New Life 18

305 10 8
                                    

Bahala na. Let's continue the love

Eighteen.

"Handa na ba ang lahat!?" Tanong ni Luhan habang nakatingin sa papalubog na araw. Hindi na siya makapaghintay sumapit ang alas-syete ng gabi. Ito kasi ang oras na Napili niya para supresahin ang dalaga. Noong una ayaw niya pang pumayag na mauna si Tao pero ng masulsulan siya ni Xiumin, napapayag rin niya ang sarili. At ito nga, hinanda niya ang isang espesyal na gabi para Kay Dianara.

"Maayos na po ang lahat" tiningnan niya ang kabuuan ng lugar. Hindi napigilan ng binata ang mapangiti.

"Sisiguraduhin kong ako ang pipiliin ni  Dianara"

***

Halos malaglag ako sa kama ng biglang mabasag ang salamin ng bintana ko at pumasok ang isang lalaking hindi ko nakilala dahil nakasuot ito ng maskara. Sinasabi ko nanga ba! Hindi pa tapos ang kaguluhan sa buhay ko. Hanggat ata nabubuhay ako dito sa mundo, asahan ko na napalagi nalang nakatuon mula sa kapahamakan ang buhay ko. Huhu kailan ba ako malalagay sa tahimik?

Mabilis akong napatakbo sa may pintuan upang humingi ng tulong kila Luhan.. Sana, pero huli na ang lahat dahil nahawakan na ako ng lalaki saking mga braso. Gusto ko man manglaban pero hindi ko na nagawa dahil bumulong ito sakin na papatayin niya daw ako kapag sumigaw at lumaban ako. Sino ba kasi ang bampirang ito? Isa nanaman kaya ito sa mga bampirang gustong maangkin ang dalisay kong dugo.? Takte magdrugs na kaya ako ng mahaluan ng kasamaan ang so called dalisay kong dugo!?

'Yun nga, wala na akong nagawa pa Kundi ang tuluyang magpatangay sa bampirang may hawak sakin. Kanina lang umaga ang saya saya ko pa dahil nakipaglaro pa ako Kay Tao. Naglangoy kasama si Tao. Sumabit sa puno kasama si Tao. Tumalon ng dalawangpung beses sa mataas na falls kasama si Tao. Tapos ngayon heto na. Nasa bingit ako ng kamatayan. Huhu, kung alam ko lang na ito na ang huling araw ko na naman sa earth sana sinama ko sila Xiumin sa pagsasaya.  Siguro hanggang dito nalang talaga ang istorya ng buhay ko.

Sa sobrang bilis ng pagtakbo nang bampirang kumuha sakin nakarating kami sa isang lawa. Naiyak pa ako ng makitang sobrang dilim ng paligid. Jusko! Katapusan ko na talaga. Humarap ako sa bampirang kumidnap sakin.

"Kung papatayin mo ko pwede bang huwag mong kuhanin yung virginity ko? Gusto ko kasing mamatay ng virgin." Sabi ko. Pinilit kong tumawa para hindi naman awkward. Pero si kuyang bampira dedma ang sinabi ko. Ikaw ng suplado!

Maya-maya nakita ko ang pagdukot ng kamay ng bampira sa kanyang bulsa. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang gagamit pa ata ng patalim ang gago sa pagpatay sakin! Hindi ba pwedeng sakmal sabay kagat nalang? Para biglaan lang ang sakit?

Napaatras ako ng unti-unti itong lumapit sakin habang inalalabas ang patalim sa kanyang bulsa. Ilang atras nalang at kamatayan ko na. Biglang tumulo ang Luha ko. Marahil ito ang gusto ng tadhana. Ang mabura ako sa mundo. Bakit kasi nabuhay pa ako kung ganito din naman. Sana forever dead nalang ako!

Napapikit ako ng tuluyan ng nailabas ng pesteng bampira ang kanyang patalim. Oo na! I'm ready to die!! Hinintay ko nalang ang pagkalagot ng hininga ko, pero lumipas ang ilang segundo, nakakahinga parin ako. Letche! Hindi ba ga patayin kung papatayin? Ano pang silbi ng pagpapatagal eh, wala namang magliligtas sakin! Kasi nga kinuha ako ng palihim sa mansyon!?

Naghintay pa ako ng ilang segundo. Pero wala parin akong nararamdaman? Bakit hindi pa ako pinapatay? Ano naawa sakin?

Nagmulat ako ng mata upang tignan kung ano ng lagay pero hindi ko inaasahan na masusurpresa pala ako sa makikita. Ang kaninang madilim na paligid, unti-unting lumiliwanag dahil sa mga alitap-tap. Ang ganda!! Teka bakit may ganitong paganap?

Dumako ang tingin ko sa bampirang nagdala sakin dito at grabe nanlaki ang mga mata ko ng makitang may hawak na itong gitara. Hala! Anong nangyayari? Sino ba ang bampirang ito?

"Ikaw!" Napatingin ako sa kabilang direksyon. Isang lalaki ang papalapit sa pwesto namin. Habang papalapit unti-unting luminaw saking isip ang nangyayari. Marahan pero malakas na pagdaloy ng kaba ang naramdaman ko saking katawan.

"L-luhan.."

"Makinig ka ng mabuti, dahil para sa'yo 'to" pagkasabi niya nun ay ang kasunod na pagtugtog ng gitara nang bampirang hanggang ngayon ay nakamaskara. Kung ganun hindi ito masama. Ay takteng buhay 'to!

Pero putakte ng mga alitaptap kinikilig ako! Nag-umpisang tumugtog ng gitara ang bampira at si Luhan sa pagkanta. Tatke best kinakantahan ako ni Luhan!


When I look into your eyes..
It's like watching the night sky..
Or a beautiful sunrise...
Well, there's so much they hold..

Lumapit sakin si Luhan habang patuloy parin siyang kumakanta.
Para akong matutunaw sa mga mata nitong nakatitig sakin. Hindi ba siya tinuruan kumurap?

And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?


Lalo akong nabato sa kinatatayuan ko ng hawakan ako nito sa pisngi. Putris, kahit malamig ang mga kamay niya, iba ang binigay nitong init sa katawan ko. Ganito ba talaga kapag kinikilig?


Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up..

Tumigil si Luhan sa pagkanta pero patuloy sa pagtipa ng gitara si kuyang bampira. Habang ako naman ay naging tuod na at nanatiling nakatitig sa mga mata ni Luhan. Nanginig ako ng kunin nito ang dalawang kamay ko at ilagay sa malapad niyang balikat, habang ang mga kamay niya naman ay yumakap sakin. Bale, napayakap narin ako sa kanya. Shooting star! Ang puso ko!

"Sana hindi ka na maguluhan pa sa tinitibok ng puso mo." Pinagdikit ni luhan ang mga noo namin, medyo napangiwi lang ako ng konti dahil may pimple ako dun. Pero balik tayo sa kilig moment.

"Kasi ako Dianara, sobra sobrang sigurado na ang tinitibok ng puso ko kahit na hindi naman talaga ito tumitibok. Pero kahit ganun. Alam kong mahal na mahal kita" mariin akong napapikit. damang dama ko ang mga sinabi niya. Tagos sa puso kong nagpapacute.

"Imulat mo ang mga mata mo bebe" parang kiniliti yung bituka ko dahil sa pagtawag sakin ni Luhan ng bebe. Pero minulat ko parin ang mata ko. Napayakap ako ng mahigpit Kay luhan ng mapansin kong nasa gitna kami ng lawa at napapaligiran ng maraming alitaptap. Nagmistula silang Christmas light!

"Bebe?" Naiilang man sa tawag ni luhan, tumugon parin ako dito.  "B-bakit?"

"A-alitap-tap ka ba?" Tanong nito. Hindi ko napigilan mangunot ang noo ko. Mukha ba akong alitap-tap sa paningin niya.?

"B-bakit naman luhan?"

"Kasi sapat ka na para magliwanag ang mundo ko"

Oo na! Ako na ang alitap-tap mo!

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon