New Life 17

186 5 8
                                    

Kasunduan

Napuno ng katahimikan ang isang silid kung saan naroon ang vampirexo. Wala gustong magsalita bukod kay Xiumin na natiling nakatayo sa unahan nila. Huminga muna ito ng malalim bago muling tiningnan isa-isa ang mga kaibigan. Hinuli naman nito si Luhan at Tao na hanggang ngayon ay nagpapalitan parin ng masamang tinginan. Gusto nitong matawa pero pilit nitong pinipigilan ang sarili.

"Xiumin, sabihin mo na yung kasunduan na sinasabi mo, baka magsabong na ang dalawang ito." Sambit ni Suho. Inirapan naman into ng dalawa.

"Una muna sa lahat. 'Wag kayong mag-alala Luhan at Tao dahil parehong papabor sa inyo ang aking naisip." Sambit ni Xiumin. Agad namang sumabat si Luhan.

"Bilisan mo na ng matapos na ang pag-asa ni Tao" sabay tingin nito Kay Tao habang nakangisi.

"Okay, sa loob ng isang linggo kailangan ninyong patunayan kay Dianara ang mga nararamdaman nyo. Dapat sa loob ng isang linggo Alan na ni Dana ko kung sino ang gusto niya. Kung gusto nyo siyang haranahin. Gawin nyo. Kung gusto nyo siyang ilibot sa malawak nating kagubatan. Go! At kung mas romantik ang gusto nyo, isayaw nyo siya sa ilalim ng mga bituin. Kayo na ang bahala kung anong diskarte ang gagawin nyo." Mahabang sambit ni Xiumin. Nagsitanguan naman ng ulo nila bilang pagsang-ayon.

"Hindi pa ako tapos! Pwera lang sa isa, Hindi kayo pwedeng makipagsex kay Dana my babe ko forever!"

"Xiumin!!!"

***

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Hindi maalis alis ang tingin ko sa pinto ng silid kung saan nag-uusap yung labing-dalawang bampira. Ano kayang pinag-uusapan nila? Hindi kaya palalayasin na nila ako dito sa mansyon nila? O di kaya naman iinumin na nila yung dugo ko?

Inalog-alog ko ang aking ulo. Hindi naman siguro nila gagawin sakin ang mga naiisip ko. Isa pa mahal nga nila ako diba? Hihi

Sa pagka-inip, Hindi na ako nakatiis at dahan-dahang lumapit sa may pinto. Idinikit ko ang aking ulo para pakinggan ang mga nangyayari sa loob. Pero wala akong narinig. Ang tahimik. Lalo tuloy akong kinabahan. Baka naman nagkasakitan na sila dahil walang gustong magpatalo.

"Dana my babe hanggang wakas!" Sigaw ni Xiumin. Sa sobrang gulat Hindi ko na nagawang mapigilan ang nalalapit Kong pagsubsob sa sahig. Ganito nalang ba ang role ko dito? Palaging masasaktan dahil saking katangahan? Oh my!

Inabangan ko nalang ang pagbagsak ko sa sahig. Ngunit, subalit isang kamay ang sumalo sakin. Dahan-dahan akong tumingala upang tignan kung kaninong braso ba yung nakapitan ko. Isang matamis na ngiti ang binigay nito sakin ng magtagpo ang mga mata namin. Takteng lalaki 'to, napakagwapo. Kinikilig ako!

"Ganyan kita kabilis sasambutin kapag sakin ka nahulog" lalong namula ang mukha ko sa sinabi nito. Konti nalang talaga iisipin ko ng mas maganda ako Kay Liza sobreno! Pak ganern!

"Mukhang nakapuntos ka na Tao!" Sambit ni Chanyeol. Nalipat ang tingin ko dito. Nakapuntos? Saan?

"Siraulo ka talaga!" Sambit nila pare-pareho sabay batok ng bonggang bongga Kay chanyeol, naawa tuloy ako dito.

Kinabukasan..

Sobrang aga kong nagising, hindi dahil sa ginusto ko huh. Paano ba naman hindi ako magigising ng maaga kung halos masira yung pinto ng silid ko sa sobrang lakas ng mga katok. Knowing na bampira ang kumakatok sa pinto ng silid ko.

"Saan ba tayo pupunta Tao? Kanina pa tayo naglalakad, pagod na pagod na yung paa ko. Pati ano yung sinasabi ni Xiumin na ikaw yung unang nakabunot? May paraffle pala kayo hindi nyo manlang ako sinasali!"
Madamdamin kong talak sa huli kong sinabi. Kahapon ng lumabas sila sa silid parang may tinatago sila sakin.
Tapos ngayon hindi pa umiimik si Tao samantalang kanina pa ako nagtatatalak dito. Kakapagod rin magsalita kapag hindi ka sinasagot noh!

"Nandito na tayo" sa wakas nagsalita din ang lalaking 'to. Tumingin naman ako sa paligid. Ganun nalang ang gulat ko ng mapagtantong nasa tuktok kami ng isang mataas na falls. Biglang nangatog ang mga tuhod ko. Nakakapanlambot ang taas ng lugar. Sa sobrang daldal ko hindi ko namalayan na ganito pala yung lugar. Pati kaya pala kanina pa ako nakakarinig ng pag-agos ng tubig!

Sa sobrang takot na baka mahulog, napayakap ako Kay Tao ng napakahigpit. Oo ako na feeling linta. Pero paki nyo ba!? Natatakot ako eh.

"B-baba na tayo, n-nakakalula dito Tao." Sambit ko. Jusko! Nanginginig na yung labi ko, hindi na ako makapagsalita ng maayos.

"Oo bababa na tayo" sambit into habang seryoso ang mukha. Mabilis akong bumitaw kay Tao at naglakad palayo sa dulo ng talon. Pero sumiklab ang kaba saking dibdib ng bigla akong higitin ni Tao at walang sabi-sabing tumalon kami sa mataas na Talon. Putek! Mamamatay na ata ako.

"HUWAG KANG MATAKOT DIANARA! DAHIL KAHIT GAANO PA NAKAKATAKOT ANG MANGYAYARI SA ATIN, HINDING HINDI KITA BIBITAWAN. MAHAL NA MAHAL KITA!"

Hindi ko alam kung paano ko narinig ang mga sinabi ni Tao sa gitna ng lakas ng tubig na bumabagsak at sa kabang kumakain sakin. Pero lahat ng yun ay naglaho at napalitan ng kabang kakaiba. Bumagsak kami ni Tao sa tubig ng hindi ko namamalayan.
Pinilit kong tumingin kay Tao kahit na nasa ilalim parin kami ng tubig. Sobrang ganda ng ngiti nito. Tiningnan ko rin ang mga kamay namin na magkahawak parin.



Posible kayang si Tao ang mas higit na tinitibok ng puso ko?

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon