New Life 12

546 18 1
                                    

Re-post

A VAMPIRES' girl by milmarcel

DIANARA

"Iuuwi na kita, mahal ko"

Natulala parin ako hanggang ngayon habang nakapasan sa likod ni Luhan. Hanggang ngayon gulantang na gulantang parin ako saking narinig. Ayaw tanggapin ng utak ko ang bawat salitang sinambit ni Luhan. Totoo ba ang sinabi niya na.. na.. na..mahal niya ako?

Wala sa sarili kong sininghot ang amoy ni Luhan na kanina pang kumakatok sa butas ng ilong ko. Napakabango talaga ng amoy niya. Amoy sanggol. Ang sarap amuy-amoyin. Nakakaadik.

"Kung hindi mo titigilan 'yan.. baka hindi ko na kayanin"

"H-huh?" Napatigil ako sa pagsinghot sa leeg ni Luhan. Nahalata niya pala ang ginagawa ko? Hala! Nakakahiya naman.

"Itigil mo ang pag-amoy sakin pati... 'yong pag-ungol m-mo"

Nag-init ang mukha ko sa pahayag ni Luhan. Gusto kong humiwalay sa kanya para ilayo ang sarili mula sa kahihiyan. Sa sobrang pagkahumaling ko sa amoy niya hindi ko namalayan na u-umuungol na pala ako dito. Nakakahiya talaga. Parang ang landi landi ko tuloy.

"Malapit na tayo sa portal." Rinig kong sambit ni Luhan. Naipikit ko ang aking mga mata nang mapatingin ako sa nakakasilaw na liwanag. Siguro ito na 'yung tinutukoy ni Luhan na portal.

"Yumakap ka sakin ng mabuti" utos nito kaya ganun nga ang ginawa ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Yung mahigpit na mahigpit 'yung tipong nadadama ko ng sobra ang malapad niyang likod. Ang sarap yakapin ni Luhan. Parang isang unan sa pakiramdam.

Habang buhay na kaya ako dito sa likod niya? Diba MAHAL NAMAN NIYA AKO!?

Lande mo talaga Dianara!!  sigaw ng maligalig kong isip.

'Wala namang basagan ng trip! Nakikinabang karin naman!'




"DANA MY BABE HANGGANG WAKAS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"  Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Kilalang kilala ko ang boses na'to. Boses 'to ng isang cute na cute na lalaki na mahilig sa Siopao.

Pumikit ako para i-adjust ang paningin kong nasilaw sa liwanag. Bukod sa lalaking may pasan sakin namiss ko 'rin ng sobra sobra ang mga lalaking nag-aruga sakin noon.

Nagmulat na ako ng mga mata at don tumambad saking paningin ang mukha ng labing isang bampira. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Ngayong nakita ko na ulit sila na may kompletong alaala. Masasabi ko na sobra ko talaga silang na-miss.

Madali akong bumaba sa likod ni Luhan at mabilis na tumakbo patungo sa labing isang bampira na mahahalatang sabik na sabik 'rin sakin. Pakiramdam ko tuloy ang ganda ganda ko ngayon habang tumatakbo. Ibang iba kasi ang sayang gumuguhit na sa kanilang mga mukha. Galak na galak from the bottom of their heart.

Malapit na 'ko... MALAPIT na sana ako sa kinatatayuan nila Xiumin ng bigla akong natisod sa isang bato. Susme! Harujusmiyo Marimar! Simula talaga ng bumalik ang alaala ko. Bumalik 'rin ang taglay kong katangahan at kalampahan. Nagdasal ako na sana hindi sumubsob ang panget kong mukha sa sahig. Tama na ang parusa sa mukha ko. Huwag na sanang madagdagan.

Lumipas ang ilang sandali na hindi parin ako pumapatak sa sahig. Parang may sumalo saking mga kamay. Bigla akong kinabahan.. hindi kaya?

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Omg! Tama nga ang hinala ko na may sumambot saking mga kamay. Well.. sinambot lang naman po ako ng labing dalawang bampira. Kinilig na naman tuloy ang puso ko. Pero may mga kamay na parang hindi maganda ang hinahawakan..


"KAI!!!!" Sigaw ko pati nila Luhan. Nakahawak ba naman saking pang-upo!?

~

"Welcome to OUR MANSION!!" masiglang sambit ni Xiumin habang nakataas ang mga kamay. Matapos ng mahabang pagtatalo ni Luhan kontra sa labing isang bampira na kaibigan niya, kung saan kami tutuloy. Dito parin kami umuwi sa mansyon kung saan nag-umpisa ang lahat. Kung saan ko nakilala ng lubusan ang mga kaibigan kong bampira.

Bumalik lahat ng alaala ko sa bawat sulok ng mansyon. Ang sarap sa pakiramdam na isipin na makakasama ko na ulit ang mga bampirang naging parte ng buhay ko noon.

Sa wakas.. nandidito na ulit ako!

"Tara na Dianara sating silid. Magpahinga ka na." Kinabahan ako sa sinabi ni Luhan at napalunok ng sunod-sunod. Tama ba ang narinig ko? Saming silid? Kaming dalawa sa iisang silid?

Para kaming mag-asawa!!!!! Sigaw ko saking isip.

"Mayroon siyang sariling silid sa mansyon na 'to." Apela ni Xiumin na kumapit sa braso ko. Napatingin ako sa mga braso nito. Nag-gi-gym ba itong si Xiumin? May muscle ee!

"Hindi magandang ideya na mag-isa lang siya sa silid dahil baka bigla nalang sumugod si Antoni... isa pa mahal ko si Dianara at ganun 'rin siya sakin." Napanganga ako sa mga huling katagang sinabi ni Luhan.

"Kung ganun... lahat tayo ay makakasama ni Dianara sa isang silid para mabantayan natin siya. diba Dana?" Napatingin ako kay Kyungsoo na nakangiti sakin. Napatango nalang ako sa ganda ng ngiti nito.

"Dianara--"

"Tara na Dana sa silid kung saan KASAMA MO KAMING LAHAT" pagdidiin ni Sehun sa kanyang sinabi saka ako hinigit palayo sa nakasimangot na si Luhan. Gusto kong matawa sa reaksyon nito. Para siyang inagawan ng laruan.. ay teka? Laruan ako? Haha.

"Saan kayo tutulog?" Tanong ko ng makarating kami sa dati kong silid. Wala itong pinagbago. Ganun parin ang ayos nito.. may bintana parin. Haha

"Nakalimutan mo ata na hindi natutulog ang mga gaya naming bampira" sabi ni Suho. May bigla akong naalala. Siya ang dahilan kung bakit ako natunton ni Luhan. Lumapit ako kay Suho at niyakap ito nang mahigpit. Ramdam ko ang pagkagulat nito.

"Salamat Suho" bulong ko. Naramdaman ko ang pagtugon nito saking yakap. Kung literal na malandi ako. Kanina pa akong kineleg!

"Bitawan mo siya!" Nagulat ako sa sumigaw.

"Galit na si Prinsipe Luhan mo" napatawa ako sa binulong ni Suho. Kinilig tuloy ako ng tuluyan. Inamoy ko muna si Suho bago kumalas sa yakapan naming dalawa. Ang bango ee!

Lande ko talaga.

Itutuloy...

I did my best para pahabain po ito ng konti. Pasensya na po talaga. Nahihirapan na po kasi akong magsulat. Pero dahil ayaw kong biguin ang mga nagbabasa nito. Hindi ko ito titigilan. Go lang. Tatapusin ko ang stoyang 'to! ^^

Thank you for reading :)

A Vampires' Girl - NEW LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon