VOTE AND COMMENT
-----------------
[MISHA POV]
Pag gising ko nakita ko si Mama na nagbabantay sakin.
"Ma, si Suga po?" tanong ko.
"Galing sya dito pero tulog ka"
"Dapat po ginising nyo ko"
"Pero sabi nya wag na daw kitang gisingin, anak malungkot man sabihin pero, sabi nya mas mabuti nalang daw na hindi mo sya makita habang paalis" sabi nya.
"Paalis? Bakit? Saan daw sya papunta?" napabangon na ako.
Saan naman pupunta yung kumag na yun? Bakit may nalalaman pa syang wag sabihin sakin ang pag alis nya tsaka saan ba sya pupunta!? Bakit sya aalis!? Iiwan nya ba kami ng anak ko? Teka yung anak ko nasaan na!?
"Ma si Namjin? Asaan na!? Ma yung anak ko nawawala! Ma asaan na sya!?" sigaw ko. Hindi ako mapipirmi hanggat hindi ko nakikita yung anak namin ni Suga.
"Anak, pls, calm. Just calm down, na ireport ko na ito sa prisinto, sila na daw ang bahalang maghanap sa apo ko" sabi ni Mama.
Pero kahit ganun hindi paren ako mapakali, paano kung hindi na nila mahanap yung anak ko? Paano kung pinatay nila yung anak ko? Anong gagawin ko? Napaka walang kwenta kong ina. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko! Magpapakamatay ako!
"Anak, pls calm down baka makasama sayo yan" sambit ni Mama.
"Ma yung anak ko" iyak ko sa kanya.
Niyakap nya ako at hinagod ang likod ko.
[Suga POV]
Isang linggo ko nang hindi nakikita si Misha. Sana maayos paren sya. Sana mahanap na ang baby namin.
Hanggang ngayon masakit paren sa loob ko yung mga sinabi ni Mama Jackie, nabigla ako sa mga nangyayari samin ngayon.
Iniwan ako na parang tanga lang. Inilayo nila sakin si Misha na parang wala lang. Hindi ko manlang nakita ang anak namin kahit isang beses lang. Ni hindi ko nga alam ang itsura at kung sino ang kamukha nya samin ni Misha.
Tangina.
Nevermind.
[Sandy POV]
Andito ako ngayon ng hospital kung san naka confined si Misha. Bibisitahin ko lang sya. At mag sosorry nadin sa nagawa ko dati.
Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Woozi 😍. Hala bakit andito sya sa hospital?
"Woozi!" sigaw ko sa pangalan nya.
Nang makita nya ako nagulat sya kaya tumakbo sya, sinundan ko sya hanggang makaakyat kami ng hagdanan.
"Woozi saglit lang!" sigaw ko pero di paren sya tumitigil.
Alam nya kasing patay na patay ako sa kanya at halos habulin ko na sya sa buong campus, kaya eto sa hospital naman kami naghahabulan at ako nanaman ang taya.
Hanggang sa makarating na ako sa floor kung saan ang room ni Misha. Pero hinanap ko paren si Woozi dahil bigla sya nawala.
Tingin ako sa kaliwa at kanan.
Ayun!
Pumasok sya sa isang room!
Tumakbo ako at oumunta sa room na yun.
[Misha POV]
Napadilat nalang ako sa pagdadasal ko ng marinig kong may pumasok sa kwarto ko