SOUND 15

721 29 17
                                    

SOUND 15

AALIYAH's POV

"She's trying to be nice with you. So you better stop fooling her!" sigaw ni Spencer na halos hindi ko maintindihan kung anung ibig niyang sabihin

Ako lang ba ito o talagang masama ang tingin nilang dalawa sa isa't isa?

"Uhmm, excuse me." sabi ko sa kanila kaya napatingin na sa akin si Spencer. Si Kiye naman iniwas na ang tingin niya.

Napansin ko ang pagbuntong hininga ni Spencer. Tatanungin ko pa sana si Spencer tungkol sa sinabi niya, kaso tumunog na ang school bell.

"Pasok na tayo." pag-aya ni Spencer na mabilis na lumapit sa akin sabay hinawakan ako sa kanang kamay at hinatak ng bahagya para maglakad na

Nakatayo lang dun si Kiye at parang wala namang nangyari sa kanya dahil agad din namang bumalik sa normal niyang ekspresyon ang mukha niya.

"Sandali." sabi ko sabay hinto, kaya naman napahinto rin siya sa paglalakad at paghatak sa akin "Spencer."

"Anu iyon Aaliyah?" tanong niya habang nagpapakita ng ngiti niya sa akin. Alam ko namang may problema eh at pilit niya lang tinatago.

"Galit ka ba kay Kiye?" diretsyong tanong ko sa kanya, pero ngumiti lang siya at lumapit sa akin

"Alam mo ikaw malalate na tayo. Kung anu-ano pa tinatanong mo." sabi niya sabay todo ngiti at pagpapacute sa akin "Sige na, malalate na tayo. Una na ako."

Tumalikod na siya at tumakbo na. Halatang umiiwas siyang sagutin ang tanong ko.

Lumipas ang buong araw ko sa klase. Nakapagfocus naman ako sa mga itinuturo ng teacher namin, kahit na ayaw akong tigilan ni Liana sa pagtatanong tungkol sa nangyari kanina sa garden, na nakita niya rin pala. Napansin ko rin na kanina pa umalis si Kiye. Pagbalik ko kasi sa classroom, hindi ko na siya nakitang nakatambay dun sa garden. Kanina ko pa nga siya ginugulo sa text kahit na alam kong ayaw niyang nakakatanggap ng text mula sa akin.

"Aaliyah." pagtingin ko kay Liana, ayan at tinitignan niya ako ng masama

Nginitian ko naman siya ng napakatamis "Yes?"

"Mag-usap nga tayo ng maayos!" sabi niya sabay hatak sa akin palabas ng classroom, buti nga at nabitbit ko na agad ang bag ko dahil sa may garden niya ako dinala

Sounds of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon