New Life 11

483 20 1
                                    

A VAMPIRES' girl by milmarcel

Dianara

Gusto kong magsisigaw sa sobrang galit dahil sa ginawa ni Antoni na pagtabi sakin sa patay na katawan ni Zalim. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ko magawang sumigaw dahil binusalan niya ng tela ang bibig ko.

Hindi ko tuloy maiwasan taniman ng kaba ang buo kong katawan. Paano kung bigla nalang magising at mabuhay ng tuluyan itong patay na katabi ko? Paano nalang kung sa paggising nito bigla akong sakalin o kaya naman kagatin sa leeg? Eh, di tigok ang buhay ko. Tapos hindi ko na makikita pa si Luhan.. my loves!?

Nagulat ako ng bigla niyang higitin ang tela saking bibig. Pero ayus narin 'yun dahil ang sakit na ng panga ko. Pakiramdam ko lumaki ang bibig ko. Tss.

"Zalim parang awa mo na naman! Pakawalan mo na ako dito!! Kung gusto mo... g--gagawin ko lahat ng gusto mo! Basta pakawalan mo lang ako!" Pagmamakaawa ko kay Antoni.
Ngumiti naman ito ng nakakatakot.

"Talaga? Gagawin mo lahat?"

Dahan- dahan akong tumango kahit na alam ko ng may namumuo ng katarantaduhan sa utak niya. Balak ko siyang tuhudin ng sobrang lakas sa kanyang pagkalalaki oras na kinalagan niya ako, tapos nun tatakbo ako palayo sa kanya. Malayong malayo sa kanya at sa nakakatakot na lugar na 'to. Sana lang talaga gumana ang medyo pulpol na ideya ng utak ko.

"Kung ganun.. "  napatitig ako kay Antoni.

"Kalagin mo na ang kadena!! "  sigaw ng isip ko. Sa oras talaga na kalagan na ako ng Antoni na 'to! Tatamaan ko talaga 'yang birdi niya ng bonggang bongga. Haha!

"Pwede ka ng parausan. Alam mo bang ilang daang taon narin ang nakakalipas mula ng huli akong makatikim ng romansa, Dianara? Isa pa kailangan ko naring sanayin ang sarili ko sa katawan mo dahil sa mga susunod na araw mas madalas na natin itong gagawin sapagkat magiging pag-aari na ni Zalim ang katawan mo Dianara. "

Naramdaman ko ang paninigas ng aking katawan. Parang gusto kong lunukin ang sarili kong dila dahil sa sinabi nito kanina na gagawin ko ang LAHAT!! susko! Hindi talaga maganda ang tumatakbo sa isip niya. Kailangan kong makatakas dito!

Pinilit kong makawala kahit alam kong impisoble.. pero napagod lang ako.

"Gagawin mo lahat ng gusto ko diba? Diba Dianara!?" Hindi ako makasagot. Hindi ako makagalaw. Tuluyan ng sinakop ng kaba at takot ang katawan ko.

"'Wag!" Sigaw ko ng bigla nalang hablutin ni Antoni ang damit ko. Halos matanggal ito saking katawan. Susko Luhan! Tulungan mo ko!

"Diba gagawin mo ang lahat!?" Tanong ni Antoni habang sumasampa saking ibabaw. Lumandas ang napakaraming luha saking mga mata.

Dahil sa katangahan mo Dianara. Mamamatay ka ng hindi Virgin! Sarap tanggalin ng utak ko!

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi saking leeg. Gusto kong pumalag! Gusto kong magwala! Pero hindi ko magawa dahil nakakadena ang mga kamay at paa ko. Nandidiri ako sa sarili ko. Sana lang pagkatapos niya akong pagsawaan.. tapusin na niya ang buhay ko. Ayaw ko ng mabuhay pa!

"DIANARA!!" Napamulat ako mata ng marinig ko ang pamilyar na boses. Boses ng isang lalaki na inaasahan ko na huling magliligtas sakin mula sa karahasan na nararanasan ko ngayon.
Unti-unti kong tinapunan ng tingin ang lalaking nakatayo sa may pintuan.
Nakikita ko ngayon sa mga mata nito ang puot at galit.

Luhan...


SA isang iglap nawala sa ibabaw ni Dianara ang katawan ni Antoni at malakas na tumilapon sa pader. Isang galit na galit na Luhan ang makikita ngayon. Sobrang pula na ng mga mata nito. Nakakatakot.

Napapikit si Dianara ng itaas ni Luhan ang kamay nito sa ere. Pero muli siyang nagmulat ng maramdaman ang pagkatanggal ng kadena sa kanyang kamay at paa. Tumingin siya kay Luhan at napayakap dito ng mahigpit. Inakala niya na sasaktan siya nito.

Ginantihan naman ni Luhan ng yakap si Dianara. Makikita sa yakap nito ang labis na pananabik kaya naman hindi na napigilan pa ni Luhan ang sarili na hagkan ang labi ni Dianara na ngayon ay gulat na gulat. Hindi siya makapaniwala na hinahalikan siya ni Luhan.

"Saan ka niya hinawakan?" Tanong ni luhan sa gitna ng kanilang halikan. Nagtaka naman si Dianara sa naging tanong nito.

"Saan Dianara.. tell me" pakiusap ni Luhan. Ibinaba nito ang halik sa kanyang leeg. Binubura nito sa pamamagitan ng halik ang bawat paghaplos ni Antoni sa katawan ni Dianara.

"Kahit kailan talaga Luhan.. masyado kang pakialemero!" Sigaw ni Antoni ng makatayo ito sa malakas na pagkakatilapon.

Binuhat ni Luhan si Dianara nang hindi manlang nabubuwag ang kanilang halikan. Gamit ang isang kamay, sinangga ni Luhan ang ginawang pag-atake ni Antoni.

"Nakalimutan mo kung sino ako.. ANTONI!!" sigaw ni Luhan. Isang malakas na suntok ang pinatama niya sa mukha nito dahilan para muli itong tumalsik palayo.

Halos habulin naman ni Dianara ang kanyang hininga dahil sa matagal na pagkakahalik ni Luhan. Hindi niya naiwasan pagmasdan ang mukha nito. Gwapo parin 'to habang siya naman ay panget parin.

Isang mabilis na halik ang muling ginawad ni Luhan sa labi ni Dianara.


"Iuuwi na kita.. mahal ko"


Itutuloy...

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon