SOUND 14

667 21 7
                                    

SOUND 14

AALIYAH's POV

"Destiny, buti naman at nagising ka na. Pinag-alala mo ako ng husto."

Sabi ko na nga ba at mali ako. Akala ko si Kiye ang narinig kong nagsalita bago ako mawalan ng malay.

"Alam mo bang hindi ko alam ang gagawin ko kaninang nakita kitang nawalan ng malay." ngumiti nalang ako sa kanya para naman mawala na kahit papaano ang pag-aalala niya

"Ate naman kasi, kung saan-saan pumupunta." napatingin naman ako kay Amber. Nakauwi na pala siya mula sa eskuwela nila.

"Aaliyah, anu? Okay ka na ba talaga? Magsalita ka naman oh." hindi pa rin pala sapat ang ngiti ko para mapahinahon itong si Spencer

"Okay na ako. Huwag ka ng masyadong magalala." sabi ko sabay ngiti niya. Para naman siyang nakahinga ng maluwag dahil dun. "Maraming salamat Spencer. Hmm, paano mo nga ba ako nakita?"

"Uh, nagkataong napadaan ako dun." napatayo pa siya nung sumagot at tumalikod sa akin

"Hindi mo ba nakita si Kiye?" para namang napahinto siya dun sa tanong ko

"Hindi. Wala ka naman kasama nung makita kitang nahimatay." humarap siya sa akin at pakiramdam ko pilit siyang narerelax. Hindi ko maintindihan, pero parang may iba sa kanya.

May dinala pa talagang doktor dito sa bahay si Spencer para tingnan ako. It turns out na okay naman na ako. Talagang pasaway lang dahil lumabas pa ako kanina para lang sa isang usapan na mukhang ako lang naman ang nagpabig deal.

Maya-maya lang rin ay umuwi na si Mama kaya naman umuwi na rin si Spencer. Hindi ko na nga siya nagawang ihatid sa labas dahil siya mismo ay pinagbawalan akong tumayo mula sa pagkakahiga.

Isang bagay lang naman talaga ang pinagtataka ko ngayon. Kung paanong hindi nakita ni Spencer si Kiye. Hindi kaya nakalayo na siya nung panahong nawalan ako ng malay? Ang gulo lang talaga.

"Ate! Ate! Uy Ate!" ano nanaman kaya ang kailangan nitong kapatid ko? Parang nagmamadali pa naman din.

"Ate! Gumising ka muna diyan. Kailangan pa ba kitang alugin?" halata na sa boses niya ang pagkainis. Ako yata ang bunso rito at siya ang ate ko.

"Napano ka?" tanong ko sabay tingin sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng kama ko habang nakacrossarms. Seryoso siyang nakatingin sa akin pagkatapos ay itinaas ang kaliwang kamay paturo sa bintana kong nasa kanang bahagi ng kwarto ko kaya napatingin naman ako sa bintana kong itinuro niya "Anung meron dun?"

"Kanina pa nandun sa labas iyong lalaking kasama mo kagabi. Bakit nandun iyon? Gusto ko sana siyang kausapin, kaso nakatayo siya dun sa may puno sa harap at nakatitig dito sa bintana ng kwarto mo. Ang creepy niya!" alam kong bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ko, mas lalong nanlalaki ang mga mata ko

"Sigurado ka bang iyong lalaking kasama ko kagabi iyong nasa labas? Baka mamaya magnanakaw na pala." sabi ko habang patayo

"I'm sure Ate. Malinaw kaya ang mga mata ko. Isa pa, gwapo naman nung Kuya na iyon para mapagkamalan kong magnanakaw." pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi niya habang naglalakad palapit sa bintana ko

Paghawi ko ng kurtina, hindi ko na nagawa pang alisin ang mga tingin ko sa lalaking alam kong nakatitig din sa akin ngayon. Nagtama ang mga tingin namin. Halata pa nga sa kanya ang medyo pagkabigla nang makitang tumingin ako, dahil naalis siya sa kumportableng pagkakasandal sa puno.

"Diba tama ako?" naalis lang ang tingin ko sa kanya nang biglang nasa tabi ko na itong si Amber at nakatingin na rin pala sa kanya, kaya pala biglang inalis ni Kiye ang tingin niya at tumingin sa ibang direksyon

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon