New Life 19

49 2 4
                                    

Hello Readers! 😅








Matapos ang isang linggong pasiklaban ng dalawang bampira para sa puso ng isang nagmamagandang dalaga. Dumating na ang araw na kanilang hinihintay, ang pagpili ni Dianara sa bampirang tunay na nagpapatibok ng kanyang puso.

Sino nga ba ang pipiliin ng dalaga?



DIANARA



"Nakapagdesisyon ka na ba Dana?" Napalingon ako kay Xiumin. Kakatapos lang nito i-kwento yung tungkol sa kasunduang pinagawa niya kay Tao at Luhan. Okay naman yung ideya niya kaso isang linggo lang yung binigay niyang panahon kaya halos mawalan ako lakas dahil simula sa unang araw hanggang sa ika-anim na araw wala akong panginga.


Unang araw si Tao, tapos dinala niya ko doon sa mataas na falls kung saan nakailang ulit kaming tumalon. Sobrang saya dahil sa pangyayaring yun, nawala yung takot ko sa mataas na lugar at sa isang iglap naging matapang ako, na hindi sa lahat ng pagkakataon, nakakatakot mahulog ng walang kasiguraduhan..  Para tuloy gusto kong bumalik doon sa mataas na talon at magdive ng paulit-ulit hahaha.


Pangalawang araw kay Luhan naman ako sumama. Grabe! Naalala ko parin kung paano niya ako hinara sa gitna ng lawa kung saan may mga sumasayaw na kuliglig. Ihhh! First time kong haranahin kaya naman hindi ko talaga makalimutan ang tagpong iyon. Ganda ko eh! At yun, sumunod pa yung mga ilang araw kung saan-saan nila ako dinala. Sa mga araw na yun, sinamantala kong timbangin yung nararamdaman ko, pinakaramdaman ko kung kanina ako mas masaya, kung kanino sa dalawang gwapong bampira na hindi ko pinipilit yung isipan kong gustuhin siya.


Diba ganun naman natin malalaman kung mahal natin ang isang tao- este bampira. Kapag hindi na natin pinipilit yung sarili natin na maghanap ng dahilan para sabihing gusto o mahal natin ang isang tao o bampira o kung anoman, diba?



At sa isang linggong lumipas, kahit kapos sa araw natimbang ko kung sino sa dalawa bampirang nagmamahal sakin. Sa gwapong bampira na 'to, hindi ko pinilit yung isip at puso ko na maghanap ng dahilan, basta
Masaya ako, masarap sa pakiramdam kahit alam kong may masasaktang iba.


Oo, ang sagot sa katanungan ni Xiumin, Nakapagdesisyon na ang buong puso ko.



"Huy! Dana natulala ka na diyan? Baka wala na kina Luhan at Tao ang talagang tinitibok ng puso mo?" Hinarap ko si Xiumin na nanlalaki ang mata. Kahit kailan talaga ang kyut kyut ni Xiumin. Kapag palaging ganitong mukha ang makikita ko araw-araw, talagang tanggal ang problema! Sarap dilaan-- ay ang wild!



"Nakapagdesisyon na ako, pero pwede bang secret mo na? Hehe" napakamot ako sa ulo ko. Grabe naligo naman ako, pero ang kati nanaman ng ulo ko. Nagulat ako ng biglang guluhin ni Xiumin ang buhok ko tapos bigla niya akong niyakap.



"Alam mo kahit hindi ako kasali sa pagpipilian mo, masaya parin ako dahil ang importante sakin ay nagbalik ka Dianara. Nagbalik yung taong naging dahilan para maging makabuluhan yung buhay namin. Na kahit naging ganito kami, naging bampira, masaya parin mabuhay" hindi ko napigilan maluha!



"Min-min namam eh! Pinapaiyak mo ko!"



Kumulas ako mula sa mahigpit na yakap nito, saka siya pinagpapalo sa braso, medyo nilaksan ko yung paghampas dahil alam kong hindi naman siya masasaktan. Laki kaya ng biceps niya! Char



"A-nong tinawag mo sakin?" Tanong ni min-min. Bagay talaga sa kanya yung ganun palayaw. Parehas silang kyut!



"Min-min? Bakit ayaw mo ba? Bagay kaya sa'yo!"



"Dana my babe hanggang wakas, pwede bang ako nalang yung piliin at mahalin mo, promise hindi kita iiwan tapos gagawa tayo ng maraming anak--- aray naman! Bakit kaba nanghahampas huh Chen! Masakit kaya!"



Natawa nalang ako ng magsimulang maghabulan si Chen at min-min, sa sobrang bilis nila hindi ko na sila nakita pa. Ang mga bampirang 'to talaga, bukod sa ang gagwapo, ang kukulit din.










SUMAPIT ang gabi ng hindi ko namamalayan. Sa sobrang kabang nararamdaman hindi ko napansin na mabilis nalang lumipas ang oras at ito na nga, pababa na ako ng hagdan kung saan sa ibaba ay may naghihintay ng mga gwapong nilalang.



Unang bumungad sakin ay ang dalawang bampirang nagpagulo sa aking isip at puso. Si Luhan sa kaliwa habang nasa kanan naman si Tao. Pareho silang seryoso ang mukha. Damang dama ko yung lamig ng presensya nila. Bigla tuloy akong kinilabutan. Ihhhh!



Tumigil ako ng makarating ako sa ika-huling baytang. Konti nalang yung layo ko mula sa dalawang bampirang ngayo'y seryosong nakatitig sakin. Napalunok ako ng laway, ganito ba ang epekto ng ganda sa kanila? Nakakapangtulala? Haha



"Ganda ng Dana babe ko ah?" Bulong ni Xiumin na nasa gilid ko na pala.



"Bolero ka min-min, bago ako bumaba tumingin muna ako sa salamin at ganun parin yung mukha ko, panget! Haha" natatawa kong sabi pero parang ako lang yung natawa dahil bigla sumeryoso ang mukha ni Xiumin. Luh!



"Para sakin ikaw ang pinakamaganda, kaya nga kulang nalang magpatayan yang dalawang kumag na yan para lang sa pagmamahal mo" sabi pa nito kaya napayuko nalang ako. Wala akong masabi ihhh.




"Ngayong gabi natin malalaman kung sino kay Luhan at Tao ang pinili ni Dana. Pero kung sakaling wala sa inyo, malamang ako yun hahahahahaha!" Sumama ang tingin ng lahat kay Xiumin, maliban sakin. Kyut kyut kaya ni min-min ko.



"Biro lang naman! Kayo, ang seseryoso nyo! Hahaha" bigla akong hinawakan sa kamay ni Min-min at mabilis na inalipit sa harapan ni Luhan at Tao. Teka lang naman!



Kinabahan ako ng parehong maglahad ng kamay ang dalawa.





"Dana, oras na para piliin ang lalaking gusto mong makatuluyan habang buhay" sabi ni min-min, napatulala nalang ako. Alam ko na isa sa kanila ang masasaktan oras na abutin ko ang kamay ng isa. Pero handa ba akong masaksihan yun? Handa ba akong makitang nasasaktan siya? Iniisip ko palang, naiiyak na ako!


"Dana...." marahan kong pinikit ang aking mata. Marahil tama ang gagawin ko. Alam ko sa gagawin kong ito mabibigyan ng linaw ang lahat. Sana, sana tama ang desisyon ko. Sana mapatawad niya ako.









































Mabilis kong hinigit ang kamay niya at dali kaming tumakbong dalawa palabas ng mansyon.


























Patawad luhan.












_____

Sorry po at ngayon lang nasundan ❤

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon