New Life 2

1K 40 5
                                    

A VAMPIRES' girl by milmarcel

Hindi maaari! Hindi pepwedeng mapunta sa iba ang mahal ko! Hindi ako makakapayag na maagaw s'ya ng iba! Sa akin lang si Dianara. Akin lang.

Mabilis na kumurap ang aking mga mata mula sa matagal na pagkakatulala dahil saking narinig. Agad ko'ng iginala ang aking paningin sa buong paligid, ngunit wala akong nakita. Wala na si Dianara! Pati ang lalaking umangkin sa babaeng pinakamamahal ko ay wala narin. Hindi maaari! Saan sila nagpunta? Saan dinala nang lalaking 'yun ang mahal ko!

"DIANARA ASAN KA!!!" malakas na sigaw ko. Nasaan na ba s'ya? Sigurado akong si Dianara ang kaharap ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali. Buhay si Dianara!

"Luhan? Anong ginagawa mo dito?" Dali akong napalingon sa nagsalita. Si kyungsoo habang nakatayo sa unahan ng gate. Agad akong lumapit dito.

"Nakita mo 'rin ba s'ya? Nakita mo ba si Dianara!? Buhay si Dianara, kyungsoo! Buhay s'ya" saad ko dito habang hawak s'ya sa magkabilang balikat. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Luhan, umiiyak ka" saad ni kyungsoo, kaya napahawak ako saking mga mata. Hindi ko na napansin na tuluyan na palang tumulo ang mga luha ko.

"Pero anong sinabi mo? Nakita mo si Dianara?" Nagtatakang tanong nito. Marahil hindi kapanipaniwala, pero nagsasabi ako ng totoo at patutunayan ko 'yun. Bigla akong napangiti.

**

3rd person's pov

"Kung ganun! Hindi malabo na nagsasabi ka ng totoo. Na nakita mo talaga si Dianara. Na malaki ang posibilidad na buhay nga si Dianara my babe hanggang wakas!" Napatingin ang lahat kay Xiumin.. mababakas sa mga mata nila ang sobrang kasiyahan dahil sa kanilang natuklasan. Pero nawawala ang kanilang matatamis na ngiti ng maalala nila ang sinabi ni Luhan. Sinabi nito na hindi s'ya nakilala ng Dalaga. Kaya paano pa sila? kung ang lalaking totoong iniibig nito ay hindi maalala.


"Anong balak mo ngayon Luhan?" Tanong ni Tao na kanina pang tahimik sa isang sulok. Nabaling naman ang lahat ng tingin kay Luhan.

"Hahanapin ko s'ya" saad nito at tumayo na mula sa pagkakaupo.


"Paano at saan? Pati sino ang lalaki na kasama ni Dianara? Natandaan mo ba ang mukha nito? Ang pangalan?"


"Ang dami mong tanong Xiumin. Isa-isa lang."

"Naexcite lang kasi akong makita si Dianara." Saad ni Xiumin na Hindi na napigilan pang umiyak kaya naman napatingin ang lahat
Sa kanya at tumahimik.. Sa nagdaan na maraming taon.. walang araw na hindi nila inisip si Dianara kaya ganun nalang ang naramdaman nila ng malaman nila na buhay ito.


"Antoni" mahinang sambit ni Luhan. Hindi naman nakaligtas ang pagkuyom ng mga kamay nito sa mga mata ng kaibigan. Ramdam nila ang namumuong galit sa damdamin nito.

" 'yun ba ang pangalan nang lalaking kasama ni Dianara?" Tanong ni kyungsoo. Tumango lamang si luhan bilang pagsagot.

"Kung ganun.. umpisahan na natin ang paghahanap natin sa kanila" sambit ni chanyeol bago tumayo sa kinauupuan, sumunod 'rin ang iba sa pagtayo.

"Sasamahan ka namin sa paghahanap Luhan, para kay Dianara"



"Para kay DANA MY BABE HANGGANG WAKAS!" Sigaw ni Xiumin habang nagpupunas ng luha. Napangiti silang lahat at hindi nagtagal napuno na ng pagtawa ang buong mansion. Sa lumipas na taon ngayon lang ulit tumawa ang mga VampirEXO.. at madadagdagan ang bawat pagtawa at ngiti na 'yun kapag nakita na nila ang babaeng nagbigay sa kanila ng saya...



**

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Mahinang tanong ni Antoni sa Dalagang tahimik na nakatingin sa langit mula sa mataas na bahay sa loob ng gubat. Napapikit naman si Dianara dahil biglang pagyakap nito.

"Hindi kasi ako makatulog" sambit nito..


"Dahil ba ito sa lalaki kanina?"


"Huwag kang magagalit.. pero oo, s'ya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.. parang..... parang nakita ko na s'ya. Ang lalaking 'yun parang matagal ko na s'yang kilala-"

"Sssshhhhh, kung ganun huwag mo na s'yang isipin." Putol nito sa pagsasalita ni Dianara bago tuluyan nitong iniharap sa kanya ang dalaga na natiling nakayakap. "Ang isipin mo ay ang nalalapit nating kasal.. mahal na mahal kita Dianara." Saad nito at marahan na hinalikan sa noo ang dalaga. Tumango na lang ito bilang tugon kahit gulong-gulo pa ang kanyang isipan..




















"Luhan... sino ka ba talaga?"

***
Anong sunod na mangyayari!? Abangan!

Vote and comment po kayo!

@milmarcel

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon