VOTE GUYS~~!!!!!!
COMMENT PA GUYS~~!!!!!!!
SALAMAT..............................................................................
[TAEHYUNG POV]
Walang wala ako sa sarili ko ngayon dahil sa mga sinabi ni Monique tungkol sa pagtutol ng Mama nya sa kasal naming dalawa.
Pero mas lalo pa akong nawala sa sarili ng makita kong nakahandusay si Misha at Suga sa ibaba ng hagdan.
"Taehyung! Ano ba! Tulungan mo ko dito!" sigaw ni Monique.
Ngayon ko lang na realize na sinisigawan na pala ako ni Monique kaya lumapit na ako sa kanila at binuhat si Misha ng dahan dahan habang si Monique ay tinatayo si Suga.
"A-aray! Ansakit!" bigla namang nagising si Misha habang buhat buhat ko sya ng pa bridal.
Teka, baka manganganak na sya, yari wag ngayon baka mas lalo akong mawala sa katinuan.
Tangina kasi ni Suga dapat hindi sya naglasing para sya ang may buhat buhat ngayon dito sa asawa nyang mukhang manganganak na, puta.
"Ansakit ng tyan ko Taehyung, aray! Ah!" inda nya kaya mas lalo akong nag panic. Anong gagawin ko?
"Monique! Monique, anong gagawin ko? Manganganak na sya!" sigaw ko.
"Taehyung tangina mo mag relax ka lang!" sigaw nya kaya mas lalo akong kinabahan.
"PANO AKO MAG RERELAX EH MANGANGANAK NA TO!" sigaw ko at tumingin kay Misha.
"TAEHYUNG UMAYOS KA NGA! SABING MAG RELAX KA LANG DIBA?! PAG NATARANTA KA BAKA KUNG ANO PA MANGYARING MASAMA KAY MISHA AT SA DINADALA NYA KAYA UMAYOS KA PLS! TAEHYUNG KALMA--" sigaw nya.
"TANGINA NYO WAG NA KAYONG MAG AWAY, ISUGOD NYO NA AKO SA OSPITAL!" sigaw naman ni Misha kaya agad kaming pumunta sa kotse at iniwan nalang namin si Suga sa may sofa.
Pagpunta namin ng ospital agad syang sinugod sa E.R
Habang kami naman ni Monique ay kabadong kabado sa magiging resulta.
Kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Monique at napatingin naman sya sakin.
"Beb, sorry nasigwan at namura kita, kasi naman kinabahan at nag alala din ako para kay Misha at sa baby nya" sambit niya.
"Ok lang, sorry din Beb kasi tanga tanga ako kanina, siguro nga tama ang Mama mo na hindi pa talaga ako handa para sa mga malalaki pang responsibilidad."
"Gago, wag ka ngang paawa dyan, ipakita mong mali ang iniisip sayo ng Mama ko, dapat kontrahin mo mga sinsabi nya hindi yung sinasangayunan mo pa, kasi nga diba lalaban tayo, ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin" sambit nya kaya mas lalo akong naging determinado.
Bigla naman lumabas yung doctor.
"Kayo po ba ang kasama ni Misha Villegas?" tanong ng doctor.
"Opo, ano na pong nangyari kay Misha?" tanong ni Monique.
"Well, the patient is now in good condition, medyo may pasa lang sa bandang right knee nya cause of pagkabanga nun sa matigas na bagay. But now she is okay" sabi doctor.
Hindi parin ako nabubunutan ng tinik sa dibdib, eh pano yung baby? Asan ang informations about sa condition ng baby? Ano tanga lang?
"How about the baby doc?" tanong ni Monique.
Nag buntong hininga naman ang doctor saka tumingin samin ng seryoso, kaya nag kabuhol buhol na bituka ko sa kaba.
"The baby... is now in good condition too, sorry i forget to tell, please do care of Misha and his baby because the baby is not that strong para kumapit sa bahay neto kaya mas paigtingin ang pag iingat sa baby nya and ofcourse eat healthy foods lalo na at isang buwan nalang manganganak na si Misha, bantayan nyo din sya lagi kasi di natin alam kung ano ang exact date kung kailan sya manganganak and where is her husband? Bakit hindi sya ang nag dala dito kay Misha? Asaan sya?" sambit ng Doctor.