VOTE AND COMMENT
--------------------------
[MONIQUE POV]
Bibisitahin ko si Buday ngayon. Paano kasi nabalitaan ko nasa hospital daw. Haist.
Pagpasok ko nang hospital pumunta muna ako sa cr. Naiihi ako eh.
Pagpasok ko sa cr ng girls may nakita akong babae na nag lilipstick ng sobrang pula.
Alam nyo kung anong kinaiinisan ko sa lahat? Yung nakakakita ako ng babaeng nakatali ng mataas at naglilipstick ng sobrang kapal na pula.
Nakalimutan ko tuloy yung ihi ko. Pumasok ako sa cubicle at sinimulan ang pagihi.
Pagtapos nun ay lumabas na ako at pagtingin ko wala na yung babae. Tss edi wow.
Asan nga pala si Taehyung? Sabi nya sakin nandito sya sa hospital? Naku pag di ko sya nadatnan dito malilintikan sya sakin.
Paglabas ko ng cr. Nakita ko si Taehyung na may nakabanggaang babae. At ang babaeng yun eh yung kinaiinisan kong impaktita na kung makapag lipstick ng pula kala mo may forever!
Agad akong umeksena.
"Andito ka lang palang lalake ka lalandi ka nanaman!" sigaw ko at hinila ang tenga nya palayo din sa impaktitang babae.
"A-arayyy! Monique ansakit aray!!" inda nya kaya binitawan ko na ang tenga nyang namumula.
"Lalandi ka nanaman!?" sabi ko.
"Hindi ah, nakabangga ko lang" sabi nya.
"Siguraduhin mo lang ah? Teka dalhin mo nga ako sa kwarto ni Misha" sabi ko.
Pupunta na sana kami sa kwarto ni Misha ng makasalubong namin si Suga.
"Oy Suga bakit anong nangyare?" tanong ko.
"Tss, tanong mo dyan sa babaeng yan" sambit nya at umalis.
Bigla namang sumunod si Misha. "Misha anong nangyare? Nag away nanaman ba kayo?" tanong ko.
"Mamaya nalang. Hahabulin ko lang si Suga" sabi nya at umalis para sundan si Suga.
"Nag away nanaman ba sila?"
"Siguro"
"Tara sundan naten baka kung anong mangyari sa dalawang yun" sambit ko at hinabol silang dalawa.
[Misha POV]
"Suga wait lang naman!" sigaw ko habang bumababa ng hagdan.
Pakshet bakit pa kasi sya naghagdan eh may elevator naman. Andulas pa naman netong tinatapakan ko.
"Suga ano ba! Sabing hintayin mo ko diba!? Pag ako nadu---"
Suga yung baby naten...
[Suga POV]
"Suga wait lang naman!" rinig kong sigaw ni Misha.
Tss, bahala sya dyan. Naiinis na talaga ako. Hindi ko na sya kaya.
"Suga ano ba! Sabing hintayin mo ko diba!? Pag ako nadu---"
MISHA
YUNG
BABY
Nanlaki ang mata ko at kahit ramdam kong nanigas ang mga ugat sa leeg ko ay pinilit ko paring lumingon kay Misha.
"Ligtas ka na" sabi ng isang lalaki na nakasagip kay Misha sa pagkakahulog.
Nakita kong nakatulala lang si Misha sa mukha ng lalaki. Di ko alam itsura ng nakahawak sa kanya ngayon dahil sa pwesto kong to nakatalikod ang lalaki.
Umakyat ako papunta sa kanila.
"Hoy bitawan mo nga asawa ko!" sigaw ko sa lalaki."Sorry po" sabi ng lalaki at binitawan na si Misha.
"Ano nanaman bang problema mo Suga!? Iniwan mo na nga ako kanina diba!? Umalis ka na!" sigaw ni Misha tapos humarap sa lalaki "Salamat nga pala, kung hindi dahil sayo baka hindi na ako magiging ina" sabi nya at umakyat para bumalik sa kwarto nya
Habang ako at etong lalaki ang naiwan dito. "Ahm Woozi nga pala" sambit nya at inabot sakin ang palad nya "Tch, anong gagawin ko sa palad mo, pang pupunas sa pwet ko?" sarkasto kong sabi at umalis sa harap nya.
TO BE CONTINUED...