New Life 5

682 28 2
                                    

A VAMPIRES' girl by milmarcel

Malamig na hangin ang pumapalibot sa loob ng mansyon ng mga vampirexo. Kaya tanging mabibigat na paghinga ang pinakakawalan ng dalagang si dianara. Kanina pa gulong gulo ang isip nito kung kanino 'ba siya dapat sumama. Sa lalaking malapit na niyang pakasalan o sa doseng lalaking nagpaparamdam ng pagpapahalaga para sa kanya?

"Umalis ka na dito dahil hindi sayo sasama si dianara!" Mahinang pahayag ni luhan. Kanina pa ito nagpipigil ng galit para sa lalaking gustong umagaw kay Dianara. Gusto niya itong kaladkarin palabas ng mansyon.

Pero hindi niya magawa dahil nararamdaman niya ang pagkatakot sa dalaga. Ayaw niyang gumawa ng bagay na ikakalayo ng loob sa kanya ni dianara. Natatakot siya na muli itong malayo sa kanyang piling at tuluyan ng hindi makita.

"Aalis lang ako dito kapag sumama na sakin si Dianara" Pahayag ni antoni na pabalang na umupo sa isahang sofa. Dahil naman 'dun lalong nadagdagan ang nararamdaman na pagka-inis ng vampirexo para dito.

"Sasama nalang ako sa kanya-"

"HINDI KA SASAMA SA KANYA! DITO KA LANG DIANARA! AKIN KA LANG!"
Sigaw ni luhan bago kinabig ang ulo ni dianara upang halikan, ngunit saglit lamang ito.

Halos lumuwa naman ang mata ng lahat ganun rin si Antoni na napatayo sa kanyang kinauupuan.

Lalapit sana ito sa kinatatayuan nila luhan at dianara ng humarang sila xiumin.

"Sa totoo lang kahit inggit na inggit ako.. mas gugustuhin kong mapunta si dianara kay Luhan, na isang prinsipe."
Sambit ni Tao.

"Kaya kung ako sayo. Umalis ka na dito bago ka pa mawalan ng buhay dahil sa panghihimasok mo." Saad naman ni baekhyun.

"Prinsipe? Hahaha sino si luhan?" Nakangising tanong ni antoni.

"Oo! Isang prinsipe, kaya kung ako sayo itigil mo na ang kahibangan mo para kay dianara." Sambit ni D.O

"Hindi ba't mas karapat dapat ang unang anak para sa trono ng pagiging prinsipe?" Sambit ni antoni na siyang nakapagpatigil sa lahat mula sa kanilang kinatatayuan. Bawat isa ay gulat na gulat sa kanilang narinig.

Mabilis na lumapit si luhan kay Antoni.

"Anong sinabi mo!?" Tanong ni luhan.

"Ganyan ka ba makipag-usap sa nakakatanda sayo? " tanong ni antoni na inalapit ang mukha sa tenga ni luhan at bumulong "lalo na sa KUYA mo?"

Mabilis na itinulak ni luhan si antoni palayo.

"Kuya? Ikaw? No! Wala akong kapatid!" Sigaw ni luhan. "Paalisin nyo na ang lalaking 'yan!"

"Bakit hindi mo tanungin sa ina mo? I know na alam niya ang lahat lahat tungkol sakin."

"Shut-up! Umalis ka na dito!"

"Aalis ako, Dianara come with me" sabi ni antoni.

Muli namang lumapit si luhan sa pwesto ni dianara at mahigpit na hinawakan ang kamay.

"No! Dianara, hindi ka sasama sa kanya. Dito ka lang. Dito ka sa piling namin. Kung kailangan kong ibalik lahat ng alaala mo. Gagawin ko. You're destined to be here. To be mine."

"Ikakasal na kami Luhan!" Sita ni antoni

"Ikakasal pa lamang.. ibig sabihin wala pang nagaganap. wala pang sayo Antoni."

"Diba dianara, nangako ka sakin? I love you dianara so come with me" sambit ni antoni na biglang pumitik sa hangin at sa isang iglap wala na ito sa tabi ni luhan at hawak hawak na ni antoni si dianara na ngayon ay nakatulala kung saan.

"Bitawan mo siya!" Sigaw ni luhan.

"Tulad ng sinabi ko, akin siya luhan. Sakin lamang si dianara." Saad ni antoni. Ngumisi ito ng nakakaloko.

"Ibalik mo siya sakin!" Sigaw ni luhan. Mabilis itong lumapit sa pwesto ng da'lwa ngunit katulad ng isang bula mabilis itong nawala.

"No!! Dianara!!"




Itutuloy...

*****

Hello! Sorry na po sa sobrang short at matagal na update. To be honest po kasi nahihirapan na akong magsulat. Pero don't worry tatapusin ko ang storyang ito no matter what.

Anyway highway.. gusto ko na pong magpakilala ng totoo. Lalaki po ang inyong Author? Hahaha add nyo po ako sa facebook kung gusto nyo lang naman. Hehe so..

Here's my facebook account.

Ramil Marcelino (rammimarce)
Color white ang shirt na may suot na i.d









































A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon