New Life 6

616 21 0
                                    

"Mahal na mahal kita Dianara" isang lalaki ang unti-unting lumalapit sakin.
Habang papalapit, lalong lumilinaw saking mga mata ang kanyang mukha..

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Luhan.." ang mahinang usal ko sa kanyang pangalan.

"Oo, ako ito si Luhan ang lalaking mahal ka at mahal mo."

Unti-unting nagpatakan ang mga luha saking mata. Bawat alalang pumapasok saking isip ay tinutumbasan ng aking luha. Pagmula sa aking pagkatao, kay luhan, sa vampirexo at ang nakakatakot na nakaraan sa kamay ni Dominiro.

"Patawarin mo ko luhan! Patawarin mo ko saking paglimot! patawarin mo ko sapagkat ngayon ko lang napagtanto ang lahat." Saad ko, bago ko siya mabilis na niyakap. Ngayong naaalala ko na ang lahat.. hinding hindi na ako lalayo pa sa kanya. Kay Luhan. ang lalaking una kong minahal.






"Huli na ang lahat para sa atin Dianara " bulong nito bago unti-unting kinalas ang mahigpit kong yakap sa kanya. Tumingin ako mga mata nito. Bakit?

Bakit, punong-puno ito ng lungkot?

"Hindi pa huli ang lahat Luhan.. Maaari tayong mag-simulang muli--" napatigil ako sa paglapit sa kanya ng mapansin ko ang unti-unti niyang paglaho.

"Luhan, anong nangyayari sayo?" Ang takang tanong ko. Mabilis akong lumapit sa kanya pero mabilis 'rin siyang umatras... hindi! Bakit nangyayari 'to!?

Bakit unti-unti siyang nawawala? Bakit nanlalabo siya saking paningin!?

"Patawarin mo ko dianara.."









"Luhan!!!" nasapo ni Dianara ang kanyang dibdib matapos makahon sa nakakalunod na panaginip. Isang panaginip na nakapagbalik sa kanyang alaala. Panaginip na naglalaman ng isang malaking katotohanan.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga, labis na pagkagalak ang namumutawi sa kanyang puso. Pakiramdam niya isa siyang bagong sanggol na excited na matuklasan ang ganda ng mundo. Ang pagbabalik sa tunay na mundo kung saan naroon si Luhan at ang mga kaibigan niyang bampira.

"Gising ka na pala" napalingon si Dianara sa lalaking nasa may pintuan at sa isang iglap biglang nawala na parang bula ang saya sa kanyang katawan. Para siyang nakatanggap ng malakas na sampal mula sa katotohanan.

"A-antoni" utal na usal ng dalaga sa pangalan ng lalaking papalapit ngayon sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba para rito.

"Sa wakas at nagising ka narin mahal ko." Hindi agad nakasagot si Dianara sa yakap nito. Hindi niya alam ang gagawin. Parang natapunan ng semento ang mga paa niya kung kaya't hindi 'rin siya makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan.

"N-nagugutom ako" ang tanging nasabi ni Dianara. Natawa naman si Antoni sa sinabi ng dalaga.

"Alam ko kaya halika sa kusina, pinaghanda kita ng makakain." Tanging tango lang ang sinagot ni Dianara.

HABANG kumakain hindi maiwasan ni Dianara ang mailang sa bawat titig na ipinupukol sa kanya ng binata. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit bigla nalang siyang nakaramdaman ng hiya para kay Antoni.

"Hindi ko akalaing aabutin ng tatlong buwan ang pagkakatulog mo." Biglang saad nito na siyang nakapag-patigil sa pagkain ng dalaga.

Tatlong buwan? Ibig sabihin tatlong buwan narin ang nakakalipas mula nang magkita kami nila Luhan?

"Pero sapat na 'yun para ma-ihanda ko ang nalalapit nating kasal, Na mangyayari sa ikatlong araw ng Abril."

Hindi na nagawa pang umimik ni Dianara sa tinuran ni Antoni. Wala siyag makuhang salita na isasagot rito. Ang tanging nasa-isip lang ni Dianara ay kung paano nito ipagtatapat ang katotohanan na bumalik na ang kanyang ala-ala. Na bumalik na ang tunay at totoong tinitibok ng kanyang puso.








Cuvanent Mansion

Sunod-sunod na ingay ang muling umalingaw-ngaw sa loob ng mansyon. Nagbabasag nanaman ng gamit ang prinsipe ng mga bampira. Si Luhan.
Simula ng mawala muli si Dianara sa paningin ni Luhan. Muli itong bumalik sa dati. Palagi itong galit. Palaging nagwawala.

Tulad ngayon sinisira nito ang lahat ng makikitang bagay sa loob ng mansyon 'ni walang gustong lumapit o umawat sa pagwawala nito. Bigo nanaman kasi siya sa paghahanap kay Dianara. Para na itong mababaliw sa tuwing ibabalita sa kanya ng mga inutusan niyang kawal na hahanap sa dalaga na hanggang ngayon ay wala paring nakukuhang impormasyon tungkol dito o kung saan maaaring makita o matagpuan ang babaeng pinakamamahal niya.

"Hanapin n'yo siya! At huwag na huwag kayong babalik dito sa mansyon hanggat hindi n'yo siya kasama!" Sigaw nito na halos rinig na sa buong mansyon.

"Luhan anak, magpahinga ka muna"
Alo ng ina nito sa kanya pero parang walang narinig si luhan dahil hindi manlang ito kumibo sa kanyang kinauupuan. Hindi na talaga alam ni Mrs. Xi ang gagawin sa kanyang anak. Tulala nanaman kasi ito sa kawalan. Walang kabuhay buhay, parang isang bulaklak na hindi nadidiligan kung kaya't nanlalanta.

Niyakap nalang ni Mrs. Xi ang anak. Nagbabaka sakaling makatulong ito sa kalungkutan dinadala ng kanyang anak. At hindi naman siya nabigo doon. Dahil unti-unting gumanti ng yakap sa kanya si Luhan. Kasunod 'nun ang mahihina nitong pag-hikbi.

"Ma, si Dianara g-gusto ko siyang m-makita" ang sambit ni Luhan. Nagmistula itong batang paslit sa harapan ng kanyang ina. At ang kaninang hikbi nito, ngayon ay unti-unti ng nagiging iyak.






"Sshhh.. tahan na. Makikita mo si Dianara. Konting tiis nalang Luhan mahahanap 'din natin siya."






Itutuloy.....

Tapos na ang Finals! Clearance nalang! Hoho

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon