New Life 7

522 20 0
                                    

A VAMPIRES' girl milmarceL

"Konting panahon nalang... mabubuhay ka ng muli." Lumabas ang isang lalaki mula sa madilim na silid kung saan nakahimlay ang katawan ng isa pang lalaki.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang lalaki bago niya tuluyang isinarado ang pinto ng nasabing silid.

"Matagal akong naghintay sa muli mong pagkabuhay Dianara kaya hinding hindi kita hahayaang makuha muli sakin ng mga lalaking 'yun!"

___

Luhan

Napabalikwas ako saking higaan ng maramdaman ko ang mainit na sinag ng araw saking balat. Bagong umaga nanaman. Bagong araw ng paghihintay para sa kanyang pagbabalik.

"Dianara!" Rinig kong sigaw mula sa ibaba ng mansyon. Tama ba ang narinig ko?

Halos mahulog ako sa aking kama sa pagmamadaling makababa. Kung tama ang aking narinig! Marahil ako na siguro ang pinakamasayang bampira dito sa mundo.

Mabilis kong tinahak pababa ang mahabang hagdan ng mansyon. Wala na akong pakialam kung mahulog man ako o magpa gulong-gulong pababa.

Ngunit napahinto ako saking pagbaba ng makarinig ako ng malalakas na pagtawa mula sa salas ng mansyon. Natulala ako sa labing isang bampirang naroroon.

"Wow! Hindi ko akalaing ganyan ka pala ka-sexy Luhan!" Sigaw ni Xiumin.

Literal na umarko pataas ang aking kilay. Agad gumala ang tingin ko sa paligid, walang Dianara. Niloko lang nila ako!

"Get Out!!" Malakas na sigaw ko sa kanila pero hindi sila kumibo. Nanatili lang silang nakatayo at nakatingin sakin.

"Hindi mo ba pakikigan ang sasabihin namin?" Tanong ni Suho pero hindi ko ito pinansin. Tumalikod na ako sa kanila at nagumpisa ng pumanhik.

"Ayaw ka niyang pakinggan Suho.. ayaw niyang pakinggan ang MAGANDANG BALITA MO TUNGKOL KAY DIANARA!"

Awtomatiko akong napahinto saking kinatatayuan. At sa isang iglap mabilis sa mabilis akong nakalapit sa kinatatayuan ni kyungsoo. Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata nito.

"A-ANONG TUNGKOL SA KANYA!? SABIHIN MO SUHO!!" hindi ko mapigilan ang mapasigaw. Sabik na sabik akong makarinig ng balita tungkol kay Dianara.

____

Xiumin

Gusto kong matawa sa naging reaksyon ni Luhan. Para itong leon na sabik makain ang kanyang hapunan. Mabuti nalang wala dito si Dianara dahil kun'di, nalamon niya na ito ng buhay. Tapos magkaka anak sila tapos maiingit ako! Ay anu ba 'yan!

"Huwag n'yo na akong bitinin pa! Sabihin n'yo na ang nalalaman n'yo!"

Tanong nito. Kahit mukhang galit, mahahalata parin sa mukha ni Luhan ang sobrang pagka-sabik kay Dianara. Mahal na mahal talaga nito ang panget na 'yun! Pero mas mahal ko 'yun. Hindi nga lang ako ang pinili.

"Ano na!?" Sigaw muli nito.

"Oo na, ito na, ito na." Umpisa ni Suho. Sa totoo lang kahit ako ay walang alam tungkol sa sasabihin ni Suho. Ang tanging alam ko lang ay tungkol ito kay Dianara.. omg!

Hindi kaya matagal ng nakita ni Suho si Dianara? Tapos hindi niya lang agad sinabi dahil sinolo niya muna si Dana my babe hanggang wakas sapagkat may gusto 'rin siya dito!?

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya sasabihin niya na... na nabuntis niya si Dianara---

"ARAY!! BAKIT KA BA NAMBABATOK TAO!?" galit na tanong ko kay Tao na umambang mambabatok ulit. Mabilis akong nagtago sa likod ni Luhan.

"Xiumin! Mamaya ka na humarot! Kailangan kong malaman ang tungkol kay Dianara! At ikaw Suho, sabihin mo na ang tungkol sa kanya!!" Nakakaloka na talaga ang lalaking 'to.

"Ang tungkol kay Dianara... kailangan natin siyang makuha kay Antoni" saad ni suho. Naghantay pa kami ng susunod na sasabihin nito pero para itong dvd'ng na pause.

"Anong sunod!?"

"A-alam ko na kung saan sila matatagpuan" sambit ni suho.

"SAAN!?" Sabay-sabay naming tanong. Ang pandak na 'to! Ang hilig talagang maglihim. Tapos nakakagulat pa ang dala-dalang balita!




(Itutuloy..)

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon