SOUND 8: HIS WORDS
AALIYAH's POV
Ang saya lang dahil pakiramdam ko malapit na kaming maging close ni Kiye.
"Ngumingiting mag-isa? Baliw lang?" panunukso ni Liana sa akin
"Ngumingiti lang ako. Hindi ba pwedeng masaya lang imbis na baliw agad?" alam kong todo ngiti pa rin ako habang sumasagot sa kanya. E bakit ba? Masyado akong napapangiti ngayon dahil sa thought na kinain ni Kiye iyong ginawa kong sandwhich para sa kanya.
"Hoy Aaliyah! Bakit ka kinikilig?" agad naman akong napatingin kay Liana ng tinanong niya iyan sa akin
"Ako? Kinikilig?" tanong ko habang nakaturo sa akin ang right pointing finger ko
"Sino pa ba ang Aaliyah dito?" kinikilig? Mukha ba akong kinikilig?
"Sira ka talaga Liana!" depensa ko sa sarili ko at sakto namang saved by the bell ako dahil dumating na ang teacher namin para sa susunod na subject
Napapaisip naman tuloy ako kung bakit ako nagmukhang kinikilig para kay Liana.
Nagstart na ang klase at alam kong para akong timang dahil nakangiti pa rin talaga ako. Okay, tamang baliw-baliwan lang.
Automatic naman akong napatayo ng marinig ang bell. It means, lunch break na!
"Hoy! Excited much ka yata." sabi sa akin ni Liana habang inaayos ko ang lunch box ko. Hindi ko naman makuhang sagutin siya dahil busy ako.
"Hoy Aaliyah! Easy lang!" sabi niya tsaka ko naman siya nilingon at nginitian
"Mauna na ako. See you later." nakangiti kong sabi sa kanya tsaka na agad lumabas ng classroom
Narinig ko pa nga ang pagsigaw ni Liana. Tinatanong niya kung saan ako kakakain. Hindi na ako sumagot at diretsyo na sa paglabas.
Mas napangiti naman ako ng makarating na sa school garden. Gaya ng inaasahan ko, nakapikit nanaman siya.
"Tulog ka nanaman ba?" tanong ko habang inilalapag sa may bench iyong hawak kong lunch box
Tinignan ko siya, pero walang pagbabago sa expression ng mukha niya. So malamang ay tulog nga ang isang ito.
Nakakalungkot na kailangan niyang magsuffer sa ganung klaseng trauma sa buhay niya. Siguro kung ako iyong nakaranas ng ganung pangyayari, malamang talaga ay hindi ko kinaya. Baka nga mas malala pa mangyari sa akin kaysa sa hindi niya pagsasalita ngayon.
"Ay tae!" sigaw ko sabay layo sa kanya
"Bakit ba ugali mong bigla binunuksan ang mga mata mo?" nakahawak ako sa dibdib ko dahil igla akong kinabahan. "Ginugulat mo ako!"
BINABASA MO ANG
Sounds of Silence
ChickLitWhat are you going to do if all you hear is the Sounds of Silence? Tagalog || Romance || Teenfiction