MM[11] THE CONCERT

743 55 11
                                    

[SUGA POV]

Nagpasama ako kay Monique na bumili ng ticket.

"Nga pala bakit hindi si Taehyung ang papakasalan mo?" tanong ko habang nag lalakad kami papunta sa cinema.

"Nagbibiro lang ako, asa ka namang magpapakasal ako kay Namjoon eh si Taehyung ang ama ng anak ko" sabi nya.

Edi gaguhan lang pala nangyayari dito?

Akala ko pa naman... Haist tangina.

"Kailan ba yang concert na yan?" tanong ko.

"Sa friday na" sagot nya.

"Tangina kailangan na talaga naming magkabati ni Misha" sambit ko.

"Ikaw kasi sinisigawan mo kaya yan nainis na sayo"

"Haha babalik din yun, syempre ang gwapo ko eh kaya di nya ako matitiis" sambit ko kaya agad nya akong hinampas sa braso.

"Pota ka! Ang hangin" sigaw nya.

[MISHA POV]

So ano tong nakikita ko?

Nawala lang ako pinagpalit nya na ako kay Monique.

Isa pa tong si Monique kung makahampas kay Suga kala mo sila eh at putangina papunta sila ngayon sa cinema. ABA TALAGA NGA NAMANG.

Agad ko naman sila ini-spy. Yeah.

Sinundan ko sila ng tingin. Tangina. Ano yan manonood sila sa sinehan ng horror tapos pag may lumabas yung part na nakakatakot eh mapapayakap sya kay Suga?! Ganon?!

Tangina balita ko ikakasal na siya kay Taehyung tapos nilalandi nya pa si Suga, eto namang si Suga gustong gusto din may asawa na nga nakikipag flirt pa sa ibang babae, pano kasi parehas silang MGA MALALANDI.

Hindi ko na sila sinundan kasi lalo akong nagagalit kay Suga. Lalo nya lang pinapalala ang sitwasyon, imbis na sunduin nya na ako sa bahay nila Mama mas tinataasan nya pa ang pride nya. Eh 7.50 na nga lang ang ariel.

Umalis na ako sa mall at umuwi.

[SUGA POV]

Pagdating namin sa cinema bumili na kami ng ticket.

Habang nakapila kami nakatingin silang lahat sakin.

"Waaaa Oppa" sabi nung mga babae.

Oppa? Ano yun?

"Akala nila fanboy ka kaya kinikilig sila" bulong sakin ni Monique.

Ahh kaya naman pala, sige feel na feel ko lahat sila nakatingin sakin. Sikat na ako.

At sa friday may pogi na pupunta sa concert ng Bigbang syempre ako lang yun.

Ang hangin ba?

Sornaman.

Honesto 'to eh.

Nakita ko namang ginigitgit ni Monique yung lalaki sa harapan. Tangina talaga netong babaeng 'to di makapag hintay?

Lumingon naman sa kanya yung lalaki.

"Wait for your turn" sabi nung...

"Namjoon?" gulat na sabi ni Monique kaya napatingin ako sa unahan ni Monique. Tangina si Namjoon nga, anong ginagawa nyan dito?

"Ayos ah, pa english english kanalang ngayon ah" natatawang sabi ni Monique

"Anong ginagawa mo dito?" extra ko.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon