SOUND 12
AALIYAH's POV
Kakaiba ang nararamdaman ko sa pagyakap niya sa akin. Anu ba naman itong nararamdaman ko? Parang tumataas ang mga balahibo ko na hindi ko maintindihan. Pero kahit ganun, may comfort akong nararamdaman.
Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap niya sa akin at hindi na ako tinignan pa. Diretsyo ang tingin niya sa daan na basang basa na dahil sa malakas na ulan.
Pakiramdam ko naman ay napako ang tingin ko sa kanya dahil sa pagyakap na ginawa niya sa akin kanina. Sa totoo lang nakaramdam din naman ako ng hiya, pero nangingibabaw ang kaba. Nawala rin ang panlalamig ng katawan ko na naging dahilan ng lamig ng hangin at malakas na ulan, pero ngayon ibang panlalamig yata ang nararamdaman ko.
Alam kong nagulat ako nang makita ko siyang biglang tumayo. Nailang naman ako nang tumingin siya sa akin kaya napatingin nalang ako sa kabilang daan sabay takip ng kamay ko sa kaliwang parte ng mukha ko. Kunwari ay nagpupunas ako ng mukha, pero ang totoo ay nakaramdam talaga ako ng hiya nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya.
"Ba-bakit?" nauutal ako habang nakatingin sa kanya. Nakaupo ako habang siya ay nakatayo, seryosong nakatingin sa akin, at hawak ang kaliwang kamay ko na kanina ay pinapantakip ko sa mukha ko.
Naramdaman ko ang biglang paghatak niya sa kamay ko na naging dahilan para mapatayo ako at mapadikit sa kanya.
"Hmm, iy-iyong ka-kamay ko." naiilang kong sabi sa kanya. Nakatingin nalang ako sa kamay ko na hawak niya. Hindi ko siya magawang tingnan sa mukha dahil alam kong nakatingin siya sa akin.
"Te-teka lang." sabi ko nang biglang tumakbo siya habang hawak ang kamay ko na naging dahilan para mapasabay ako sa pagtakbo niya. Napansin kong nakasabit na pala sa kaliwang parte ng likuran niya ang bag ko. Malakas pa rin ang ulan, pero mas malakas yata ang nararamdaman kong kaba habang heto kami at magkahawak ang kamay habang tumatakbo.
Gusto ko siyang tanungin kung saan kami pupunta. Gusto kong malaman kung saan, pero alam ko namang wala rin akong makukuhang sagot sa kanya.
Inabot kami ng tatlong kanto, pero parang wala pa rin balak tumila ang ulan. Akala ko nga ay hindi na rin kami titigil sa pagtakbo nang bigla naman siyang huminto kaya napahinto rin ako. Napatingin ako sa bahay na nasa harapan ko ngayon. Isang malaki at magandang bahay. Simple, pero sadyang maganda. Naalala ko tuloy iyong bahay namin noon.
*Ding Dong* ang tunog na iyon ng doorbell ang naging dahilan para muli akong mapatingin sa kanya. Mabilis ang pagpindot na ginagawa niya sa doorbell, sabagay, basang basa na kasi talaga kami, pero ito na kaya ang bahay nila? Dinala niya ako sa bahay nila? Bakit ba kanina niya pa naipaparamdam sa akin na dapat akong mahiya. Sigh.
"Teka nandiyan na!" rinig kong sigaw mula sa loob. Naririnig ko rin ang pagbukas ng pinto at mga yabag ng babaeng nagsalita.
Nakalabas na ito at dali-daling lumapit sa may gate. Gulat siyang napatingin kay Kiye.

BINABASA MO ANG
Sounds of Silence
ChickLitWhat are you going to do if all you hear is the Sounds of Silence? Tagalog || Romance || Teenfiction