang estudyante. Naisip ko kasing mas masaya kung kilala mo ang lahat." nakangiti kong sabi habang nakatanaw pa rin sa field

"Alam mo bang frustrated baseball player ako. Sabagay, hindi mo iyon alam dahil hindi mo na ako kilala." natatawa kong sabi sa kanya

Tinignan ko siya at nakatanaw rin siya sa malawak na field.

"Ang saya sigurong maglaro ulit ng baseball." sabi ko tsaka ako napayuko. Ang hirap ng ganito. Naalala ko nanaman kasi si Papa.

"Alam mo bang scholar ako sa school na ito? First time kong maging scholar. Masaya, pero at the same time mahirap din na mag adjust." kahit na alam kong walang hindi interesado itong katabi ko, sige pa rin ako sa pagdaldal dito

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon