New Life 1

1.3K 45 10
                                    

A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel

Sa lumipas na maraming taon, nagawa kong maghintay ng matagal. Maghintay sa babaeng inakala ko sa buong buhay ko na hindi ko na muling makikita pa.

At hindi naman ako nabigo sa paghihintay kong 'yon. Dahil ang babaeng matagal ng hinihintay ng puso ko ay muli ng nagbalik.

Dianara!

Mula sa aking pagkakatayo. Unti-unti kong hinakbang ang aking mga paa palapit sa kanya. Palapit sa babaeng inulila ako ng maraming taon.

"Dianara.." Mahinang sambit ko sa kanyang pangalan. Tuluyan akong nakalapit sa kanyang kinatatayuan. Pinagmasadan ko ang kanyang mukha wala parin siyang pinagbago, ganun at ganun parin ang mukha niya, kahit noong una ko siyang makita, ang panget na si Dianara .. kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad siyang niyakap. Isang mahigpit at sobrang sabik na yakap.

"Hindi ko inakala na makikita kitang muli at mayayakap ng ganito.. I miss you very much Dianara" bulong ko sa kanyang tenga. Para akong sanggol na sabik na sabik sa mayakap ang kanyang ina. Ngunit lumipas ang ilang minuto, wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, ni tugon saking yakap ay wala. Kaya mabilis akong kumalas mula saking pagkakayakap at seryosong tumitig sa kanyang mga mata. Bigla akong kinabahan.

Bakit ganun ang mga titig niya? Bakit wala akong makitang pananabik mula sa kanyang mga mata? Parang may mali.. parang hindi niya ako kilala sa paraan kung paano siya tumingin sakin ngayon. Nanginginig man ang mga kamay ko ay pilit ko paring inabot ang magkabila niyang pisngi.

"D-dianara.. ako 'to, S-si Luhan" Inabangan ko ang pagsagot niya sakin. Pero nanatili itong walang imik. Muli na sana akong magsasalita ng may biglang tumawag sa pangalan ni Dianara kaya napalingon ako dito ganun 'rin si Dianara.




Isang lalaking bampira!?

"Nandito ka lang pala.. kanina pa kitang hinahanap" sambit nito at unti-unting lumapit samin. Agad na napakunot ang aking noo. Sino ang lalaking 'to? At bakit kilala niya si Dianara?

"Antoni!" Nagulat ako sa biglang pag-sigaw ni Dianara sa pangalan ng lalaking 'to. Pero mas kinagulat ko ang bigla nitong pagtakbo upang magtago sa likod ng lalaking tinawag niyang Antoni..

"Niyakap niya ako" Sumbong ni Dainara na siyang ikinataas ng kilay ko. Bakit nagsusumbong siya sa lalaking 'yan!? Napatingin ako kay Dianara, masama ang tingin nito sakin.

"Dianara pumunta ka dito" matigas na utos ko. Ngunit lalo lang itong nagtago sa likod ng lalaki "Diana--"

"Hindi maaari ang gusto mo kaibigan" pagputol saking pagsasalita ng lalaki. Napatingin naman ako sa kamay nito na hawak hawak na ang kamay ni Dianara. Bigla akong nakaramdam ng galit.


"Bitawan mo siya!" Utos ko sa lalaki. Akmang lalapit na ako sa kanila ng muli itong magsalita..



"Hindi ko gagawin ang gusto mo" sambit nito habang nakangisi. Hindi ko tuloy maiwasan ang magalit ng husto. Hindi ba alam ng bampirang ito kung sino ang ginagalit niya? Mukhang nagkamali s'ya ng babanggain.


"At bakit hindi!? Hindi mo ba alam na ang babaeng 'yan ay pagaari ko" saad ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha pero agad itong nawala. Ngumisi ito ng malaki na parang walang pakialam sa binitawan ko'ng salita.

































































"Nagkakamali ka, Dahil ang babaeng ito ay sa AKIN! at nalalapit na ang araw nang aming kasal" saad nito na s'yang kinagulat at nakapagpatigil sakin ..



"Anong sinabi mo!?" sigaw ko..


















Hindi maaari! Akin lang si Dianara! Akin lang babaeng mahal ko.






____chapterOne #newlife DONE!

Vote!&comment!

By milmarceL.

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon