New Life 8

564 15 1
                                    

A VAMPIRES' girl by milmarceL

Hindi na ako makapaghintay pa na masilayan muli ang mga mata mong kulay tsokolate. Hindi na ako makapaghintay na makita ang matamis na ngiti sayong labi.

"Kaya sa nalalapit na tamang oras at panahon muli kang babalik dito sa mundo at makakasama ko ng muli at hindi na kailan mawawala pa."

"Makakasama na kita habang buhay zalim..."

***

NAG-uumapaw sa galit ang damdamin ni Luhan matapos nitong malaman ang masamang plano ni Antoni para sa minamahal na dalaga. Idag-dag pa rito ang sinabi ni Suho na wala siyang ideya kung paano makakapunta sa eksaktong kinaroroonan nila Dianara. Ang tanging alam lang nito ay ang pangalan ng lugar.

"Ibig bang sabihin b-bakla si Antoni?" Ang tanong ni baekhyun matapos maunawaan ng lubos ang naging pahayag ni Suho.

"Hindi sapagkat si Zalim ay isang babae. Nagkataon lang na napunta ang kaluluwa nito sa katawan ng isang lalaki." Paliwanag ni Suho.

"Hindi ba't anak ni Dominiro si Zalim este yung ginamit na katawan ni Zalim?" Tanong naman ni Lay.

"Oo, anak siya ni Dominiro pero hindi lingid sa kaalaman nito na hindi niya talaga buong anak ang lalaki dahil nga sa ibang kaluluwang nakapaloob sa katawan nito."

"Wala bang sariling katawan ang zalim na 'yan?" Naiinis na tanong ni Xiumin. Iniisip nito na paano nalang kapag nakuha nito ang katawan ni Dianara? Maaaring tuluyan ng mawawala sa kanila ang dalaga. Inalog-alog naman nito ang ulo sa naisip.


"Wala sapagkat sinunog ito noon ng taong bayan ng malaman nila ang nakakatakot nitong mithiin na sakupin ang buong lupain nating mga bampira. Walang nagawa si Zalim kun'di tanggapin ang kanyang kalagayan ganun 'rin si Antoni. Subalit sa tulong ng isang mangkukulam na bampira, nagawa ni Antoni ang isang ritwal na makakasalba sa kaluluwa ni Zalim at napagtagumpayan naman 'yun ni Antoni hanggang sa na-isalin ito sa ibang katawan sa tulong parin ng ritwal."


"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" Tanong ni Luhan. Napatingin naman ang lahat kay Suho.

"Sa panaginip" taas noong sagot ni Suho na siya namang kinagulat ng labing isang bampira. Kagabi lang niya nadiskubre ang kakaibang kakayahan at sobra siyang natutuwa dahil 'yun agad ang nagpakita sa kanyang panaginip.

Nagtaka naman ang lahat ng biglang tumayo si Luhan sa kanyang kinauupuan at unti-unting lumapit kay Suho.

"Kung ganun kailangan mo na ulit matulog para malaman na natin kung saan pupuntahan si Dianara." Mahinang sambit nito. Medyo naguluhan naman ang iba sa biglang inasta ni Luhan.

"Hindi naman ganun kadali-----" hindi na natuloy pa ni Suho ang sasabihin ng biglang lumapat sa kanyang mukha ang malakas na suntok ni Luhan.

"LUHAN!!!!" Sigaw muna nilang lahat bago mabilis na binuhat si Suho palayo kay Luhan.

"Bakit mo naman ginawa 'yun!?" Sigaw ni Sehun.

"Para malaman na natin kung nasaan si Dianara" sagot nito bago tuluyang tumalikod sa mga kaibigan.

"Baliw ka Luhan Baliw ka!" Sigaw ni Xiumin pero hindi na ito pinansin ni luhan na dire-diretsong namang umakyat ng hagdan


HABANG hinihintay ng vampirexo ang muling pag-gising ng kaibigan nilang si Suho mula sa malakas na pagkaka- suntok ni Luhan..

Hindi maiwasan ng dalagang si Dianara ang kabahan. Sa paglilibot niya sa bagong mansyon ni Antoni, hindi niya sinasadyang mapadpad sa isang silid kung saan naroroon ang katawang lupa ni Zalim. Ang anak ni Dominiro.

Mabuti nalang nagawa niyang ikalma at ibalik ang sarili sa kanyang silid. Hindi niya alam kung anong ginagawa ng patay na katawan ni Zalim sa isang silid ng mansyon. Pero isa lang ang sigurado niyang alam at yun ay walang iba kun'di nasa panganib na naman ang kanyang buhay.





"Luhan... tulungan mo ko"
















Itutuloy....

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon