"Hello hello stranger"
[Ram]
"Lex, ano kayang mangyayari sa school pag-naging seniors na tayo?"
"Ha! Ewan ko nalang!"
"Hoy! Anong 'ewan'? Ikaw tung bagong SGC President."
"Wala talaga kasi akong plano eh. Maybe just-go-with-the-flow? Si Cherry kasi naglagay sa akin sa pagka President eh!"
"Siya nga naglagay sayo sa partido niya pero ang mga estudyante naman ang bumoto sayo."
"Oo na sige na! Pero wait, akala mo ako lang may responsibility dito? Sino kaya bagong BatCom ha! Ikaw!" Kaya ko lang naman na isipan sumali ng training dahil mukhang busy na lahat ng tao sa paligid ko at ako nalang ang nanatiling hindi.
"Uy, nanalo nanaman ang district natin sa national ng basketball and of course dahil kay Zero." Hindi ko masyado pinansin ang pinagsasabi ni Alex. Nakatuon ang pansin ko sa isang lalaki sa baba ng burol.
Kitang kita namin yung mga pumapasok sa gate. Napatayo ako mula sa pagkasandal sa puno ng mangga ng makita ko ang isang lalaki na may medyo color brown na buhok. Top view ang nakikita ko. And I can say he's familiar.
"Ram, anong meron?" Tumayo narin si Alex para tingnan ang tinitingnan ko.
"Si! Si..." Halatang may gusto siyang sabihin pero di niya malabas sa dila niya.
"Si Leon!" Sabi niya sabay turo dun sa lalaki sa baba. "Leon?" Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko masyadong maalala. Paki alog nga utak ko! Si Leon! Kababata naming yan.
Nag-unahan kaming bumaba at tumakbo papunta kay Leon na parang mga bata. Tulad noon.
"Leon!" Dahil sa tindi ng aming yakap natumba kaming tatlo sa damuhan.
"Kumusta kana?!" Tanong ni Alex habang nakahiga sa damuhan.
"Uy, Alex, baka hindi ka na maintindihan, engleshan mo!" Sabi ko sabay upo.
"Uy hindi naman! Sa kabilang bayan ngalang ako lumipat." Angal ni Leon na tinutulungan si Alex maka tayo.
"Kahit na no. Syudad yung nilipatan mo!"
"Bakit ka nga pala nandito? Dito kana ba ulit titira?" Kung ganon mabubuo na ulit kaming tatlo!
"Hindi eh. Nandito lang ako para dun sa Performers Summer Camp."
"Kasali ka dun?!" Tuwang-tuwa naman si Alex. Paanong hindi, eh siya president ng Performing arts club sa school namin which means kasali din siya sa camp.
May pumasok na isang lalake na may hawak-hawak na hand mirror habang nag-aayos ng kanyang buhok.
"Oh, Nicolo. Ambagal mo naman." Sabi ni Leon kay Nicolo yung may hawak-hawak ng salamin. Ka height ko siya, matangkad.
"Oh hi, I'm Nicolo." Inabot niya ang kamay niya sa akin.
"I'm Ram."
"I'm Alex!" Parang nakainom ng vitamin C. Grabe ang energy this day. Sino ba naman hindi matutuwa at nagkita na kayo muli ng best friend mo. Inaamin ko, mas close siya kay Leon. Naging close lang naman kami ni Alex noong wala na si papa.
Maikli lang ang panahon nila Leon para magstay sa Drysdale. Kaya before magstart ang camp itinour na namin yung kasama niya kami nila Alex, Candy, at Chrystal. Syempre kasama si Leon. Kahit na nanggaling siya dito, hindi narin siya ganun ka kabisado sa lugar.
Natapos na ang camp pero hindi pa bumalik sina Leon. Inaayos pa kasi ang enrollment matters nila dun sa school nila. For the mean time sa S.I.L.D muna sila mag-aaral. How great is that?
BINABASA MO ANG
Not a Fairy Tale at All
RandomStory of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immature and snobbish boy. But there's is still more of him. It is just needs to be unlocked. Story of a very, very generous and kind girl. She's...