New Life 13

510 22 7
                                    

A Vampires' girl by milmarcel

Isang malakas na katok sa pinto ang bumulabog sa masaya kong paliligo. Tutulog na sana ako kanina ng maalala ko na napuno ng haplos ni Antoni ang katawan ko. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko kaya naman ito ako at todo hilod sa katawan ko.

"Hoy! Dana bakit ang tagal mo diyan!?" Rinig kong sigaw ni Xiumin. Tama siya. Kanina pa ako dito sa loob ng banyo paano ba naman kasi halos isang linggo 'rin akong ginapos ni Antoni sa nakakatakot na silid na 'yon.

"Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya!?" Sigaw naman ni Baekhyun. Lihim akong kinikileg ngayon dahil saking narinig. Mahahalata kasi sa boses ni Baekhyun ang pag-aalala sakin. Gondo ko talaga. Haha

"Bakit ka iling ng iling diyan Kai?" Pinakinggan ko nalang ang pag-uusap nila sa labas ng banyo. Pati mga boses nila na-miss ko ng sobra.

"H-hindi k-kaya.. nag-aano siya?"

"Anong nag-aano?"

"Yung nagsasarili?"

Namilog ang mga mata ko.

"Siraulo ka talaga Kai!! Kung ano ano ang iniisip mo!"

"Tumahimik nga kayong lahat! Baka marinig kayo ni Dianara! at tuluyan ng hindi 'yan lumabas ng banyo!"

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Pakiramdam ko hindi na talaga ako makakalabas pa ng banyo. Bakit ba kasi iniisip ni Kai 'yun.. iiihhh!

Tumayo na ako sa bath tub, oo meron bath tub sa banyo ko hindi ko lang nasabi sa' inyo nung part 1 haha. Pumunta ako sa tapat ng shower para sana mag banlaw na ng bigla naman akong nadulas.

"AHHH!" sigaw ko. Sumalampak ang katawan ko sa sahig. Naramdaman ko naman ang mga yabag ng paa mula sa labas ng banyo. Susko huwag sana nilang maisipang buksan ang pinto dahil ang panget panget ng tayo ko. Ang sagwa!

"Dianara--"  omg!

Hinigit ko ang kurtinang humaharang sa bath tub at dali itong tinakip saking hubad na katawan. Nahihiyang tumingin ako sa doseng bampirang nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin. Susko! Sana hindi nila nakita ang lahat sakin!

MATAPOS kong magbihis, iika-ika akong lumabas ng banyo. Hindi ko mai-angat ang ulo ko habang naglalakad. Damang dama ko parin ang kahihiyan ng makita nila akong h-hubad habang nakasalamapak ang katawan sa sahig ng banyo. Susko!

Tinignan ko si Luhan na masama ang titig sakin. Kung patalim lang ang tingin ni Luhan malamang laslas na ang leeg ko.

Nilapitan ko siya pero bigla naman itong tumayo sa kinauupuan niya at lampasan ako. Sinundan ko ito nang tingin at ganun nalang ang gulat ko ng bigla nalang nitong ibagsak ang pinto na sobrang lakas.

"Seloso talaga ang lalaking 'yun." Rinig kong bulong ni Lay sa gilid ko.  Magtatanong pa sana ako pero bigla namang sumakit ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Parang may kung anong gustong kumawala mula dito.

"Dianara ayos ka lang?" Hindi ko sinagot ang tanong na 'yun sakin. Nakapokus lang ang atensyon ko sa naninikip kong dibdib. Napahawak ako sa braso ni Lay. Ano bang nangyayari sakin?

"DIANARA ANONG PROBLEMA!?"

"AHHHHHHH!!!" Malakas kong sigaw.

Tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman kong sakit.

"Anong nangyari sa kanya!?" Sinikap kong mapatingin kay Luhan. Ngunit nagdilim na ang paningin ko.

"DIANARA!!!!!!!"

~

"Perpekto!!"

Simula na ang pagtupad saking mga plano. Nagsisimula nang bumukas ang mundong tanging kaluluwa lang ang maaaring makapasok. Humanda ka Dianara dahil umpisa na ng paghihirap mo!

~

Iminulat ko ang mga mata ko. Sumalubong saking paningin ang madilim na kapaligiran. Wala akong makita. Sobrang dilim. Nasaan ako?

Bumangon ako mula saking pagkakahiga. Nilamon ng takot ang puso ko.

"N-nasa panaginip lang ako!!" Sinampal ko ang sarili kong pisngi pero napa-aray ako sa sakit. Hindi 'to panaginip!? Kung ganun nasaan ako?
Nasaan sila Luhan!?

"Dianara!" Hinanap ko ang tumawag saking pangalan. Pero wala akong makita. Naiiyak na ako! Nasaan ba talaga ako? Anong ginagawa ko sa ganitong lugar.

"Dianara.." nanlamig ang buo kong katawan sa boses na tumama saking tenga. Gusto kong malaman kung sino ito kaya dahan dahan ko itong nilingon.

"Z-zalim!!" Napasigaw na talaga ako sa gulat at takot. Pinilit kong i-atras ang sarili ko sa kanya pero bigo ako sapagkat hindi manlang gumalaw ang mga paa ko mula saking kinatatayuan.

"Paunahan tayo sa katawan mo?" Tanong nito habang nakangiti ng nakakatakot. Anong ibig niyang sabihin?.. 'di kaya ito yung sinasabi ni Antoni. Dumagundong ang nakakabinging tibok ng puso ko.
Hindi pwede!

Hinawakan ko ang mga braso ni Zalim ngunit mabilis niya itong tinabing at tumakbo palayo sakin.

Hanapin mo ang katawan mo! Unahan mo siya!

Tumakbo ako ng sobrang bilis. Kahit hindi ko alam kung saan ako patungo, patuloy lang ako sa pagtakbo. Daig ko pa ngayon ang isang bulag dahil wala talaga akong makita miski anino ko nilamon ng dilim.

"Dianara!" Boses ni Luhan! Tumakbo ako sa pinang-galingan nun..sinundan ko ang unti-unting nawawalang boses ni Luhan.

Hingal na hingal akong napatigil sa pagtakbo ng may maaninag akong nakatayo hindi kalayuan sakin. Sinikap kong matitigan ang mukha nito sa gitna ng dilim. Halos mabuhayan ako ng loob ng makilala ko kung sino ito. Si LUHAN!!







Pero...








Sino 'yung kasama niya?




Unti-unting namilog ang mga mata ko. Hindi maaari! Bakit ako yakap yakap ni Luhan!?

"L-LUHAN!!" sigaw ko pero parang hindi 'yun narinig ni Luhan. Nahihirapan akong humakbang. Naninikip ang dibdib ko habang lumalapit sa kanila.


"L-luhan.. a-ako ang t-tunay na D-dianara..."



Itutuloy..

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon