SOUND 13

697 17 8
                                    

SOUND 13

"Ate! Ate! Tayo na! Si Mama na ang nagluluto ng almusal at baon natin oh." gustong gusto ko pang matulog, pero hindi ako tinitigilan nitong si Amber. Kanina pa siya panay ang yugyog sa akin.

"Ate naman eh! Tamad mo rin talaga kung minsan!" inis na sabi ni Amber na pakiramdam ko ay nakacrossarms na. Ganyan iyan eh, may pagkamature. "Ma! Ayaw pa rin tumayo ni Ate!"

Nagtakip lang ako ng unan sa mukha ko. Naririndi na ako sa pagsigaw niya. Mas lalong sumasakit ang ulo ko.

"Anak, ayos ka lang ba?" nakapasok na rin pala si Mama sa kwarto ko

Inalis ko na iyong unan na nakatakip sa mukha ko, dinilat ang mata at dahan-dahang umupo, pero wala pa man, nakaramdam na nga agad ako ng hilo.

"Anak, napano ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" pag-aalala ni Mama na hinawakan ako at tinulungan makahiga ulit

"Paano naman kasi late na siya umuwi kagabi." pagsusumbong ni Amber

Tinignan ko naman siya ng masama na napansin ni Mama kaya napatingin siya sa akin. Halata namang naghihintay siya ng explanation ko.

"Saan ka galing kagabi? Anung oras ka na ba nakauwi?" madaling araw na kasi nakauwi si Mama kaya hindi niya alam na nadis-oras ako ng uwi kagabi

"9pm na po Ma. Sa bahay po ng ka-kaibigan ko." napahinto pa ako, yeah, okay lang naman siguro na iaddress ko siya bilang kaibigan ko?

"Sinong kaibigan iyan? Bakit late ka na umuwi? Anung ginawa mo sa bahay nila?" ayaw kong ganito si Mama, masyado siyang nagaalala

"Lalaki iyong kaibigan niya Mama. Hmmm, anu nga kasi ang pangalan nun?" napahawak pa si Amber sa baba niya habang pilit iniisip ang pangalan ni Kiye

"Lalaki? Aaliyah? Kaibigan lang ba talaga ang lalaking iyan? Bakit hindi ko siya kilala? Si Spencer ba?" si Spencer lang ang kilala ni Mama na kaibigan kong lalaki, kaya siya talaga ang naisip niya

"Umulan po kasi ng malakas kahapon diba? Eh inabutan po ako ng ulan sa daan. Ayun at nagkataong nakasama ko po iyong kaibigan ko. Sobrang lakas ng ulan at parang wala ng balak huminto kaya naman tumakbo kami papunta sa bahay nila na isang kanto lang naman ang layo sa lugar kung nasaan kami." bakit ba parang nahihirapan akong magpaliwanag kay mama? Siguro dahil sa si Kiye ang kasama ko. Kahit kasi ako hindi makapaniwalang siya ang nakasama ko at nakapunta pa ako sa bahay nila.

"At sino naman ang lalaking iyon?" si Mama talaga, inuuna pa itong paguusisa niya, e samantalang ang sakit na nga nitong ulo ko

"Kiye po Ma. Kiye ang pangalan niya." sabi ko habang nakahawak sa ulo ko

"Tama Ma! Kiye nga po pala pangalan nun at tshirt ng lalaking iyon ang suot ni Ate kagabi." pakiramdam ko mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil dito kay Amber

"Pinahiram niya lang po iyon sa akin dahil basang basa na ako kagabi." pagpapaliwanag ko ulit. Nakita ko namang mukhang okay na kay Mama ang pagpapaliwanag ko.

"Hay naku anak! Nilalagnat ka." sabi ni Mama habang nakahawak sa noo ko "Sandali lang at kukuha ako ng bimpo at tubig. Bumaba ka na rin dun Amber at mag almusal na nang makapasok ka na."

Naipikit ko na ulit sa wakas ang mga mata ko nang bumaba na si Mama at Amber. Kaya pala ang init ng pakiramdam ko. Tuluyan na talaga akong nilagnat dahil sa sobrang nabasa ako kahapon.

"Huwag ka na munang papasok. Magpahinga ka na muna." sabi ni Mama habang inilalagay ang basang bimpo sa noo ko "Kumain ka mamaya ha. Aalis na kami ni Amber."

"Sige po Ma. Ingat po kayo." pagkasabi ko nun ay ang paghalik ni Mama sa ulo ko tsaka na siya bumaba

Kailangan ko talagang magpahinga ngayon. Dahil hindi pwedeng hindi pa ako makapasok bukas. Mahirap kasi iyong lumiliban sa klase.

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon