Yla's POV
Pinuntahan na namin ang mga kabayo. Naexcite ako sumakay, nagulat si Aljur dahil hindi ako nagpatulong sa kanya na sumakay kay Sting. I give him a what look.
Marunong kang mangabayo?? tanong niya ng hindi makapaniwala.
Oo bakit? I ask
Wala I'm just amazed that a Yla Creencia know how to ride horse. You know??
I understand him hindi naman kasi alam ng tao na ang pamilya namin ay may ranch sa ibang lugar at isa pa hindi kasi ako pinapayagan ng Dad ko na sumali sa mga activities na tulad ng scouting. Katwiran kasi nya, sayang lang daw ang panahon ko dun at mangingitim lang ako. I wanted to refused but then my Dad has the authority. Ang mga salita niya ang batas ng bahay. My Mom didn't even refuse dahil maging siya sangayon. Buti na nga lang at mabait ang lolo ko noon ng pumunta kami sa ranch niya. Hindi nakaangal si Dad ng sabihin ni lolo na tuturuan ako mangabayo. Just like Dad, lolo has his words. Mga salitang hindi mo gugustuhing baliin.
Well, tinuruan ako noon ng lolo ko so I know how to, pero medyo naninibago pa din ako. It is the second time na sasakay uli ako sa kabayo, 5 years is pretty steep para maalala pa muli kung paano gawin iyon ng tama.
Don't worry I will help you!!, Sumakay na din siya sa kabayo niyang si Drew at pilakad papalapit saakin. Umayos na ako ng upo sa kabayo ko at nagsimulang palakarin ito. Pinalakad na lang namin ang kabayo namin paikot ng rancho nila. Napakaganda. Madami silang mga tanim na puno ng prutas at mga alagang hayop tulad ng baka, kambing at kalabaw. Sa may di kalayuan ay namangha ako sa mga tanim na mangga. Andaming bunga. Malalaki ang mga ito at makintab na madilaw-dilaw. Agad kong pinapunta roon si Sting. Sumunod naman si Aljur at Drew. narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Siguro ay pinagtatawan niya ako dahil napansin niyang parang natakam ako sa mangga. hahaha... medyo matakaw talaga ako sa mangga... that's my favorite fruit ever since. Itinali ko ang tali ni Sting sa isang puno na maraming damo sa tabihan. Hahayaan ko siyang manginain at ganun din ang gagawin ko. Sinubukan kong talunin ang isang manggang hinog sa puno pero hindi ko maabot. Mahirap talaga pag hindi ka gaanong katangkaran. Bakit ba laging lalaki lang ang nabiyayaan ng katangkaran??
Medyo napagod ako sa katatalon. Pumikit ako at susubukang talunin ulit ang mangga ng biglang may kamay na kumapit sa magkabilang bewang ko at itinaas ako. Napatili ako ng kaunti.Ahhh!!! oh my goodness Aljur ibaba mo ko. utos ko sa kanya.
Abutin mo muna yang mangga. Bilisan mo at nangangalay na ko. utos niya... ahh kaya pala ako tinaas. Inabot ko ang mangga at ng makuha ko ito ay agad namang nanghina ang mga braso ni Aljur at natumba.
Nasa ibabaw niya ako at ang akward ng position namin. Siya ay nakalapat ng higa at ako naman ay nakatukod ang kamay sa kanyang dibdib. I look in his eyes and that's makes me amuse. He's eyes is so beautiful. His broad chest is pretty developed. Nagkatitigan lang kami ng ilang sandali then. Gumilid ako at naupo, siya ay nananatili pa ring nakahiga.May masakit ba sayo?? pagaalalang tanong ko. Medyo hindi maganda ang pagkakabagsak naming dalawa. Ay, siya lang pala dahil nadagaanan ko siya.
Tumango siya. medyo kinabahan ako. baka nabaliian na itong lalaking ito.
Saan?? tanong ko
Itinuro niya ang labi niya at ngumuso. ay lokong lalaki to ah! labi talaga ang napuruhan.
Sinakyan ko ang biro niya at dahan dahang yumuko at ng malapit na agad kong hinarang ang mangga.
Gutom lang yan!!! I said at saka tumawa. Tumayo na ako. Siya naman naiwang tulala.
Humanda ka saakin Yla Creencia!!. sabi niya at tumayo... tumakbo agad ako. naku I'm Dead.
***
Aljur's POV