MM 37 [FAILED]

534 35 29
                                    

VOTE AND COMMENT.

---------

[SUGA POV]

Alam nyo, wala parin akong ideya kung bakit kasama namin ngayon si Misha eh.

"Daddy tayo nalang pala ni Mommy Misha ang naiwan" sabi ni Jinnam.

"Kaya nga nak, iniwan nila tayo" sabi ko naman.

"Ganyan talaga mga tao nak, mga MANGIIWAN" talagang diniin ko pa yung salitang MANGIIWAN para tamaan si Misha.

Kaya naman napatingin sya sakin "Pero BABALIK din naman sila mamaya" sabi din nya.

Nagpaparinig ba to?

Malamang, sinimulan ko eh.

"Asa pa, di na babalik yung mga yun." sambit ko naman.

"Hindi lahat ng nang iiwan ay hindi na babalik" hugot nya.

Papahuli ba ako, syempre huhugot din ako.

"Hindi lahat ng nang iiwan ay bumabalik"  banat ko rin. Panis.

"Bakit bumalik naman ako ah!" bigla nyang sumbat sakin. Kaya napahinto kami sa paglalakad. Aba, sineryoso.

"Bumalik ka pero huli na ang lahat" sabi ko.

Eto nanaman kami, pagtatalunan nanaman namin yung mga nangyayari. Di ko rin alam kung bakit hindi parin ako kuntento sa mga nangyayari samin ngayon. Di ko alam kung ipagpapasalamat ko ba sa Diyos na nawalan ako ng alaala dahil dun di ko na maaalala pa lahat ng masasakit na bagay na nangyari sakin noon.

"Atleast bumalik ako." sabi niya.

Di ko nalang pinatulan dahil wala na akong maipambabara sa kanya. Tsaka baka mag away pa kami dito. Napatol pa naman ako sa babae.

"Daddy, Mommy Misha, nag aaway po ba kayo?" tanong ni Jinnam.

"Hindi ah, nga pala yun na yung toms world oh!" sabi ni Misha sabay turo sa toms world.

"Yehey! Tara na bilisan natin!" excited na sambit ni Jinnam at hinila kami papasok.

Bumili ako ng token habang silang dalawa ay nakatingin dun sa malaking teddy sa may counter.

"Mommy gusto ko mapalanunan natin yun ah!" rinig kong sabi ni Jinnam.

"30 na token" sabi ko sa babae.

Pagtapos kong bumili ng token ay lumapit na ako sa kanila.

"Oh saan tayo unang maglalaro?" tanong ko kay Jinnam.

"Gusto ko mag basketball!" sagot nya saka sya pumunta dun sa mga naglalaro ng basketball.

Aba, di ko alam na nagmana pala sakin tong anak ko. Mahilig din mag basketball, parang ako lang nung bata.

Hinulog ko na ang token saka sya nagsimulang maglaro. Pero mukhang di nya abot ang ring kaya binuhat ko sya at pinatong dun sa mga lagayan ng bola. Ang laki ng bola para sa kanya. Siguro dapat dun muna sya sa pambata magsimula.

"Daddy ang bigat naman nento" angal nya saka binato ang bola.

"Ganto ang hawak nak, yan ganyan. Dapat hawakan mo ng mabuti para di na mawala, mahirap na baka maagaw pa ng iba" sabi ko.

Tumingin nanaman sakin si Misha na nasa gilid lang namin nanonood. Natamaan nanaman ba sya sa hugot ko? Edi wow.

"Ganto ba Daddy?" saka pilit na shinoot ni Jinnam ang bola sa ring.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon