New Life 4

783 29 3
                                    

Buhay pa po ako:) hoho

A VAMPIRES' girl by milmarcel

_______________


Tahimik at walang imik na pinagmamasdan ng Vampirexo ang dalagang nakaupo sa kanilang harapan habang katabi naman nito sa kaliwa ang binatang si Luhan. Sa mga oras na ito daig pa nila ang nakakita ng isang multo. Hindi sila makapaniwala na may katotohanan nga ang sinabi ni Luhan na buhay talaga ang dalagang si Dianara.


"My babe hanggang wakas!" Sigaw ni Xiumin. Dali itong lumapit sa dalaga at niyakap ng mahigpit. Hindi na nakaangal pa si Luhan sa ginawang pag-yakap ng kaibigan sa dalaga.


"Saglit.. huwag mo kong halikan diyan!"


Sambit ni Dianara ng maramdaman nito ang malamig na labi ng binata sa kanyang leeg. Mabilis naman nilang hinilasi Xiumin palayo sa dalaga na ayaw paawat.

"Sorry, na-excite lang ako."


"Xiumin! She's mine!" Sigaw naman ni Luhan. Napasimangot naman sila Xiumin sa sinambit nito.


"Hindi ka panaman sinasagot ni Dianara." Pahayag naman ni kyungsoo na tahimik lang na nakatitig sa Dalaga. Maya-maya ay tumayo narin ito at lumapit sa dalaga upang yakapin.


"Na miss kita Dana! Huwag mo na ulit kaming iiwan huh!" Sambit nito habang nakasubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.


"Subukan mo 'rin halikan siya kyungsoo at itatapon kita palabas ng mansyon" sabat ni Luhan. Asar na asar na ito sa mga pinag-gagagawa ng mga kaibigan. Pero sa kabila naman nun, hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil gaya niya sabik 'rin ang mga ito sa muling pagbabalik ng dalaga sa kanilang piling.


"Masaya talaga kami at muli kang nabuhay Dianara!" Sigaw ni Chen, agad naman tinakpan ni Chanyeol ang bibig nito. Ayon kasi sa kanilang obserbasyon, wala talagang naaalala ang dalaga sa masalimuot nitong nakaraan.


"Ang ibig sabihin ni Chen ay ang iyong pagbabalik sa aming piling hehe" paliwanag ni Baekhyun na pasimpleng binabatukan si Chen.


"Can i talk to her.. alone?" Biglang singit na tanong ni Sehun. Ikinatigil ito ng lahat at takang napatingin sa kanya. May ibang nagtatanong at may iba namang ang sama sama ng tingin kagaya ni Luhan at Xiumin.


"S-sige" Pag-sangayon ni Dianara. Dahil dun mabilis na lumipat ang tingin ng lahat sa kanya kaya hindi na ito nakaiwas sa pamumula ng mukha.


"B-bakit ka namumula?" Tanong ni Luhan at Xiumin na talagang nag sabay pa. Lalo pang namula si Dianara sa tanong ng dalawa.


"Huwag mong sabihing crush mo ang sehun na 'yan!?" Tanong pa ni Xiumin na malapit ng maiyak dahil sa ipinakikitang reaksyon dalaga. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon kaya naman lalong nagulat ang lahat.


"Kailan ka pa?" Tanong ni Tao na ngayon ay palapit sa kinatatayuan ni Dianara.


"Naging madaldal sa nararamdaman mo?" Tanong pa nito. Pilit na binasa ng binata ang isip ng dalaga kung nagsasabi nga ba ito ng totoo.


At sobrang nagulat si tao sa kanyang nalaman..


"Nagsasabi siya ng totoo"


Pasimpleng tumingin ang mga matang may katanungan ni Luhan kay Tao. Agad namang iyon nakuha ni Tao kaya marahan itong tumango bilang sagot.


"Hindi mo na kailangan makipag usap, Uuwi na tayo sa Cuvanent" saad ni Luhan. Napairap naman si Sehun sa sinambit ng kaibigan.


"Huwag mo siyang ipagdamot-"


"Stop it Sehun" pigil ni Suho sa kanya. "Sige na luhan umuwi na kayo sa Cuvanent" saad pa nito. Hindi naman napigilan ni sehun ang mapamura sa sobrang inis.


"Bakit naman ganito! Siya lang ba ang may karapatan kay Dianara!?"


"Hindi sa ganun Sehun, pero alam mo naman kung ano ang meron noon-"


"Walang noon! At ang mahalaga ay ang ngayon!" Sigaw pa ni Sehun.


Natahimik ang lahat. Pero agad naman 'yung binasag ni Luhan.


"Dahil ba may gusto ngayon sayo si Dianara kaya ang lakas ng loob mo na gumanyan? Huh Sehun? Baka nakakalimutan mo na ako ang totoong mahal ni Dianara!?" Biglang natahimik si sehun... pero mas ikinatahimik ng lahat ng may biglang magsalita mula sa pinto ng mansyon.


"Hindi ikaw, hindi siya at lalong hindi kayong lahat ang mahal ni Dianara. Kun'di ako lang. Ako lamang at wala ng iba pa ang laman ng puso ni Dianara!"

sabay sabay silang lumingon dito.

"Antoni!"

______

Wew!? Kamusta kayo? Ang igsi noh? Pagpasensyahan nyo na po:( busy lang sa buhay pag-ibig este sa buhay estudyante!

Thank you for reading:)



A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon