VOTE AND COMMENT
[MISHA POV]
Pag gising ko ng umaga, wala si Suga sa tabi ko?!
Alam nyo ba kung sino ang bumungad sakin pag gising ko?!
Ang mga timangzsx. Ayan nakatulog silang lahat sa gilid ko. Para nila akong pinalibutan dito sa kama.
Isa isa ko silang pinag sasapok sa ulo kaya nagising sila.
Nang matauhan na sila, tinanong ko sila kung asan si Suga.
"Asan si Suga?" tanong ko.
"Kagabi umalis, may pupuntahan daw eh" sambit ni Hobi.
"Tapos parang may kausap pa ata sya sa cellphone." nagugulhang sambit ni Badjao.
Baka yung unknown number dun sa cp nya ang tumawag? Baka yung babae na yun ang tumawag? Baka...Baka yung kabit nya ang tumawag?
"Bakit Misha? Anong problema? Ba't ganyan itsura mo?" tanong ni Hobi.
Tumingin naman ako sa kanya saka ngumiti. "Ahm wala, nga pala umaga na, mag almusal na kaya kayo sa canteen sa baba?" sambit ko sa kanila.
"Oo nga, gutom na ako eh. Tara almusal na tayo" sabi ni Jimin saka tumayo.
"Sige Misha, dadalhan ka nalang namin dito ng pagkain, bababa lang kami" sabi ni Jin at lumabas na sila.
Hindi pede to. Hindi pedeng may kabit na sumira sa magiging pamilya ko. Pero hindi ko pa naman kasi sigurado kung totoong may ibang babae si Suga eh. Dapat ko munang alamin ang buong katotohanan bago ako magsuspetya.
But, hindi mo maaalis sa akin ang kaba, kasi kung may suspetya, may hinala. So it means, naghihinala ako and natural lang yun sa isang mag asawa.
Atsaka ang nakakainis pa eh, may tumawag lang sa kanya eh bigla na syang nawala, oh diba sino ang hindi mag hihinala dun?! Lintek yari talaga sakin yan si Suga kapag pinagtaksilan nya ako.
Mapapatay ko silang dalawa ng kabit nya, pupugutan ko sila ng ulo at idi-display yun sa bubong.
Pero sana, yung hinala na yun ay mali. Sana mali lahat ng iniisip ko tungkol sa asawa ko. Sana hindi tama ang hinala ko.
Pero hindi ako susuko. Kailangan kong hanapin si Suga.
Kaya agad kong tinanggal ang nakaturok na dextros sa kamay ko pati narin ang damit kong pang ospital at yung damit ko nalang ang natira saka ako lumabas ng room at tumakas palabas ng fire exit.
Para akong takas mental pero ayos lang basta makita ko lang si Suga. Nag ninja moves na ako para lang makalabas dito.
Bumaba ako ng hagdan hanggang makarating ako ng ground floor. Yes yes yes.
[SUGA POV]
Umaga na pala, tangina baka hinahanap na ako ni Misha! Lagot ako pag wala pa ako dun.
Bumangon ako at nakita kong nagtutupi na ng damit si Sandy.
"Oh gising ka na pala" sabi ni Sandy.
"Sige Sandy una na ako ah bye!" sabi ko at agad lumabas ng pinto.
Kumaripas ako ng takbo sa parking lot area at sumakay sa kotse saka pumunta sa hospital kung nasaan si Misha.
Naku pingot at sigaw nanaman mapapala ko sa kanya. Masakit na buong katawan ko, pagod na nga ako eh.
Makalipas ng ilang minuto nakarating na ako sa hospital.
[MISHA POV]
"Tangina wala pala akong pamasahe" sabi ko sa sarili ko habang nandito sa jeep.
"Ay kuya para po!" sabi ko at huminto yung jeep saka ako bumaba.
Naglakad ako pabalik ng hospital para kunin yung bag ko na nasa tabi ng kama ko kanina.
Pagpasok ko ng entrance may naka sagid sakin na babae na tumatakbo, maputi at naka ponytail at may hawak na cellphone.
Inirapan ko nalang sya habang nakatalikod at naglakad na ako papuntang elevator.
Pag punta ko ng 4th floor naglakad na ako pabalik sa room ko pero pag punta ko sa way ko eto ang nadatnan ko.
Si SUGA NA MAY KAUSAP NA BABAE! AT YUNG BABAE NA YUN EH YUNG NAKA SAGI SAKIN SA MAY ENTRANCE NA HINDI MANLANG NAG SORRY.
Chin up then walk like a bitch even if im Buntis.
"Ahm anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ahm excuse me po?" sabi nung babae.
"Bakit ka lumalapit sa kanya?" tanong ko. Nagmamataray na ako dito.
"Ay masama po ba? Kaibigan ko po sya, ano pong problema at ganyan ang asta nyo?" HAHA aba tangina nento ah? Di nya ba alam na asawa ako ng lalaking nilalandi nya ngayon?
"Ahm hehe, Misha kalma lang" sambit sakin ni Suga at dahan dahan akong nilalayo sa kalandian nya.
"Hey wait, who is she?" tanong ng malanding babae nato kay Suga
"Anong who is she ka dyan!? Tangina nento!?" sigaw ko at pilit na susugod sa babae pero tangina nitong si Suga pinipigilan ako.
"Misha ano ba! Magpaawat ka naman!" sabi ni Suga.
"Ano ba Suga! Sino ba yang babaeng buntis na yan!?"
"AKO!? AKO LANG NAMAN ANG ASAWA NITONG LALAKENG NILALANDI MO!!!" sigaw ko kaya napatameme sya.
"Totoo?" di makapaniwalang sabi nya.
"Totoo, asawa ko sya" sambit ni Suga sa malanding to.
Kaya naman umalis na yung babae at kami nalang ni Suga ang naiwan dito.
Sinapak ko naman si Suga "Gago ka! Bakit di mo pa sinasabi sa babaeng yun na may asawa ka na!? Siguro sinabi mo sa kanya na binata ka pa no!? Tangina nyo!" sabi ko.
"Hindi naman sa ganun. Sorry na"
"Kung di pa ako bumalik dito, hindi ko pa kayo mabubuking! Mga walangya kayo!" eskandalo na kung eskandalo pero puta nagtataksil si Suga!
"Hoy Misha nagkakamali ka ng iniisip ah! Wala kaming relasyon ng babaeng yun!"
"Gago ka! Magsisinungaleng kapa eh huling huli ko pa sa akto yung mga text message sayo ng babaeng yun! Binangga nya pa ako entrance kanina buti nalang di ako natumba kundi laglag tong anak mo!!" sigaw ko.
"WALA NGA KAMING RELASYON NUN!!!!!" sigaw nya.
"BAKIT KAILANGAN MO PANG MAGSINUNGALING!? KAGABI NABASA KO MGA TEXT MESSAGE NYA SAYO, ALAM KONG SYA DIN YUNG TUMAWAG KAGABI KAYA KA UMALIS BIGLA! AT NGAYON NAKITA KO KAYONG MAGKAUSAP! WAG MO SABIHIN WALA KAYONG RELASYON!? ANG GANDA GANDANG BABAE, MAPUTI, MATANGKAD AT SEXY! IMPOSIBLE NAMANG HINDI MO SYA TIPO!? DIBA!? ALAM KONG GAGAWIN MO LAHAT MAKUHA LANG ANG ISANG BABAE KUNG GUGUSTUHIN MO DIBA!?"
"MISHA WAG MO NAMANG SABIHIN NA NAGTATAKSIL AKO SAYO. HINDI KO GAGAWIN YUN KASI MAHAL KITA, NGAYON KUNG DI KA MANINIWALA BAHALA KANA!" sabi nya at umalis
Galit ba sya?
TO BE CONTINUED...