MM 35 [PAGHAHARAP PART 2]

452 33 7
                                    

VOTE AND COMMENT.
----------😭😭😭

[SUGA POV]

"Ano bang sinadya mo dito ha?" mainit na ulong tanong ni Misha.

Sya pa ngayon ang mainit ang ulo ah. Dapat wala syang karapatang umasta ng ganyan ngayon dahil unang una sya ang may kasalanan ng lahat.

"Wala, gusto ko lang puntahan itong bahay, pero malas nga lang kasi iba ang nadatnan ko" sabi ko at uminom ng juice.

"Nang iinsulto ka ba?" sabi nya at hinampas ang mesa.

"Bakit nainsulto ka?" sumbat ko at nilapag ang baso saka nag dekwatro at sumandal.

"Pwede ba deretsuhin mo na ako, anong bang ginagawa mo dito?" inis nyang tanong.

"Well, lets get straight to the point na gusto kong pumunta dito para makaalala kahit konti, madagdagan yung kaalaman ko kung ano ba talaga ako dati" sabi ko.

"P-parehas tayo" napayuko nyang sabi.

"At gusto ko rin malaman kung bakit mo kp iniwan?"

"Iniwan?" napaangat nyang sambit.

"Diba iniwan mo ko, sabi sakin ni Dad iniwan mo ko kasi nalaman mong nagkaanak ako sa ibang babae? Kung mahal mo talaga ako, bakit mo ko iniwan?" sambit ko.

Nakita ko naman napahigpit ang hawak nya sa palda nya at nanlalaki ang mata at ang bibig nya na walang masabi.

"Anong Misha? Ano yung feeling ng iniwan ako?" naka smirk kong tanong sa kanya habang ganun parin ang ekspresyon nya.

"S-Suga alam mo, w-wala akong naaalala sa mga sinasabi mo" nanginginig at naluluha nyang sambit.

"Wala? Haha, grabe Misha ambilis mo namang nakalimot?"

"Maniwala ka sakin wala akong maalala"

"Pwede ba wag mo na nga akong gawing tanga dito Misha! Alam kong alam mo ang lahat!"

"NAG KA AMNESIA AKO SUGA!" sigaw nya at umiyak.

Amnesia?

P-paano?

Nagulat nalang ako sa sinabi nya, di ko alam na na-amnesia sya.

Umiiyak lang sya habang nakatakip ang kamay nya sa mukha nya.

Anong gagawin ko para tumigil sya sa pagiyak?

"Kung ganon, parehas tayong walang maalala sa lahat ng mga nangyari noon" sabi ko.

"Sorry Suga, sorry, sorry,sorry" sambit nya habang umiiyak.

Paulit ulit lang syang nag sosorry kaya di ko na natiis ang sarili ko at hinawakan ko ang mga kamay nya at tinaggal ito sa pagkakaharang sa mukha nya.

"Hindi ko alam na iniwan pala kita dati, di ko alam kung bakit, wala akong naaalala" iyak nya.

Gusto ko syang yakapin ng mahigpit dahil nagalit ako sa kanya ng di manlang inaalam ang buong sitwasyon. Di ko alam na may amnesia din sya.

Pero kahit na ganun pinigilan ko ang sarili ko, kailangan kong pigilan ang sarili kong maawa para makiha ko yung katotohanan.
Ayokong maging malambot para lang sa kanya.

"Sorry Suga, hindi ko alam." sabi nya habang nagpupunas ng luha.

"Sorry din, dahil hindi ko muna inalam ang kalagayan mo bago kita hinusgahan" paghihingi ko ng tawad.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon