New Life 16

390 13 11
                                    

A/n: guyssss sorry na!  Na ra-writer's block po talaga ako! Hirap na hirap na akong mag-isip ng ideya. Tapos sobrang busy pa sa school. Mahirap  rin kasi ang kursong psychology. Haha iyak na me.


__________
_______________

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Tao. Bigla itong ngumisi at lumapit sakin.


"Nabasa ko sa isip mo Dianara, 'wag mo ng itanggi" hindi ako makapagsalita. Salungat sa iniisip ko kanina ang sinasabi ni Tao. Napatingin ako kay Luhan na medyo nakasimangot na.


"Kung ganun si Tao talaga ang makakatuluyan mo?" Tanong ni Xiumin. Umiling iling ako.


"Panaginip lang naman yun" saad ko habang nakatingin parin sa mga mata ni Luhan. Nakakatakot ang mga titig nito. Tumayo ito at hinarap si Tao. Hindi naman siguro sila mag-aaway ano?


"Nangangarap ka ata ng gising Tao, baka nakakalimutan mong ako lang ang pwedeng mag may-ari sa babaeng 'to" turo sakin ni Luhan. Nagulat naman ako nang bigla nitong hinila ang kamay ko, kaya napatayo ako ng 'di oras.


"Sh*t!" Sabay sabay kaming napatingin kay Kai na namumula. Kahit medyo maitim 'to kitang kita ang pamumula ng kanyang mukha.


"D-dianara? Wala ka bang suot na short?" Tanong ni Kyungsoo. Napatingin naman ako sa suot ko. At doon ko napagtanto na tanging mahabang t-shirt lang ang suot ko at underwear. Agad nag-init ang mukha ko sa kahihiyan.


"Bakit ganyan ang suot mo!?" Sigaw ni Luhan na sobra kong ikinagulat.



"H-hindi ko alam--" naputol ako sa pagsasalita ng hubarin nito ang mahabang jacket na aabot hanggang tuhod at mabilisan nitong isinuot sakin. Muli nitong hinawakan ang kamay ko at inilapit sa kanya.



"Maghanda kayong lahat..






























dahil ikakasal na kami ni Dianara."



Matagal na katahimikan ang lumamon samin. Halatang lahat ay nagulat sa sinabi ni Luhan, lalong lalo na ako. Ako ikakasal sa kanya? Paano? Ni hindi pa nga nagiging kami. Pero magiging choosy pa ba ako?


Nataranta ako ng biglang humarap sakin si Luhan at hinawakan ako sa mukha. Balak ba nitong halikan ako sa harap ng mga kaibigan niya? Omg! Hindi ko ito napaghandaan pati hindi pa ako nagmumumog at naghihilamos, nakakahiya!


"Simula ngayon sa mansyon ka na titira kasama ako.. at sa oras na maging isa tayo. Wala ng makakapaghiwalay satin."



"Mukhang wala na akong magagawa" napatingin kami kay Tao. Mabilis ako nitong kinuha sa bisig ni Luhan at isinampa sa kanyang likod. Sobrang bilis nang pangyayari. Ni hindi ko manlang nagawang pumalag. Ano ba itong ginagawa ni Tao?



"Hanggat walang sinasabi si Dianara na mahal karin niya, Na gusto niyang makasal sa'yo Luhan. Hindi ko hahayaan ang lahat ng gusto mo!" Sambit nito. Naramdaman ko ang biglang paglamig ng paligid. Kung kanina katahimikan ang dala ng mga sinabi ni Luhan... ngayon sobrang lamig naman itong kay Tao.



"Ako ang tunay na mahal ni Dianara at alam kong alam mo yun Tao!" Sigaw ni Luhan. Unti unti na akong natatakot.



"T-tao ibaba mo na ako" bulong ko.


"Hindi Dianara... hindi kita bibitawan, alam kong may kaunti pa akong pag-asa diyan sa puso mo" bumilis ang pintig ng puso ko. Seryoso ba talaga si Tao?


"Kung ganun bakit hindi natin tanungin si Dianara?" Saad ni Luhan. Tuluyan na akong kinabahan. Hindi naman kailangan umabot sa ganito. Pero bakit parang natatakot ako sa itatanong ni Luhan?


"Sabihin mo Dianara.. sino ang mas mahalag sa'yo.. ako o si Tao?" Nag-iwas ako ng tingin. Kanina lang malinaw sakin ang lahat pero bigla nalang lumabo. Bakit ako nalilito?


"Dianara?" Tawag sakin ni Tao. Hindi ko alam! Hindi ko alam ang isasagot!



"Guys.. huwag nyo naman pahirapan si Dianara.." sambit ni Suho. Sa bigat ng sitwasyon, nakalimutan kong nandidito pala sila.... napatingin ako kay Xiumin na seryosong nakatingin sakin. Tinignan ko ito ng tingin na humihingi ng tulong. Napabuntong hininga ito.




"Bakit hindi kayo gumawa ng kasunduan? " sambit ni Xiumin. Lahat kami na napatingin sa kanya.



"Hindi na kailangan--" biglang pinutol ni Tao sa pagsasalita si Luhan.



"Anong kasunduan ang naisip mo Xiumin?" Tanong ni Tao. Hanggang ngayon pasan parin ako sa likod ni Tao. Kung ordinaryong tao lang 'to kanina pa siguro ito nangawit. Pero sabi nga niya kanina,  hindi niya ako bibitawan.


"Pag-usapan natin sa ibaba. At isa pa ibaba mo na si Dianara. Mukha na siyang unggoy sa itsura niya" natatawa nitong saad, saka pinangunahan ang paglabas ng silid. Sumunod naman ang iba. Habang ako naman ay tuluyan ng binitawan ni Tao.


"Sa tingin mo ikaw ang mananalo?" Sambit ni Luhan habang palapit samin. Tinignan ako nito ng masama.



"Pwede kung lalaban ka ng patas sa pagkakataon na ito" sagot naman ni Tao. Heto na naman po sila. Nakahinga lang ako ng maayos ng bumalik si Xiumin. Mabilis akong tumakbo pantungo dito.


"Kung hindi niyo ito pag-uusapan ng maayos. Makikisali ako sa gulo nyo at sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa puso ni Dianara" napanganga ako. Sobra sobra na nga ang surpresa.. dumagdag pa ito. Pero yung totoo?

















Maganda ba ako????



Itutuloy...

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon