MM 38 [WIFE!?]

519 35 61
                                    

VOTE AND COMMENT.

[CHAERIN'S POV]

Si Suga at Misha ba 'tong nakikita ko?

"Anong meron babe?" tanong ni Jidee.

"Diba si Misha at Suga yun? May kasama silang bata" sabi ko.

"Baka ayos na sila?"

"Ayos? Paano? Ambilis naman?" sambit ko

[SUGA POV]

Sakit ng lalamunan ko punyeta. Kasalanan to lahat ni Misha eh.

"Daddy ang galing mong kumanta!" sabi ni Jinnam.

"At dahil dyan kakanta ka ulit" sambit ni Misha at binigay sakin ang mic.

"Gago ka ba, ikaw kaya kumanta" angal ko saka binalik sa kanya ang mic.

"Gago? Ano po yung gago daddy?" tanong ni Jinnam.

"Wala nak, wag mong gagayahim yung word na yun, bad word yun"

"Edi bad ka rin po?"

"Oo" sagot ko.

Lintek, napapamura talaga ako pag andito si Misha eh. Kailan ba mawawala sa landas ko tong babae nato?

"Oo bad talaga yang daddy mo kasi--"

Tinakpan ko naman ang tenga ni Jinnam "Wala ka bang pupuntahan o kahit anong lakad. Umalis ka na nga dito, lubayan mo na kami ni Jinnam." sambit ko.

"Kaya nga ako umuwi dito eh, para sayo, para malaman ko kung sino ka ba" sagot nya.

"Ako si Suga, makakaalis kana" sabi ko saka tinadyakan ang pinto para bumukas.

"Daddy wag mong papaalisin si Mommy Misha" pakiusap ni Jinnam.

Bigla namang nag ring ang cellphone ni Misha.

"Hello? Okay po, sige papunta na ako" sabi nya sa kausap nya

"Sige Jinnam, aalis na ako, saka nalang ulit tayo mamasyal, madami pang gagawin si Mommy Misha eh" paalam nya kay Jinnam at kiniss ito sa noo.

------------

Pag uwi namin ni Jinnam sa bahay ay agad syang dumeretso sa kwarto at nagpahinga habang ako naman naka upo lang dito sa sofa.

Sa totoo lang madaming bumabagabag sakin ngayon. Medyo nagugulhan ako sa mga nangyayari, nagiging interesado ako sa mga bagay bagay tungkol sa nakaraan ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

[MISHA POV]

Kailangan kong kunin ang loob ni Suga para makipagtulungan sya sakin. Bakit? Kasi malakas ang kutob ko.

Hindi pa ako nagsasalita ng tapos pero bilang isang ina, ramdaman ko na parang buhay pa ang anak namin.

Ayoko mang sabihin to pero ramdam kong si Jinnam ang anak namin ni Suga.

Sobrang malapit sakin yung bata, hindi ko naman sinasabi na porket malapit sya sakin eh anak ko na sya. Syempre iba parin ang lukso ng dugo na tinatawag.

Malalaman ko rin yan, pero sa ngayon kailangan ko munang kunin ang loob ni Suga para makumbinsi ko syang makipagtulungan sakin.

Kung kinakailangan ko syang ligawan gagawin ko mabuo lang ang pamilya nato. Dahil ipapakita ko sa mga magulang ko na tama ang desisyon kong bumalik dito sa Pilipinas.

----------------

Kasama ko ngayon si Jinnam, sinundo ko sya galing school.

Wala kasi si Suga, may inasikaso daw kaya ako ang sumundo dito sa bata.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon