“No man is an island; because they’re human.”
[Chrystal]
Tama ba yung narinig ko? Nagso-sorry siya dahil nasaktan niya damdamin ko? Huwaw! May puso rin pala tong maldita na to! Sadyang lagi niya lang inalalathala sa publiko ang kanyang pagkamaldita. Kung pinapakita niya lang kaniyang puso… siguro’y may apat na kaibigan na to. Apat lang muna. Di pa ganun ka busilak ang kanyang puso. Bakit ba kasi ang bitter niya?! Ang tamis pa naman ng pangalan niya! Matulungan nga!
“Bes, bat wala kang kaibigan kung di ka naman nerd?” Kring!! Ano ba naman to. Walang pakisama ang oras. “Ha? Ano yun? Di ko narinig ang sinasabi mo. Halika ka na mahuhuli na tayo sa klase.” Sinundan ko na si Bes papuntang classroom. Ibihin ko kaya ang tanong. Parang ang pangit eh.
“Bes, di mo pa ako sinasagot kanina!” Pinulupot ko agad braso ko sa braso niya. “Sige iibahin ko nalang ang tanong. Bes, bat ang bitter mo?” Ok na ba yun? “Kasi may dahilan.” Best in pilosopo award goes to Candy Real! “Anong dahilan?” Kung pilisopo siya, makulit ako. “Ang kulit mo naman eh! Basta!” Bitter talaga. Di mahanap ang sagot ng diretso, edi maghanap sa iba!
Pinulupot ko braso ko sa braso niya. Aaminin ko na, ako si Pulupot girl! “Bes! Ali! Samahan kita pauwi. Para makilala narin ako ng parents mo.” Nakita ko expression na mukha niya. Gulat na di maintidihan. “Di pwede.” Sinubukan niyang tanggalin ang kamay ko sa braso niya. “Sige na!” Mas hinigpitan ko pa ang aking kapit. Kawawa naman ang isang to sa akin. xD “Di nga pwede!” Tinaggal niya ulit ang aking kamay. “Sige na! Bakit ba hindi pwede?!” At automatic naman na pumulupot ang aking kamay sa kanyang braso. “Di pwede dahil wala akong maipapakilala na mga magulang!” Napabitaw ako sa kanyang braso. “Biro lang…” Binawi niya ang mga sinabi niya. “Bes naman eh!” Napakaharsh niya talaga ha! Pati ba naman sa pagbibiro!
“Nandito na tayo.” Huminto kami sa isang orphanage—orphanage! Huwaw ang yaman! Pumasok na kami. Ang daming bata sa loob. What do you expect Chrystal?! Mga matanda?! Orphanage nga eh! Hindi home for the aged.
Nagmano si Candy sa isang sister. Medyo matanda na. “Nanay ko.” Ha? Imposible. Sa natutunan ko sa Christian Living, bawal mag-asawa ang madre o pari. Tumakbo paalis si Bes. “Huy, teka—.” Tokwa naman o. Nagawa pa akong iwanan. “Halika hija, pasok ka.” Nakita ko sa pader ang mga nakasabit na litrato na naka frame.
Ang pinaka-napansin ko sa lahat ay ang picture na nasa gitna. Ang nasa picture ay ang sister na pinagmanohan ni Candy. May kasama siyang dalawang bata, babae at lalake. Ang lalake ay mga nasa 13 na ang edad while ang batang babae naman ay nasa 10. Pamilyar ang babae para sa akin… Mapayat na matangkad, wavy na buhok. Medyo kahawig ni Candy. O baka naman si Candy talaga to. “Sister, si Candy po ba to?” Itinuro ko ang babae sa picture. “Ah, oo… Isang buwan na ang nakalipas ng iwan siya ng mama niya ng kinuha namin ang litrato na yan.” Umupo si sister-I-don’t-know-her-name. At sinenyasan niya ako na maupo rin. “Ha? Iniwan po?” I leaned forward to listen. “Four years ago. Gabi iyon at uma-ambon.”
[Candy]
“Mama, ano po ginagawa natin dito?” The innocent eyes of Candy looked up to her mother’s as she wondered. Hindi siya umimik instead I can see her eyes watering. “Iiwan muna kita dito ni mama ha.” She bent down to level with Me. “Mama ano po ibig sabihin niyo?” Hindi ulit siya sumagot ngunit patuloy lang parin siya sa pag-iyak. Lumabas na sina Sister Georgina. “Kayo na po bahala sa kanya.” Nagsimula na akong umiyak. “Halika na sa loob hija.” Hinawakan ni Sister Georgina ang kamay ko pero kumawala ako at tumakbo papunta sa kanya. “Mama, wag mo akong iwan!” Lumuhod ulit siya. “Babalik si mama ha… Hintay ka lang…” Pinunasan niya ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata ko. Inalis niya ang kamay ko mula sa pagkayakap sa kanya. At tumakbo papalayo. “Mama!” At nagising na ako.
Ako lang mag-isa sa kwarto. Tinignan ko ang orasan, 5: 40 na. Bumangon na ako at dumiretso papuntang banyo.
It’s been 4 years. Kaylan pa ba siya babalik? Nakalimutan niya na ba ako? Inilublub ko ang tabo sa balde.
Lumutang ang isip ko. Ilang taon na ako binabangungot ng pangyayari na yun. “Kuya mo yung katabi mo sa picture?” Ay naks ng baboy! Nakalimutan ko, nagkabati na pala kami ni pulupot girl. Megaphone na naman katabi ko. “Ha? Anong picture?” Wala akong ma-alalang picture na ipinakita sa kanya. “Yung sa orphanage… Yung tatlo kayo nung Sister-I-don’t-know-her-name.” Huh? Anong sister I don’t know name? “Si Sister Georgina yun hoy!” Ano kayang pinagsasabi ni Sister nung wala ako? “Bes! Ayan ka na naman eh! Di mo ako sinasagot!” Tumalikod siya sa akin. Hay nako ayan naman, nagtampuro-rot. “Oy, OA mo din no. Ano namang paki-alam mo don? Crush mo no?” Tinusok-tusok ko bewang niya. Alam kong doon siya banda nakikiliti. “Hindi no! Bawal bang makilala ang pamilya ng best-friend mo?” And you’ve said the word I hate the most. “Naipakilala ko na sayo ang pamilya ko. At yung pinakilala ko, yun lang ang pamilya ko.” My definition of family is the people who stay for the rest of my life.
“Bes, I know what your mother has done to you. But she’s still your mother at all.” Kung makapagsalita akala niya naman alam niya na lahat. Kung alaman niya lang na short-cut kung magstory si Sister. “No, you don’t know Chrystal. You don’t know how hard 4 years without a mother is. I may have sister Georgina but it’s still different.” My eyes began watering. Napakaiyakin mo talaga Candy! I hold back my tears. “You should forgive her.” Naramdaman ko ang yakap ni Chrystal. No one has ever hugged me this way. Yakap na puno ng pag-aaruga.
Tears start to fall…
Up in the hill is our tambayan.
Nakahiga ako sa grass.
“Bes, akala ko di mo na ako isasama dito sa tambayan mo.”
“Tigilan mo yang kakabunot ng damo baka di na talaga kita isama.” Lumilipad ang mga damo na pinagbubunot niya sa bibig ko.
“Sorry…”
“Best-friend kita diba, so talagang isasama kita.”
Naglabasan na ang mga high school students.
“Bes, saan ka nga pala maghi-high school?” Tanong ko kay Chrystal. Habang pinapanood ang mga students papalabas ng gate.
“Hindi pa ako sigurado. Ikaw?”
“The sisters gave me two options whether to stay here or to study in S.I.L.D. Since I haven’t heard of it so I think I’m going to stick here.”
“S.I.L.D is a great school. You should go there. Isa din yun sa mga choices ko. Sige na bes, para kasama parin tayo.” Wow, choicesss daw ha.
Itutuloy ko ba pag-aaral ko doon? Nahh… I shall give it a try. Nothing can go wrong. I mean in my life, what else could go wrong?
BINABASA MO ANG
Not a Fairy Tale at All
SonstigesStory of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immature and snobbish boy. But there's is still more of him. It is just needs to be unlocked. Story of a very, very generous and kind girl. She's...