VOTE AND COMMENT.
--------------------------
[SUGA POV]
Buset.
Nagising ako bigla.
Paano kasi biglang may tumawag sa cellphone ko.
Isang elyen.
"Anong kailangan mo!?" inis kong sambit.
"Hello?"
"ANONG KAILANGAN MO!?" sigaw ko kaya bigla gumalaw si Jinam.
"Hello?" ulit nya. Eto nanaman tayo.
"PUNYETA ANONG KAILANGAN MO!?" sigaw ko kaya gumalaw ulit si Jinam pero nakatulog ulit.
"Mag Hello karin kasi" nakakaputangina nyang sambit.
"Hello! Oyan, masaya ka na. Kung wala kang matinong sasabihin, wag ka ng mang istorbo, dahil papatayin kita pag di ka pa tumigil" sabi ko.
"Hehe, easyhan mo lang kasi, nga pala musta buhay dyan sa L.A?" tanong nya
"Tangina mo ba? Nakauwi na ako nung isang araw pa" inis kong sagot.
"Nakauwi? Nako, good news yan ah, ano Jollibee tayo?"
"Gaguhin mo na lahat, Taehyung. Wag lang ako" sabi ko at binaba ang tawag.
Istorbo eh.
[TAEHYUNG POV]
"O, ano daw sabi ni Suga?" tanong ni Monique habang andito sa tabi ko
"Nakauwi na pala sya dito, ngayon mataas na ang tsansa na magkita sila, at pag nangyari yun, MAKAKAPAG JOLLIBEE na tayo!" tuwang tuwa kong sambit.
"Kung ganon, ano ng susunod nating gagawin?" tanong nya.
"Plan B" sambit ko.
Ang plan B namin ay gumala kasama silang dalawa at iiwan namin sila sa Mall. Odiba, ewan ko nalang kung di pa sila mag usap nun.
"Osya, matulog na tayo. Kanina pa ako inaantok" sabi ni Monique at tumayo na saka pumasok sa kwarto.
Luh. Iniwanan ako.
Baka mamaya andito si Valak. 12am pa naman. Gago mamaya kainin ako nun.
Kaya takbo ako papasok din ng kwarto.
[JIN POV]
Ngayong andito na si Misha, di ko hahayaang mawala pa sya. Matagal ko ng nalinaw to sa sarili ko at ngayon desidido na ako.
Desidido na akong mahalin si Misha kahit kasal sila ni Suga. Wala akong pake. Basta ang alam ko mahal ko si Misha.
Dati binabalewala ko lang sya nung mga panahong gusto nya ako dahil gusto kong linawin yung nararamdaman ko para sa kanya.
At ngayong malinaw na sakin ang lahat, gagawin ko ang lahat para maprotektahan si Misha. Ngayon ko ipaparamdam kung gaano sya kahalaga sakin.
Gagawin ko ang lahat mapasaya at maalagaan lang sya na hindi kayang gawin ngayon ni Suga. Sisiguraduhin ko rin na mamahalin ako ni Misha.
Bigla namang may tumawag kaya sinagot ko ito.
"Hello?" si Taehyung pala.
"Hello, napatawag ka?" tanong ko.
"Si Suga nakauwi na pala dito sa Pinas nung isang araw pa!"
Si Suga? N-nakauwi na?
"Nakauwi na pala sya di manlang sinabi satin" sabi ko.