SOUND 16

963 33 29
                                    

SOUND 16

AALIYAH's POV

Parang tumigil ng pansamantala ang oras habang nakadampi ang labi niya sa labi ko. Walang kahit konting ingay ang maririnig sa paligid, maliban sa malakas na tibok ng puso ko. Nanatiling nakabukas lang ang mga mata ko. Ramdam ko ang malakas na paghampas ng hangin at ang malamig niyang kamay na nakahawak sa kaliwa kong pisngi. Inaamin ko, masarap sa pakiramdam.

Inilayo niya na ang mukha niya sa mukha ko at inalis na rin ang pagkakahawak ng kamay niya sa pisngi ko. Pareho kaming umiwas na tumingin sa isa't isa. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagkailang pagkatapos nun?

Ito ang unang halik ko. Tama nga sila na para kang lumulutang sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko nga ay lumulutang pa rin ako hanggang ngayon.

Destiny? Tama! Narinig ko iyon. Hindi ako pwedeng magkamali na nakapagsalita si Kiye at tinawag niya akong Destiny. Kahit na medyo naiilang pa rin ako ay hinarap ko siya, kahit hindi naman siya sa akin nakatingin dahil alam kong naiilang din siya dahil sa nangyari. Nakatingin lang siya sa malawak na field ng school at nakahawak sa bahagyang kaliwang parte ng dibdib niya.

"A-ayos ka lang ba?" hindi niya ako tinignan, pero tumango siya

"Sigurado ka bang okay ka lang? Para kasing namumutla ka?" hahawakan ko sana ang kaliwang pisngi niya, pero agad siyang umiwas. Tumayo siya at parang mas bumibilis ang paghinga niya. Tumayo rin ako at pumunta sa harapan niya. Pilit kong hinuhuli ang mga mata niya, pero iwas na iwas naman siya.

"Hoy Kiye! Okay ka lang ba?" hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi para manatili ang tingin niya sa akin. Naiilang ako, pero nag-aalala kasi ako sa kanya dahil mukha siyang balisa. Pansin ko ang paghinga niya ng malalim bago tumango. Medyo nabigla pa ako ng hawakan niya ang dalawa kong kamay na nakahawak sa magkabilang pisngi niya.

"Ang awkward lang." medyo natatawa kong sabi habang heto at nakayakap siya sa akin. Inilapit niya ako sa kanya at niyakap. Nakahawak ang kanang kamay niya sa ulo ko habang yakap-yakap naman ako ng kaliwang bisig niya. Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng pagkakayakap niya, kaya naman napayakap na rin ako sa kanya.

Ang sarap sa pakiramdam. Ganito pala iyon? Iyong pakiramdam na lumulutang ka sa saya ng dahil sa love. Hindi ko alam kung anong meron sa amin ngayon. Ang tanging alam ko lang ay sobrang masaya ako.

Hinatid niya na ako sa bahay pagkatapos. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya habang magkasama kami. Nainterview pa ako ni Amber pagkapasok ko sa bahay, dahil nakita niya nanaman akong kasama si Kiye.

"Ah may text siya!" nagmamadali akong lumabas ng banyo nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. "Siya nga!"

~ What was that? ~ Huh? Ano itong text niya? Anong what was that?

"Hoy! Anong what was that? Hinalikan mo ako tapos what was that? Baliw ka ba?" agad kong text sa kanya. Ang unfair naman ha! Kilig na kilig ako, tapos siya what was that daw?

~ I'm just kidding. :) I did that on a purpose. ~ Naks! May smiley pa ang text niya "Kidding? Alin? Iyong ginawa mo? Pinagtritripan mo ba ako?" kainis itong si Kiye!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon