New Life 10

451 18 0
                                    

A VAMPIRES' girl by milmarcel

LUHAN

"Luhan, alam ko na kung saan matatagpuan si Dianara"

Halos liparin ko ang malawak na gubat ng Sieriphvia ng sabihin sakin ni Suho ang lugar na kinaroroonan ni Dianara. Hindi alintana sakin ang layo nito pero wala akong pakialam. Ang mahalaga sakin ngayon mapuntahan ko agad si Dianara at maligtas siya mula sa masamang binabalak ni Antoni. Ang lalaking 'yon, papatayin ko talaga siya kapag sinaktan niya ang mahal ko. Hindi ko siya hahayaan na magtagumpay sa binabalak niya. Akin lang si Dianara. Akin lang.

Mas pinabilis ko pa ang pagtakbo sa masukal na kagubatan. Gusto kong mapabilis ang lahat. Gusto ko ng makita si Dianara. Gustong gusto ko na ulit siyang mayakap at madama ang pagtibok ng puso niya na para sakin lang. Gusto kong idampi ang labi ko sa labi niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko ang una naming pagkikita. Tandang tanda ko pa kung paano ako noon natulala sa kanya kahit na hindi naman siya maganda. Naalala ko kung paano tumibok ang puso ko. Ngunit kinalaban ng isip ko ang puso ko noon dahil tao siya, na mas pinili kong magsungit para lang maalis ko ang namumuong damdamin ko para sa kanya. Hanggang sa ibigin 'rin siya ni Tao. Nakaramdam ako ng sobrang takot nun. Natakot ako na mapunta siya sa iba kaya naman tuluyan ko ng inamin saking sarili na gusto ko siya... na mahal ko siya... na akin lang si Dianara.

Kaya ngayon na mababawi ko na ang babaeng minamahal ko mula kay Antoni na umaangkin sa kanya. Hinding hindi na ako makakapayag na may muli pa'ng maglalayo samin. Hindi ko hahayaang mawala ulit si Dianara sa piling ko.

Tumigil ako sa pagtakbo ng marating ko na ang portal na magdadala sakin sa eksaktong lugar kung nasaan si Dianara. Nakakasilaw sa mata ang liwanag na dulot nito pero hindi 'yon magiging hadlang para sakin kaya unti-unti ko nang inihakbang ang mga paa ko palapit sa portal.

Malapit na ulit tayong magkita Dianara... magkakasama na tayo habang buhay.

~

DIANARA

"Pakawalan mo na ko dito Antoni! Ano ba kasing balak mo sakin!? Pati bakit nandidito ang katawan ni Zalim!? Hindi mo ba alam na anak 'yan ni Dominiro at muntik na ako niyan patayin!!"

Sigaw ko kay Antoni habang pilit na kumakalag sa kadenang ikinabit nito saking mga kamay at paa.

"Alam ko na anak siya ni Dominiro pero hindi ang kaluluwa nito." Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko naunawaan ang sinabi nito. Bugtong ba yung sinabi niya? Jusmiyo! Mahina pa naman ako sa mga bugtong bugtong na 'yan. Ngayong nanumbalik pa naman ang katangahan kong taglay.

"Sirit na Antoni!" Bigla kong sigaw. Nakita ko ang pangungunot ng noo nito. Huwag nitong sabihin na hindi niya naintindihan ang sinabi ko? Aba! Aba! Hindi po 'yon bugtong. Tss

"Anong sirit ang pinagsasabi mo?"

"Dun sa bugtong mo. Hindi ko kasi naintindihan." Bigla itong tumawa ng malakas. Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi naman ako nagbibiro ahh! bakit siya tumatawa ng ganyan? Baliw lang ang trip?

"Hindi ko alam na ganyan ka pala ka TANGA Dianara." Napasimangot ako sa sinabi nito.

"Ang ibig kong sabihin tungkol sa sinabi ko kanina.. " Lumapit ito sakin at bumulong saking tenga na parang malaking sekreto ang sasabihin niya na ayaw marinig ng iba.

"Ang kaluluwang nakapaloob sa katawan ng lalaking 'yan ay ang minamahal kong si Zalim... ang babaeng pinatay ilang libong taon na ang nakakalipas."

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.
Ngunit ang sunod nitong sinabi ang lubos na nagpalaki ng mga mata ko.

"At sa oras na magising na siya.. ililipat ko ang kaluluwa niya sa katawan mo. At ikaw? Habang buhay ka ng mawawala Dianara HAHAHA!!" Kahit hindi ko nakikita ang mukha ko alam kong sobra na akong namumutla ngayon. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niya. Ito pala ang balak niya. Kung ganun para narin akong namatay. Susko mamamatay na naman pala ako pero ngayon hindi na ang katawan ko.. kun'di ang kaluluwa ko.

"Shhhh huwag ka ng umiyak Dianara.. hindi ka naman masasaktan sa gagawin ko dahil mawawalan ka lang ng malay at pagkatapos nun.. wala ka ng mararamdaman Hahaha!"

Pinagmasdan ko si Antoni. Kung hindi lang nakakadena ang mga kamay ko malamang sinabunutan ko na ang lalaking 'to. Ang sarap balian ng leeg. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ko mula sa kanya sana hindi na ako sumama pa dito. Sana sina Luhan nalang ang pinili ko. Ang tanga tanga mo Dianara! Bakit kasi hindi mo pinagana ang kaladian mo ng makakita ka ng doseng gwapo.

"Hayaan mong punasan ko ang mga luha mo--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil dinuraan ko siya sa mukha.

"Huwag mong maidikit- dikit ang kamay mo sa balat ko dahil hindi lang dura ang idudura ko sayo!"

"At anong sunod na idudura mo sakin? Dugo ba? I'm willing Dianara" sabi nito habang pinupunasan ang laway kong nagland fall sa mukha niya.

"Hindi dugo tanga! PLEMA ka mo! kaya kung hindi ka pa lalayas sa harapan ko idudura ko lahat ng plema ko diyan sa pagmumukha mo!" Sigaw ko. Kita ko ang pangdidiri sa mukha nito.

"Ano Antoni? Willing ka pa ba?" Sinamaan ako nito ng tingin bago tuluyang lumabas ng silid. Napuno ng malakas kong pagtawa ang buong silid pero saglit lang 'yon dahil naalala ko kung nasaan akong sitwasyon.












Itutuloy...

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon