New Life 15

344 13 2
                                    


Tapos na ba ang pagdurusa ko?
Tuluyan na ba akong makakawala sa kamay ng panganib? O may mga bagong intrimitidang kalaban na wawasak sa nagbabalik kong kaligayahan?

Pinikit ko ang mga mata ko saglit. Iniisip ko kung bakit patuloy nangyayari ang mga kaganapang hindi ko inasahan sa buhay ko. Dati rati isa lang akong simpleng panget na estudyante pero ngayon para na akong mamahalin na bato sa mata ng labingdalawang gwapo.

Hindi ko rin lubos na mapaniwalaan na ako pala ay namatay na pero ngayon muling nabuhay. At talagang nabuhay ulit akong panget huh. Hindi manlang ako pinaganda kahit 1/4. Nakakasama lang ng loob.

Pero sa kabilang banda masaya ako dahil hindi ako kinalimutan ng labingdalawang bampira na naging malaking parte ng buhay ko. Na kahit daanglibo ang lumipas na nawala ako, hindi nila kinalimutan na may Dianara'ng panget na dumating at nanggulo sa mga buhay nila.

"Mama"

Bumangon ako sa pagkakahiga. Hinanap ng mga mata ko ang nagsalitang bata. Dumako ang paningin ko sa isang batang lalaki. Sa tingin ko nasa limang taong gulang ito.

"Sinong tinatawag mong mama?" Takang tanong ko. Hindi maaaring akin ang batang 'to dahil. Still the virgin parin ang status ko.

"Ikaw syempre, sino pa ba ang pwedeng maging mama ko dito?" Sabi nito, matapos nun unti-unti siyang lumapit sakin. Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. Sino ba talaga ang batang ito?

"Si daddy pinagalitan na naman ako" huh? Hinawalay ko sakin ang bata.
Nakanguso ito habang namumunghay ang mga mata. Anak ko ba talaga ito? Bakit ang gwapo? Imposibleng sa akin ito nagmana.. ah baka sa sinasabi nitong daddy..

Daddy?

"Sinong D-daddy?" Bigla akong kinabahan sa tanong ko. Tinignan ko sa mga mata ang bata.

"Si daddy--"

"DIANARA!! Gumising ka!"

Minulat ko ang aking mga mata. Tinignan ko isa-isa ang mga bampirang nakatunghay sakin.
Totoo ba ito? Totoo bang nakabalik na ako sa katawang lupa ko?

Bumangon ako mula saking pagkakahiga. Nagulat ako ng bigla nalang akong yakapin ni Luhan. Dahil dun may bigla akong naalala.

"Nasan yung bata?" Tanong ko habang palinga-linga sa paligid.

"Sinong bata?" Tanong nila ng sabay sabay.

"Y-yung anak ko?" Bulong ko, pero dahil mga gifted sila sa pandinig. 100% sure na narinig nila ang binulong ko.

"Anong sinasabi mo?"

***

Napahinga ako ng malalim matapos kong ikwento ang aking panaginip. Kahit kailan talaga saksakan ako ng tanga. Ni hindi ko manlang naisip na isa lang pala yung panaginip. Nakakahiya tuloy sa kanila. Baka isipin nila masyado akong pilingera. Panget na pilingera.

"Sino yung daddy na tinutukoy ng bata sa panaginip mo?" Napatingin kaming lahat sa tanong ni Sehun. Napa-isip ako. Wala namang nabanggit yung bata dahil bigla nalang akong nagising sa sigaw ni Luhan.

"Hindi ko alam.. naputol na kasi yung panaginip ko." Saad ko.

"Ako yun syempre" biglang sabi ni Xiumin. Bigla akong namula. Pwede rin. Hihihi

"Feeling ka Xiumin! Syempre ako yun" sambit naman ni Baekhyun habang kinikindatan ako. Lalo akong namula. Ito nanaman sila. Pakiramdam ko tuloy beautiful ako inside and out!

"Sinong kamukha ng bata?" Tanong naman ni Suho. Napatingin ako kay Luhan... sa kanilang lahat si.. si Luhan ang kamukha ng bata. Umiwas ako ng tingi kay luhan.

Hindi ko naman sinasadya na mapatingin kay Tao. Kita ko ang paglungkot ng mga mata nito. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"H-hindi ko alam.. medyo malabo yung mukha ng bata"

"Kahit ako ang kamukha?" Napatingin kaming lahat kay Tao.

Eh?

Itutuloy...

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon