SOUND 7: HIS THOUGHTS
KIYE's POV
Ang makitang patayin ang mga magulang mo sa harapan mo mismo ang isa sa mga bagay na sobrang napakasakit. Mas masakit na wala man lang akong nagawa para iligtas ang buhay nila sa tiyak na kamatayan.
Huminto ako sa pag-aaral. Ayoko na rin ipagpatuloy pang mabuhay dahil wala namang dahilan para mabuhay pa ako.
Wala na ang mga magulang ko. Sila lang naman ang rason kung bakit ako nabubuhay, pero ng mamatay sila, para na rin akong namatay. Sana nga namatay nalang din ako para kasama ko sila.
"Iho, buti naman dumating ka na. Saan ka nanaman ba pumunta?" tanong ni Aling Rosa, siya ang nag-iisang kasama ko sa bahay.
Tinignan ko lang siya at umakyat na sa kwarto ko.
"Kumain ka na mamaya ha. Hindi ka pa nag-aalmusal." pahabol ni Aling Rosa bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko
Laking pasasalamat ko at nandiyan pa rin si Aling Rosa kahit na wala naman akong ginawang maganda para sa kanya. Madalas ko pa siyang hindi nalang pinapansin. Pero heto pa rin siya at hindi ako pinapabayaan.
Humiga nalang ako sa malamig na kama at ipinikit ang mga mata.
Isang napakalaking bahay ang tinitirhan ko. Bahay na kahit kailan ay hindi ko magagawang iwan dahil nandito lahat ang mga alaala ng mga magulang ko.
Buti pa siya masaya. Iyong babaeng iyon. Iyong babaeng walang ginawa kundi guluhin ako.
Sino ba talaga siya? Bakit bigla nalang niya akong kinakausap? Bakit bigla niya akong ginugulo?
"Ako si Aaliyah Destiny Sanchez. Ako ang bago mong kaibigan, Kiye Xander Imperial."
Kaibigan? Paano naman ako nagkaroon ng bagong kaibigan? Samantalang tinaboy ko lahat ng mga kaibigan ko palayo sa akin.
"Maliit lang, pero dahil magkakasama kami nina Mama at Amber, masaya na kami dun."
Maliit nga lang ang bahay nila, pero gaya nga ng sabi niya, masaya siya dahil kasama niya ang pamilya niya. Isang bagay na sadyang nakakainggit.
Sa totoo lang, nakakairita iyong babaeng iyon. Wala siyang ginawa kundi kulitin at guluhin ako. Hindi ba niya nahahalatang hindi ko magawang makapagsalita?
Bakit ba siya nagtitiyagang kausapin ako? Bakit ba sinasabi niyang bago ko siyang kaibigan?
Pero, bakit ko ba siya binibigyan ng atensyon ko? Bakit ako nagsasayang ng oras sa babaeng iyon?
**
Kinabukasan.
Maaga palang naghanda na ako sa pagpunta sa eskuwelahang pagmamay-ari namin. Mas gumagaan ang pakiramdam ko pag maghapon akong nandun sa garden. Pakiramdam ko ay kasama ko pa rin ang mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Sounds of Silence
ChickLitWhat are you going to do if all you hear is the Sounds of Silence? Tagalog || Romance || Teenfiction