VOTE AND COMMENT.
-------------------------
[Suga POV]
Hi -__-
Ako si Suga Villegas mataas tumalon, bente baon. Hehe joke lang.
"Dad kailan ba ako makakaalis dito?" tanong ko habang tinitignan tong kama ko.
"Anak kailangan mo munang magpahinga, sabi ng doctor baka bukas makauwi kana" sambit ni Daddy
"Btw asaan nga pala ang anak ko?" tanong ko.
"Parating na sila Jinnam, sabi dumaan daw muna sa supermarket bumili ng mga snacks"
Oo may anak na ako, pero pogi paren. Buti nga paa lang na puruhan sakin at hindi mukha kundi yari tayo dyan.
Naaksidente kasi ako sabi ni Daddy, tapos napuruhan daw paa at konti lang sa utak. Naalog utak ko kaya ito wala akong natatandaan (amnesia). Mahigit 1 week narin akong andito sa hospital. Sa loob ng 1 week na yun andaming nakwento sakin ni Daddy.
Sabi nya. May asawa daw ako dati, kaso yung asawa ko iniwan daw ako tapos nagkaroon daw ako ng anak sa ibang babae, chik boy daw kasi ako dati kaya nakabuntis ako tapos yung nabuntis ko daw nagpakamatay dahil tinaboy ng magulang nya, kaya sakin daw iniwan tong bata.
Yung dati kong asawa, hindi ko pa nakikita kahit isang litrato lang. Sana mabalik na ang alaala ko para maging maayos na ang lahat.
Hirap pala kapag na reset ang utak noh? Nakakatanga lang.
"DADDY!!!!" sigaw ni Jinnam ng makapasok ng pinto.
Agad syang tumakbo palapit sakin habang bitbit nya ang maliit na plastic na may mga lamang pagkain.
Pagtapos nya akong yakapin nag bless naman sya kay Daddy.
"Daddy gucho mo ng choftdrink? Eto oh bili bili kami ni Yaya dun cha may chupermarket" sabi nya saka nilapag na parang musmos yung supot at kumuha ng coke in a can.
Pilit nyang binubuksan yun pero di nya mabukas, hahaha ang cute.
"Ang h-hiyap na-naman n-nento bukchan" sabi nya kaya kinuha ko sa kanya ang can at paghawak ko palang dun sa stay tab sumakit bigla ulo ko.
Napapikit ako sa sakit at parang may mga alaalang bumabalik. Ang sakit may mga nag f-flashback na parang ngayon ko palang nakikita.
"Anak anong nangyayari sayo? Ayos kalang ba?" rinig kong tanong ni Daddy pero di ko maalis ang pagpikit ko dahil patuloy parin yung mga nakikita kong pangyayari.
"Daddy ano nyare! Daddy!!!" rinig ko ding iyak ni Jinnam pero ansakit at mahirap pakawalan itong mga nagaganap sa utak ko.
Yung babae, nakatalikod, hindi ko sya kilala, hawak ko yung kamay nya, argh! Yung stay tab, sinuot ko sa daliri nya, sino sya!? Sino tong babaeng to!? Di ko sya kilala! Nakangiti sya, ang ganda nya, lumapit sya, sinambit nya ang pangalan ko sa napakatamis na paraan. Argh! yung mukha nya. Ang ganda.
"Daddy sino sya?" sambit ko at napadilat bigla
"Sinong sya?" nag aalalang tanong ni Daddy.
"Y-yung babae, nakita ko yung mukha nya, maganda, hindi ko sya kilala anong pangalan nya? Baka sya yung dati kong asawa?"
Bihira lang magbigay mag kwento si Daddy tungkol sa dati kong asawa, pero ni minsan hindi nya nabanggit sakin ang pangalan nun. Ano nga ba?
"Dad sino sya? At anong pangalan nya?"
"Misha" sagot ni Daddy.
"Micha?" bulol na bigkas ni Jinnam.
"Misha pala ang pangalan nya, asaan na sya ngayon?" tanong ko
"Hindi ko na alam, basta iniwan ka nya matapos nyang malaman na may anak ka sa ibang babae" sambit ni Daddy.
Bakit naman sya ganun? Kung asawa ko talaga sya at kung mahal nya ako, hindi sya aalis sa tabi ko kahit ano pang mangyari. Mang iiwan naman pala sya eh.
"Daddy oke ka na po ba?" di magkamayaw na sabi ni Jinnam at niyakap ako.
"Oo, okay na si Daddy." sabi ko habang naglalaro paren sa isipan ko yung mga nangyaring pagbabalik tanaw sa nakaraan ko.
[TAEHYUNG POV]
Hi.
Ako nga pala si Taehyung mataas tumalon, kamote baon. hehe joke lang.
Andito ako ngayon sa simbahan. Hindi para magdasal kundi...IKAKASAL NA KAYA KAMI NI MONIQUE. AFTER 3 YEARS KONG PAGHIHINTAY PUMAYAG NADIN ANG MGA MAGULANG NYA AT MAGULANG KO. Panis, ikakasal kami kung kailan kinder na si Que.
Pero di namin kasama ngayon si Suga, paano andun ngayon sa hospital nagpapagaling. Na-car accident sya last week sa may tournament nila eh. Nakipag karera, buti hindi sumabog yung racing car na sinasakyan nya kundi na ngitim sya. Hehe fried Suga.
Ay nag sisimula na pala, daldal ko pa.
"Ikaw Monique Manrique, tinatanggap mo ba si Taehyung Alvarez bilang kabiyak na iyong puso sa hirap at ginhawa sa kahirapan at kasaganahan habang buhay?" tanong ng Pari.
"Opo pader" sagot ni Monique at ngumiti sakin. Puta kinikilig ako.
"Ikaw naman Taehyung Alvarez, tinatanggap mo ba si Monique Manrique biglang kabiyak ng iyong puso sa hirap at ginagawa, sa kahirapan at kasaganahan habang buhay?"
"O--"
"ITIGAL ANG KASAL!!!!" sigaw ng babaeng nagbukas ng pinto ng simbahan.
TEKA SINO SYA!? DI KO MAANINAG ANG LIWANAG MASYADO!.
--------------------